Ano na kayang ginawa ni Wendy kay Hecia. Napaka-abnormal pa naman non, kung ano ano nalang naiisip.
Kanina pa ako nakatayo sa harap ng lababo habang ang tingin ay sa pinto ng kwarto ko. Kanina pa sila sa loob ng kwarto ko, tapos may naririnig pa akong mga kung ano-ano na parang may nahuhulog.
Napabuntong hininga ako at tahimik na nagdarasal na sana ay walang katarantaduhan na pinaggagawa si Wendy.
"Panay buntong hininga ka d'yan ah."Dinig ko namang salita ni Terry habang hinahanda ang mga niluto sa hapag.
"*"Nag-aalala lang, alam mo naman yong si Wendy. Kung ano ano nalang tumatakbo sa isip."*"Sabi ko sa kanya at muling napabuntong hininga.
Umayos ako ng pagkakatayo at nagsimulang maglakad papalapit sa hapagkainan at umupo sa isa sa mga upuan bago napalumbaba.
Nakita ko kung paano unti unting napangiwi si Terry na para bang may naalala siyang hindi makakalimutang pangyayari.
Umupo siya sa tabi ko at napalumbaba na rin.
Bigla ko na lamang naalala ang nangyari two years ago na posibleng gagawin din ni Wendy kay Hecia.
Napaka-inosente ng newbie na 'yon kaya sana'y huwag niyang turuan ng kung ano-ano.
—Two years ago.
Napalingon ako sa pinto ng may kumatok. Nakita ko naman si Wendy na ngayon ay nakasilip habang nasa loob pa rin siya ng kwarto niya.
"Who's that?"Tanong niya sakin at tuluyang binuksan ang pintuan ng kwarto niya. Nakasuot pa siya ng maiksing damit at may hawak hawak pa siyang nail polish.
Napangiwi naman ako sa mukha niyang may face mask—hindi ko alam kung anong tawag d'yan basta for skin yan.
Nagkibit balikat ako bilang tugon at itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa television na nasa harapan ko.
Baka guard nanaman yan ng girls dorm. Minsan kase kapag bumibili si Wendy ng mga stuffs, tapos tinatamad siyang buhatin ito—dahil daw kase natatakpan ka-sexy-sehan niya, ay pinapadeliver niya na lamang tapos syempre only students lang ang pwedeng pumasok sa Academia kaya iiwan ng nagdeliver ang binili ni Wendy sa isang kawal tapos ihahatid naman nong kawal sa guard ng girls dorm yong pinadeliver ni Wendy tapos yong isa sa mga guard naman ng girls dorm ang maghahatid sa delivery niya rito sa dorm namin.
Nakaka-abala si Wendy, 'diba? Gan'yan talaga kalaki ang advantage kapag nasa Noble Family.
Narinig ko ang sunod sunod na yapak ni Wendy kaya naman sinundan ko siya ng tingin na ngayon ay papalapit sa pinto.
Muling may kumatok at sakto namang kakalapit lang ni Wendy sa pinto.
Hinawakan ni Wendy ang doorknob at binuksan ang pinto, "How may I help you?—frckng beautiful girl."
—End.
Pagkatapos non, hinila na lamang ni Wendy si Terry papasok sa kwarto niya. Ilang oras silang nasa loob ng kwarto ni Wendy tapos lumabas silang dalawa na nakasuot na si Terry ng sexy dress. Tapos may make up pa siya.
Proud na proud pa nga si Wendy nong araw na 'yon.
Tapos si Terry naman ay nababakas pa sa mukha niya na hindi niya alam kung anong nangyayari, muntikan pa siyang nawalan ng balanse habang suot suot niya yong isa sa mga takong ni Wendy.
Hanggang ngayon pa rin naman ay hinihila pa rin siya bigla ni Wendy papasok sa loob ng kwarto niya tapos lalabas ulit silang iba nanaman ang itsura ni Terry.
Pero habang tumatagal ay nakakatakas na si Terry minsan kay Wendy. Pero ewan ko nalang kung makakatakas ba si Hecia kay Wendy.
"I represent to you, Hecia Ruses!"
Sabay kaming napalingon ni Terry sa deriksyon ng kwarto ko. Bumungad samin si Wendy na tulak tulak ang kinauupang wheelchair ni Hecia.
Humahagis-hagis pa ng mga bulaklak si Wendy upang mas gumanda pa lalo ang entrance nila.
Napaawang na lamang ako ng bibig dahil sa itsura ngayon ni Hecia.
Napakaganda ni Hecia ngayon kahit lipstick lang ang nakalagay sa mukha niya. Mas gumanda pa siya lalo dahil sa hairstyles niya ngayon. Nadadagdagan pa ang kagandahan niya ng kakyutan dahil sa suot suot niyang damit pantulog na may desenyong gummy bears.
