Chapter 7

1952 Words
"Paanong wala?"Gulat niyang tanong habang nakalingon na sakin. Hindi talaga siya makapaniwala. Hindi ko pinansin ang reaksyon at ang tanong niya. Nakatuon lang ang atensyon ko sa sinasakyan naming mabilis ang takbo neto pababa. Wala ng kontrol ito at para na lamang normal na walis ang sinasakyan namin. Lumunok ako, "*"A-ah, y-yong w-walis."*"Nasabi ko na lamang. Kumunot ang noo niya at napatingin sa harap na para bang ngayon niya lang napansin na wala na palang kontrol ang walis. Bigla siyang napasigaw na ikasigaw ko na rin at napahawak pa ng mahigpit sa kanya habang ang higpit naman ng hawak niya sa walis. "AHHHHH!" "*"HHAAAAAAAA!"*" Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Nakapikit ang mga mata ko kaya hindi ko na makita kung papabangga na ba kami o nasa langit na ba kami. Katahimikan. Napadilat ako at para naman akong nakahinga ng maluwag ng makitang nakalutang ang sinasakyan namin at hindi kami tuluyang bumangga sa gate. "Sino yan?" Mabilis kaming napalingon sa 'di kalayuan at may naaninag naman kaming dalawang guard na papalapit samin. Buti na lamang ay nasa madilim na pwesto kami kaya mabilis na kinontrol ni Terry ang walis at muli naman kaming nasa itaas. "*"Nasan tayo? Teka, saan mo ako dadalhin?"*"Tanong ko ng mapansing dinadala na pala niya ako sa kung saan. Geez, nadistract ako sa tanong niya kung kilala ko ba si Beyonce. "Nasa girls dorm ka."Sagot naman niya. Nilibot ko ang paningin ko sa baba. Dumako ang tingin ko sa cafeteria at sa mga buildings na nakapalibot sa cafeteria. Lumingon ako sa gate kung saan muntikan na kaming bumangga at may nakita naman akong nakasulat na 'Girls dorm'. Teka, anong gagawin ko naman dito? "Bakit wala kang ability? Nagbibiro ka lang ba o nagsisinungaling?"Sunod sunod na tanong niya sakin. Napangiwi ako pero agad ding winala ang ngiwi sa labi, "*"Totoo ang sinasabi ko. May mali ba—."*" "Hindi naman pero napaka-imposible lang." Pagpuputol niya sakin. "Tsaka bakit ka pa pumasok ng Academia kung wala ka naman palang ability? Hindi biro ang mga nandito, maari kang mapatay."Dugtong niya pa. Bumaba naman kami sa rooftop ng isang building. Nauna siyang bumaba sa walis, sunod ay ako sa pamamagitan ng pag-alalay niya sakin. Nakahawak pa rin ako sa balikat niya ng magsalita siya ulit ng hindi ko maintindihan kasunod non ang paglaho ng lumulutang na walis. "Ano na'ng plano mo?"Tanong niya at nilingon ako habang nakakunot ang noo. "*"Magsta-stay pa rin ako."*"Walang pagdadalawang isip na sabi ko. Mas kumunot pa ang noo niya. "Pero paano kung—." "*"Kaya ko ang sarili ko, magtiwala ka lang sakin."*"Sabi ko at nagthumbs up. Napatingin siya sa thumbs up ko at napabuga na lamang ng hangin. "*"Nasan pala tayo?"*"Pag-iiba ko. "Nasa rooftop tayo ng building, nandito sa building na'to ang dorm namin."Sabi naman niya. Nilibot ko ang paningin ko, sa sobrang dilim ay 'di ko maaninag ng maayos ang mga nandito ngunit naaanig ko naman ang pintong malapit lang samin. "Kaya mo pa bang tumalon?"Tanong niya sakin na ikabaling ko ng atensyon sa kanya. Tumango ako bilang sagot. "Okay, pagbilang ko hanggang tatlo ay hahakbang ako paabante habang tatalon ka naman."Sabi niya. Tumango ulit ako. "Okay, 1.. 2.. 3.. Go!" Kasabay ng paghakbang niya paabante ang pagtalon ko. Nagbibilang siya hanggang tatlo habang sinasabayan ko naman ang pag-abante niya sa pamamagitan ng pagtalon. Tagumpay kaming nakalapit sa pinto. Binuksan niya ito at bumungad naman sakin ang hagdan pababa. "Kaya mo pa ba?"Tanong ni Terry sakin. Tumango ako at nagthumbs up. "Teka, ako ang unang hahakbang pababa at aalalayan naman kita."Sabi niya. Maliit na lamang akong napangiti, "*"Nakakaabala na ako sayo, ano bang gagawin ko rito?"