Bigla na lamang may malalakas na katok akong narinig. Tinakpan ko ang tenga ko ng unan dahil sa inaantok pa rin ako.
"Gising na!"Dinig kong sigaw sa labas.
"Mamaya na!"Sigaw naman ng katabi kong si Sachie.
Nawala naman bigla ang unang nakatakip sa tenga ko na ikakunot noo ko habang nakapikit kasunod non ang hindi gaanong kalakas na lagabog sa may pinto na unti-unting ikamulat ng mga mata ko.
Paglingon ko kay Sachie ay nakaweird position siya habang nakahiga at nagsisimulang humilik ulit. Nilibot ko naman ang paningin ko sa buong paligid at napadako ang tingin ko sa pinto.
Muling may sunod sunod ulit na katok. Hindi ko alam kung katok ba talaga yan o hampas.
"Sabing gising na!"
Muling may sumigaw sa labas na ikangiwi ko.
Bumaba ang tingin ko sa may sahig at nakita ko ang unan ko. Teka, paano yan napunta d'yan?
Nabaling ang atensyon ko kay Sachie ng kuhanin niya ang malapit na unan sakin at nagulat na lamang ako sa sunod niyang ginawa. Hinagis niya iyon sa pinto habang humihilik.
Napangiwi ulit ako at naiiling na lumingon sa bintana. Maliit na winalis ko ang kurtina at kumunot na lamang ang noo ko ng makitang gabi pa.
I mean, madilim pa ang labas.
Napahikab ako at dahan-dahang umupo. Napuyat ako sa kakatulong kay Sachie kagabi ah.
Napakasama ko naman siguro kung hahayaan ko lang siyang mag-isang nag-aayos ng mga damit at mga gamit niyang nagkakalat-kalat sa kung saan.
Maingat akong umalis sa kama at sinigurado ko talagang hindi ko maiistorbo ang tulog ni Sachie.
Inabot ko ang wheelchair na malapit lang sakin at hinila ito papalapit pa sakin. Dahan dahan akong umupo, nahihirapan pa ako dahil hindi ako sanay na umupo mag-isa sa wheelchair na binigay sakin ni Wendy.
Hindi pa man nag-iilang minuto ay tagumpay na nakaupo na ako sa wheelchair.
Hinawakan ko ang magkabilang gulong neto at sinimulang igulong gulong. Tumungo ako sa pinto at hininto ko naman ang wheelchair sa harap ng pinto.
Lumingon muna ako sa salamin at tiningnan ang sarili kung maayos ba ang itsura at mukha ko bago ako haharap sa taong nakapaligid sakin.
Inayos ko ang buhok ko at kinuha ko naman ang dumi sa mata ko bago ako huminga ng malalim at hinawakan ang doorknob.
Maliit ko munang ipinwesto ang wheelchair sa may gilid bago dahan dahan kong binuksan ang pinto at dahan dahang sumilip. Bumungad naman sakin si Terry na nakapameywang na kakalingon lang sakin. Napangiwi ako dahil sa sumalubong sakin.
Tuluyan ko ng binuksan ang pinto at bumaling naman ang tingin niya kay Sachie na natutulog pa rin. Lumingon siya sakin at ngumiti.
"Magandang umaga, Hecia."Nakangiting bati niya sakin. Napangiti naman ako at saglit na maliit na yumuko bago bumati sa kanya pabalik.
"*"Magandang araw din sayo, Terry."*"Nakangiti kong bati pabalik.
Naglakad siya sa likod ko at maingat na tinulak ang wheelchair na kinauupuan ko papalabas sa kwarto ni Sachie.
Tumungo kami sa kusina at bumungad naman sakin ang mga pagkaing nakalagay sa hapagkainan.
Halata ang bagong luto neto. At isa pa, kumakalat sa buong paligid ang napakasarap na amoy neto.
"Nagugutom ka na ba?"Tanong sakin ni Terry at tumingin pa sakin na ikatingin ko rin sa kanya.
Dumako ang tingin ko sa pagkain at pinakiramdaman ang tyan ko bago napatingin ulit sa kanya.
Umiling ako.
Sanay akong kumain mag-isa pero narealize kong masaya palang kumain ng hindi nag-iisa.
"Sigurado ka?"Paninigurado naman niya kaya tumango ulit ako at ngumiti.
Tumango naamn siya pabalik at maliit na ngumiti bago niya niliko ang wheelchair at tinahak ang daan patungong sala.
Hininto niya ito sa harap ng sofa at tinuro naman niya ang sofang nasa harapan ko. Tumango ako kaya naman dahan dahan niya akong inalalayan paupo sa sofa.
Kinuha niya ang remote na nasa glass table at binuksan ang television na nasa harapan ko.
"Gisingin ko lang ang dalawa ha?"Pagpapaalam niya sakin at nilapag sa harapan ko ang remote at lumingon sakin.
"*"S-sige."*"Sabi ko naman. Senenyasan niya akong manuod lang kaya naman tumango ako bago siya sinundan ng tingin na ngayon ay tinatahak ang daan patungong kwarto ni Wendy.
Nilipat ko na lamang ang tingin ko sa television na nasa harapan ko at tahimik na pinapanuod ang ngayong palabas.
Napadako ang tingin ko sa oras na nasa television at nakitang '4:28' pa lamang ng umaga.