Napakasimple lang pero para siyang isang Noble!
Kahit kunti ay nakaramdam naman ako ng kaginhawaan. Mabuti na lamang wala akong mga sexy dress at madaming make ups sa kwarto ko. Kung nagkataon talaga na meron, ay baka mangyari pa kay Hecia ang nangyari noon kay Terry.
Bakit hindi ko kaagad napansin na may tinatago pala itong si Hecia na kagandahan—I mean, maganda naman siya pero masyado akong nadistract sa kinakain niyang ice cream.
_
Hecia POV.
"Hey, vi-visit ba si Sis Doc tomorrow?"Tanong ni Wendy sa kanila ng makalapit kami.
Hininto ni Wendy ang tulak tulak niyang wheelchair kung saan ako nakaupo ngayon sa harap ng hapagkainan.
Umupo siya sa katabi kong upuan.
"Baka ichecheck ni Sis Doc sina Kuya Zyon bukas."-Terry.
Nabaling naman ako kay Terry na ngayon ay bakas sa mukha ang pagkamanghang nakatingin sakin na para bang ngayon lang siya namangha sa pinaggagawa netong si Wendy.
Napangiwi ako ng maalala ko ang nangyari sa loob ng kwarto ni Sachie. Ano kayang magiging reaksyon ni Sachie mamaya.
"Really? Then, magiging okay na right foot ni Hecia tomorrow!"Excited namang sabi ni Wendy. Para ngang siya pa yong excited saming dalawa.
Biglang kumunot ang noo ko.
"*"Sis Doc?"*"Singit ko naman.
"Magaling na healer si Tita, mamamangha ka talaga ng sobra!"Nakangiti namang ani ni Sachie.
Nagthumbs up naman sakin si Terry, "Tama si Sachie, nakita ko na kung paano gumamot si Sis Doc at talagang nakakamangha talaga."Dugtong naman ni Terry.
Nakaramdam naman ako ng excitement dahil sa mga tono ng boses nilang parang may naalalang kamangha-mangha.
"I'm nagugutom na, can I eat na?"Singit ni Wendy na ngayon ay may hawak hawak na plato, kutsara at tinidor.
Tumango si Terry at nagsimula namang kumuha ng ulam at kanin si Wendy at ganon din sina Terry at Sachie.
Napatingin si Terry sakin at saglit na kinunutan ako, "Teka."Sabi niya at kumuha ng plato, kutsara at tinidor. Siya na mismo ang naghain ng kanin at ulam sa plato bago niya ito inilapag sa harap ko.
Maliit naman akong ngumiti at nagpasalamat. Tumuwid ako ng pagkakaupo at kinuha ang kutsara at tinidor.
Pormal akong kumain. Pagsubo ko palang ng kanin na may ulam ay maliit naman akong napatango-tango dahil sa sobrang sarap neto.
Ngayon lang ako nakakain ng panibagong pagkain dahil ang paborito ko lang na pagkain ang kinakain ko araw araw sa loob ng kastila.
So, ganito pala ang lasa ng mga pagkain sa labas ng kastila. Siguro kung hindi pa pinatupad ang batas na bawal lumabas sa kastila ang susunod na Reyna ay baka lahat na ng mga pagkain sa labas ng kastila ay nakain ko na.
Napahinto ako sa pagkain at naalala ang batas dito sa Academia. Ano naman kung lalabag ako ng isang batas lang sa Academia kung nilabag ko na ang dalawang napaka-importanteng batas sa buong mundo.
Una, lumabas ako ng kastila.
Dalawa, madami ng nakakita sa mukha ko.
Ngunit hindi naman malalaman ng nakakataas kung 'di sasabihin nina Beyonce. Tsaka gaya ng sabi nina Terry, baka paniguradong maiintindihan nila ako dahil may valid reasons naman ako.
"Hindi ba masarap?"
Nabalik ako sa realidad ng bigla na lamang magsalita si Terry. Napatingin ako sa kanya na hinihintay ang sagot ko.
Napansin ko rin na pati si Sachie ay nakatingin din sakin at ganon din si Wendy.
Sumubo ako at ninamnam muna ito bago nagthumbs up sa harap nila, "*"Masarap!"*"Nakangiti kong sabi at nilunok ito.
"Mabuti naman kung ganon!"Nakangiting sabi ni Terry, "I'm Terry Sizzar pala."Pakilala niya sa sarili niya.
"I'm Sachie Ky, again."Pakilala ulit ni Sachie at saglit na itinaas ang kaliwang kamay at agad naman niya itong binaba.