*"Tanong ko naman. Inalis niya ang kamay ko sa balikat niya at hinawakan naman niya ang dalawang kamay ko bago siya unang humakbang. Senenyasan niya akong tumalon kaya tumalon ako at agad naman niya akong inalalayan. Sinarado niya ang pinto at muli siyang humakbang habang nakahawak pa rin sakin upang hindi ako mawalan ng balanse. Ganon lang ang ginagawa namin, una siyang hahakbang at aalalayan naman niya ako agad kapag tumalon na ako. Habang papababa kami nang papababa ay unti-unti naman kaming nakakarinig ng malakas na sigaw. "Omg! I can't take this anymore! SHE'S FRCKNG MISSSING!!" Malakas na sigaw ng kung sino. Sakto namang tuluyan na kaming nakatapak sa sahig. Bumungad sakin ang mahabang sofa at ang dalawang babae. May isang babaeng nakaupo sa mahabang sofa at nagtatakip ng tenga. Nakatalikod ito sa deriksyon namin kaya't hindi niya kami napansin. Habang ang isang babae naman ay palakad-lakad na para bang kung ano mang oras ay mahihimatay na siya. Dinig dinig pa sa buong paligid ang ingay ng suot suot niyang high heels. Nakita ko kung paano napasapo si Terry sa noo at malalim na bumuntong hininga. "I'm hereee.."Singit naman ni Terry. Tumahimik ang buong paligid at nahinto naman sa palakad lakad ang babae. Bumakas sa mukha ko ang pagkagulat ng lumingon sa deriksyon namin ang babaeng nakaupo sa sofa. It's Sachie! "Hecia!?"-Sachie. "Terrryyy!"Nagtatakbong naka-open arms ang babaeng nakahigh heels papalapit sa pwesto namin ngunit hindi pa man siya nakakalapit ng hilahin ni Sachie ang damit nong babae patigil at bigla na lamang tumalon si Sachie sa pagkakaupo at nagtatakbong lumapit sakin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko ng makalapit, hindi ako makapagsalita dahil sa pagkabigla. Napadako siya sa kanang paa ko, "Anong nangyari sayo, Hecia? So totoo nga ang sabi sabi?"Hindi makapaniwala niyang sabi habang nakatingin pa rin sa kanang paa ko. "What sabi sabi?"Singit naman nong babae na nakaupo na ngayon sa sahig. Inayos ayos pa niya ang buhok niyang nakaharang sa mukha niya. Lumingon si Sachie sa kanya na may nanlalaking mata at bilog na bilog na bibig. Nanlaki naman ang mata ng babae at ginawang bilog ang bibig. "About sa 045—." Hindi na natapos ni Sachie ang sasabihin ng mabilis na tumayo ang babae at nagstop sign. "The what!?—so it means, she's Hecia na kinekwento mo sakin kanina. The girl!—na—."Nahinto yong babae sa pagsasalita ng mapadako na rin siya sa kanang paa ko, "What the hell happen to your right foot!?"Gulat na gulat na tanong niya—kung tanong ba talaga. "So! It's true ngaaa!"Dugtong pa niya. "Totoo!?"-Sachie. "Totooo!!"Sigaw pa nong babae habang nagpapanic ulit. Nagpapanic na rin na bumaling sakin si Sachie habang hindi niya alam kung hahawakan niya ba ulit ako o bubuhatin o 'di kaya hahawakan ang kanang paa ko. Nasa ere lang ang kamay niya na sobrang nanginginig habang nagtatalon naman siyang palipat-lipat ang tingin sakin at sa kanang paa ko. "TEKA!"-Terry. Sigaw na singit ni Terry. Kahit mas malakas pa ang sigaw nong babae ay tumigil naman ito at ganon din si Sachie. Lumunok muna si Terry at bumaling sakin, "Anong nangyari sa kanang paa mo?"Tanong niya sakin. "*"Bumaon sa sahig—"*"Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang malakas na sumigaw yong babae. "How!? May humila to you!? Then ki-kidnappin na sana you but nakasurvive ka!?"Pasigaw na sabi naman nong babae na ikasigaw na rin ni Sachie. At muli nanaman silang nagpanic. Napasapo na lamang ulit ng noo si Terry. Biglang na lamang tumigil yong babae sa pagpapanic ngunit patuloy lang si Sachie. "Oh, wait."Sabi nong babae at naglakad papasok sa isang pintong sa unang tingin palang ay napaka-expensive na. Hindi naman siya nagtagal at lumabas na may make-up na. Bumalik siya sa pwesto niya kanina at sinabayan si Sachie sa pagpapanic. Hindi na normal na panic ang sa kanya, para na siyang nagmomodel sa harapan namin. Ginawa niya ang 'sakit-tiyan-pose', 'sakit-ulo-pose', 'sakit-likod-pose' and etc habang sumisigaw—in silent version. Napangiwi ako. "TAHIMIK!"Singit ulit ni Terry na ikahinto naman nila ng sabay. Huminga muna ng malalim si Terry bago bumaling sakin at senenyasan akong magsalita ulit. "*"Bumigay yong inaapakan—."