Bakit sobrang aga naman ata? Napahikab ako dahil nakakaramdam pa rin ako ng antok, pero kunti lang naman.
"Wendy!!"Dinig kong sigaw ni Terry sa pangalan ni Wendy.
Napalingon ako sa deriksyon ni Terry at sakto namang sunod sunod na malakas na kinakatok na niya ang pinto ni Wendy.
Kahit expensive na pinto ito at mukhang matibay ay hindi pa rin nababawasan ang malakas na katok ni Terry na umalingawngaw sa paligid.
Napangiwi ako. Kung ako niyan ay baka nagsisimula ng mamaga ang kamay ko.
"Another 5 minutes please!!"Dinig ko namang tugon ni Wendy na halata pa sa tono ang pagka-antok.
"Wendy!"-Terry.
Huminto sa kakakatok si Terry at bumuga ng hangin bago siya may kinuhang kung ano sa loob ng bulsa niya.
Hindi ko alam kung ano iyon pero ng tuluyan ko ng maaninag ang kinuha niyang kung ano sa loob ng bulsa niya ay nalaman kong susi lang pala.
Sinimulan na ni Terry na buksan ang pintuan ni Wendy na hindi naman lumilipas ang isang siyam na sigundo ay nabuksan na niya ito.
Malaking binuksan niya ang pinto at bigla naman akong nakaramdam ng lamig. Napayakap ako sa aking sarili dahil sa sobrang lamig.
"Oh, kitam mo. Dinagdagan mo nanaman aircon mo sa kwarto."Dinig kong sabi ni Terry at pumasok sa loob ng kwarto ni Wendy.
"There's nothing wrong naman e, kesa naman magkaka-sweat ako edi mababawasan beauty ko niyan."Dinig ko namang proud na tugon ni Wendy kay Terry.
Unti-unting nawawala ang lamig na nararamdaman ko pero may natitira pa ring lamig kaya napapayakap pa rin ako sa sarili ko.
"Bumangon ka na d'yan."-Terry.
"Ihh,"-Wendy.
"Huwag mo akong ini-ihh ihh d'yan. Bumangon ka na d'yan kung ayaw mong ma-istress nanaman si prof."-Terry.
"But, 8AM pa naman us magsta-start ang class."Dinig ko namang sabi naman ni Wendy.
"Basta bumangon ka na d'yan!"-Sakto namang kakalabas lang ni Terry sa kwarto ni Wendy ng sinabi niya iyon.
Dinig ko pa ang pagmamaktol ni Wendy sa loob ng kwarto niya.
Sinundan ko ulit ng tingin si Terry na tumungo sa kwarto ni Sachie at pumasok.
"Sachie, gising!"Dinig kong sabi ni Terry ngunit hilik lang ni Sachie ang kasunod na narinig ko mula sa loob.
Napangiwi ako. Inayos ko ang pagkakaupo at trinay na makita kung anong nangyayari sa loob ng kwarto ni Sachie.
Kaya dahil na rin sa laki ng pagkakabukas ng pinto ng kwarto ni Sachie ay nakita ko pa kung paano hinampas ni Terry si Sachie ng unan na ikangiwi ko lalo at napatikhim bago umiwas ng tingin.
Tumingin ako sa television at pinanuod na lamang ang palabas ngayon.
"NAWAWALA SI HECIA!"-Sachie.
Muntikan pa akong napatalon sa gulat dahil sa biglaang sigaw ng kung sino.
Bumukas ang pinto ni Wendy at nakita ko naman si Wendy na naka-b*a at short habang may towel naman na nakapalibot sa bewang niya.
Dumiretso siya sa loob ng kwarto ni Sachie ng wala man lang lingon lingon sa deriksyon ko. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat.
"ANO!?"-Wendy.
Mas lalo pa akong napatakip sa tenga sa mas malakas na sigaw ni Wendy.
Napangiwi ako.
"WENDY!? BAKIT KA NANDITO? MAGHUNOSDILI KA NGA SA ITSURA MO!"-Sachie.
"WHERE'S HECIA!?"-Wendy.
"MAGBIHIS KA MUNA!"-Sachie.
"HECIA!?"-Wendy.
"LUMABAS KA!"-Sachie.
"HECIAAAA!?"-Wendy.
"TAHIMIK!—muna pwede?"Singit naman ni Terry kina Sachie at Wendy.
Nakahinga ako ng maluwag ng tumahimik na ang buong paligid at wala na akong naririnig na malalakas na sigaw gaya kanina.
"Nasa sala si Hecia."Dinig kong mahinahong sabi ni Terry.
Sunod na narinig ko ay mga lagabog na parang may nahulog.
Maliit na napatagilid ang ulo ko ng makita ko si Wendy na ngayon ay nakatayo sa harap ng pinto ni Sachie at kakatingin lang sa deriksyon ko.
Napakunot noo ako sa biglaang pagsulpot ni Sachie sa baba. Nakahiga siya sa sahig habang nakahawak sa kaliwang paa ni Wendy. Napatingin na rin siya sa deriksyon ko.
Nagpakita naman si Terry sa paningin ko, "Sensya na sa ingay, Hecia. Gan'yan lang talaga sila mag-alala. Masasanay ka rin."Ngingiwing sabi na may halong paliwanag na ani ni Terry sa akin.
Maliit akong tumango at maliit na ngumiti.
"Ngayong nakita niyo na si Hecia, magsiligo na kayo aba!"-Terry