"*"Hecia Ruses."*"Pakilala ko sa sarili ko.
"And I'm Wendy Yeng!"Pakilala naman ni Wendy sa sarili niya.
"Hey Raint!"
"*"Kaibigan mo?"*"
"Kind of?"
Maliit naman na napaawang ang bibig ko habang nakatitig sa mukha ni Wendy.
"*"Ikaw yong tumawag kay Raint kaninang umaga."*"Nasabi ko. Bigla na lamang kaseng nagplay sa utak ko yong babaeng tumawag kay Raint nong tinitigan ko yong mukha ni Wendy.
Feeling ko kase nakita ko na siya somewhere, and I was right!
Kumunot ang noo ni Wendy, "Raint? Raint Deng?"
Tumango ako
"You know Raint?"Takang dugtong niya pa.
Tumango ulit ako, "*"Kakakilala ko lang sa kaniya kaninang umaga."*"Sabi ko.
Napalingon naman si Wendy kay Sachie na napahinto sa pagkain at tinaasan ng kilay ang kakalingon lang sakaniya na si Wendy.
Lumingon naman si Wendy kay Terry na tinaasan din siya ng kilay bago bumalik ang tingin ni Wendy sakin.
"Oh, right. It's just impossible na papayag si Sachie or Terry na magpahila kay Raint. So, ur that girl na kasa-kasama ni Raint."-Wendy.
Kumunot ang noo ko at sabay naman na tumango ng tatlong beses si Sachie at Terry na para bang may katotohanang sinabi si Wendy.
Tumango na lamang ako ng isang beses.
"Did Raint do something to you? Tell me,"Bigla namang sabi ni Wendy at mas humarap pa sakin.
Napalayo ako ng kunti at mabilis na umiling.
"Hinila yan ni Raint sa likod ng puno, Wendy."Para namang nagsusumbong na sabi ni Sachie.
Maliit na nakangiwing napabaling naman ako kay Sachie.
"What!? Raint did?"Nakataas ang kilay na sabi ni Wendy.
"*"T-teka, sabi niya 'emergency' daw kaya niya ako hinila sa likod ng puno."*"Agad ko namang sabi kaya bumalik naman sakin ang atensyon ni Wendy.
"Oh, really?"-Wendy.
Bumaling ulit siya kay Sachie.
"You suntok ba sikmura ni Raint?"Tanong naman niya kay Wendy.
"Kain ka pa."-Terry.
Nilagyan pa ni Terry ng ulam at kanin ang plato ko kaya muli akong nagpasalamat sa kanya.
"Hindi."-Sachie.
Mahabang pag-uusap ang nangyari habang kumakain kami, minsan lamang akong umiimik dahil hindi talaga ako sanay na magsalita sa harap ng mga pagkain at habang kumakain.
Nakasanayan ko na sa kastila ang hindi umimik, wala rin naman akong kausap palagi at minsan ko lang nakakausap si Butler Pil at Beyonce.
Hindi pa man nagdadalawang oras ay natapos na kami sa pagkain. Nauna na si Wendy na bumalik sa kwarto niya dahil may gagawin pa raw siya.
Habang sina Sachie at Terry naman ay naghuhugas ng mga pinagkainan namin.
"Sa kwarto ka ni Sachie matutulog, tama?"Biglang nagsalita si Terry at saglit akong nilingon.
Tatango ba ako? Pero 'di ko naman kase alam kung sa kwarto ba talaga ni Sachie ako matutulog. Baka nagbago na isip niya ganun.
"Sa kwarto ko. Baka hindi pa yan makatulog sa kwarto ni Wendy, tapos baka masamang bangungot pa panaginip niyan kapag sa kwarto mo naman."Salita naman ni Sachie.
Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin ngunit pakiramdam ko'y dapat akong tumango ng tatlong beses.
Tumango ako ng tatlong beses, pinapahiwatig na sumasang-ayon ako sa sinabi ni Sachie.
Napailing si Terry at saktong kakatapos lang nila sa paghugas. Nagpaalam naman samin si Terry na mauuna na siya sa kwarto niya.
"Tara?"Pagyayaya sakin ni Sachie.
Lumingon ako sa kanya at lumunok muna bago tumango at pumwesto naman siya sa likuran ko bago niya sinimulang pagalawin ang wheelchair na inuupuan ko.
Tumungo kami sa kwarto niya at ng huminto naman kami sa harap ng pintuan niya ay agad na napatingin ako sa ibang deriksyon.
Mukhang napansin naman niya ang biglaang pagtingin ko sa ibang deriksyon ngunit nagkibit balikat na lamang siya at binuksan ang pinto—.
"WENDYYYY!"-Sachie.
Napangiwi ako at mabilis na napatakip ng tenga.