*" Pinutol muli ako nong babae. "Because—." "SHH!"-Terry. "So, bumigay yong inaapakan mo kaya ka may malalang sugat—."-Terry. "Malala!? Dapat sumama ka nalang kase sakin—"-Sachie. Nabigla ako ng bigla na lamang sumulpot ang babae sa harap ni Terry at hinawakan ang magkabilang balikat ni Terry at sinimulang yugyugin siya kaya naman napabitaw si Terry sakin na agad naman akong inalalayan ni Sachie. "Where did you go pala, Terry? I'm sobrang nag-aalala to you kanina—." "—ayos ka lang? Ayan tuloy nagkasugat ka—."-Sachie. "—I'm muntikan na ma-passed out sa sobrang worried ko to you—." "—bakit ang dumi dumi na ng uniform at mukha mo—."-Sachie. "—then you bigla nalang sulpot sulpot there—." "—maligo ka muna sa banyo ko."Sabi naman ni Sachie at nilagay sa balikat niya ang kaliwang braso ko bago niya ako inalalayan papalapit sa pintong kulay dark blue. Binuksan niya ang pinto at inalalayan naman niya ako papasok. "Terrryyyyyy huhuhu." "Okay lang ako, okay?"-Terry. Huling narinig ko bago sumirado ang pinto. Inalalayan niya ako papalapit sa pintong kulay puti at pumasok naman kami roon. Inabot niya ang malapit na upuan at pinaupo naman niya ako. "Teka, ihahanda ko lang ang bathtub."Sabi niya sakin at pumasok sa kurtina bago siya may kinalikot na kung ano. - Umayos ako ng pagkakaupo at inayos din ang towel na nakapalibot sa buong katawan ko, kakatapos ko lang maligo at habang naghahanap si Sachie ng masusuot ko ay sinabi ko sa kanyang gusto kong bumalik dahil nasa rules ng academia ang bawal ang tumira sa ibang dorm. "Tsaka ka na bumalik don kapag maayos na yang paa mo. Tsaka mo nalang din isipin ang mga consequence sa paglabag mo ng rules—paniguradong maiintindihan naman ni Headmistress dahil may valid reasons ka naman."Mahabang tugon ni Sachie sa sinabi ko habang may kinukuha siya sa malaking closet niya. Napaisip ako sa sinabi niya. Sana nga, Sachie. Humarap siya sakin at pinakita ang dalawang damit pantulog. Ang isa ay may desenyong gummy bears habang ang isa naman ay pizza. "Alin sa dalawa ang gusto mo?"Nakangiting tanong niya. Napaisip ako. Hindi ako fan ng pizza kaya baka hindi ako makatulog ng maayos. Kaya gummy bears nalang dahil mahilig at favourite ko naman iyan nong bata pa ako hanggang ngayon. Tinuro ko ang gummy bears. Tumalikod siya ulit sakin at binalik sa closet niya ang isang damit pantulog na may desenyong pizza bago niya sinarado ang closet niya at binuksan ang katabing drawer at may kinuhang isang underwear at b*a bago siya lumapit sakin at inabot ang hawak hawak niya sakin. Kinuha ko naman. Bigla na lamang bumukas ang pinto, "HELLOOO—."Bumungad samin ang malakas na bati samin nong babaeng hindi ko pa rin alam ang pangalan. Hindi na niya natapos ang kan'yang sasabihin ng gulat siyang napatitig sakin. Hinila niya papasok ang kasa-kasama niyang wheelchair bago niya tinulak-tulak palabas si Sachie. "A-anong ginagawa mo, Wendy? Kwarto ko 'to!"Sabi naman ni Sachie. "I know! I know! Help mo muna si Terry sa kitchen, BYE!"Tugon nong tinatawag ni Sachie na Wendy. Hindi pa man nakakatugon pabalik si Sachie ng mabilis na sinarado ni Wendy ang pinto at nilock ito. Nagtaka naman ako sa inaakto niya ngayon pero pinatili ko na lamang na nakatikom ang bibig ko habang pinapanuod siyang tinutulak ang malapit na kabinet at hinarang niya ito sa pinto. Tumigil siya sa paggalaw. Maliit na napatagilid ako ng ulo, "*"U-uh?"*" Bigla na lamang siyang humarap sakin na ikalunok ko. Nakatitig siya ngayon sakin—titig na titig sakin, pakiramdam ko nga ay pati kaluluwa ko ay tinititigan niya na rin. Nakaramdam ako ng pagka-ilang dahil sa uri ng titig niya. "Ur sooo frckng gorgeous!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD