Napasinghot ako at mahigpit na napahawak sa laylayan ng damit ko habang maliit na nakayuko ang ulo ko.
Pakiramdam ko'y pinagtatawanan ang buong pagkatao ko. Ayaw ko non.
Tumigil siya sa pagtawa at nakaya ko namang pigilan ang nangingilid kong luha sa pagtulo.
"Okay."
Napahinto ako sa pagsinghot. Unti unti kong inangat ang ulo ko at nakita siyang nakatalikod na ngayon sakin bago siya nagsimulang maglakad papalapit sa pinto at tuluyan ng lumabas.
Lumunok ako at inalis na lamang sa'king isipan ang huling sinabi niya bago tiningnan ang paa ko. Kung hindi ko 'to mabibigyan ng gamot agad ay paniguradong mamamaga ang paa ko.
Kinuha ko ang papel sa bulsa ko at nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang hindi ito nabasa o naglagyan man lang nong parang tsokolateng tubig kanina.
Agad kong tiningnan ang mapa. Sigurado akong may clinic sa Academia na'to.
Hinanap ko ang nakasulat na salitang 'clinic' na agad ko namang nahanap. Tatlong clinic ang nakasulat sa mapa. May tatlong buildings na nakaguhit sa mapa at may nakaukit na '3rd stage' '2nd stage' at '1st stage'.
May maliit naman na nakasulat kada buildings na 'clinic'.
So, nandito ako ngayon sa likod ng garden. Kailangan pa akong bumalik sa park area at tumungo sa mga buildings.
So, napakalayo pa ng lalakarin ko? Paniguradong magang-maga na ang paa ko pagkabukas. First day ko pa naman bukas tapos namamagang paa ang ibubungad ko sa mga magiging kaklase ko.
At isa pa, hindi ako pwedeng lumabas ng lugar na'to ng ganito ang itsura.
Nangangamoy at madumi ang buhok at ganon din ang damit, pakiramdam ko nga ay pati ang mukha ko ay madumi na rin.
Mas magugulat pa ako kapag naging malinis mukha ko pagkatapos tumama sakin yong parang tsokolateng tubig.
Ah, tama! Nilagay ko sa bulsa ang kamay ko at kinuha ang batong ibinigay ni Butler Pil sakin. Kailangan ko rin palang magtrabaho kaya't babalik nalang muna ako sa kastila at doon na magpapagamot.
Paniguradong sermon ang bubungad sakin kapag nakita nina Beyonce at Butler Pil ang paa ko pero bahala na.
Huminga ako ng malalim at huminga ulit ng malalim. Napatitig ako sa batong hawak hawak ko ngayon.
Teka—.
Lagot, nakalimutan ko yong sasabihin para makabalik ako sa kastila.
Napahawak na lamang ako sa aking noo at napabuga ng hangin.
Kung minamalas ka nga naman.
Binalik ko na lamang sa bulsa ko ang bato.
Tumingin ako sa bintana at nakitang maghahapon na. Siguro hihintayin ko na lang na dumilim ang buong paligid bago lumabas.
Dahil kung sakaling may madaanan akong estudyante ay hindi na nila maaaninag o makikita ang buong itsura ko dahil sa dilim ng paligid, at para na rin iwas pagtawanan.
Ayaw ko pa naman ang pagtawanan ulit, matapos na malakas na tumawa ang lalaking iyon sa harap ko—sa harapan ko pa talaga.
Mas malakas pa nga tawa niya kesa kay Sachie e.
Muli akong lumingon sa may bintana at nakitang hapon na. Kunting tiis nalang at maggagabi na.
"How lucky."
Nabigla ako ng may kung sino nalang ang nagsalita sa tenga ko. Hindi ako makagalaw dahil sa pagkabigla.
Nang makabawi ay mabilis kong nilingon kung sino iyon ngunit ang gloomy lang na paligid ang nakita ko.
"Ano kaya ang ginagawa ng isang Prinsesa sa loob ng Academia?"
Muling may nagsalita. Nagulat ako dahil sa narinig.
Alam ba niya? Alam ba niya ang pagbabalatkayo ko bilang normal na estudyante?
"*"S-sino yan? Anong ibig mong sabihin?"*"Tanong ko habang nililibot ang paningin sa paligid.
Umalingawngaw sa utak ko ang sunod sunod na tawa.
Napatakip ako sa tenga ngunit patuloy ko pa rin itong naririnig. Anong nangyayari—.
"Saan mo ba ako dadalhin? Bakit bumili ka neto? May masakit pa rin ba sayo?'
"Basta!"
"Nasaan ba tayo? Lagot ka nanaman sa kuya mo niyan."
Kumunot ang noo ko ng makarinig ako ng ingay sa labas. Papalapit nang papalapit ang dalawang boses hanggang sa huminto ito sa harap ng pinto.
Hinintay ko lang ang susunod na mangyayari dahil 'yon lang ang kayang gawin ko ngayon—ang maghintay at ang manuod.
Bumukas ang pinto.
"Bakit tayo nandito? Babae ako, alam mo naman siguro ang kwento kwento tungkol dito—."
Bumungad sakin ang pamilyar na babae. Kunot na kunot ang noo niya habang may hawak hawak siyang isang cellophane.
Nakatingin siya sa likod niya habang sinasabi niya iyon ngunit hindi niya natapos ang kan'yang sasabihin ng lumingon siya sa harap at dumako ang paningin niya sakin.
Napatigil siya sa pag-abante at unti unti namang bumabakas ang gulat sa mukha niya na may halong pagkalito.
"I-ikaw yong newbie kaninang umaga ah. Anong nangyari sayo? Bakit ka nandito sa lugar na'to?"Takang tanong niya at agad akong nilapitan.
Nagsquat siya sa harap ko at bigla na lamang maingat na hinawakan ang kanang paa ko.
"Kay Sachie to ah."Dinig kong sabi niya.
"Lalake!"Pagtatawag niya sa kasama niya at lumingon sa may pintuan ngunit katahimikan lang ang tumugon.
Bumaling na lamang siya ulit sa paa ko at maingat na sinimulang tanggalin ang panyong nakatali.
Napangiwi ako ng kumirot ulit ito nang kumirot
"*"A-anong gagawin m-mo?"*"Tanong ko. Ngumiti naman siya sakin saglit at itinuon ang atensyon sa paa ko.
"May kaalaman ako sa paggagamot kaya huwag kang mag-alala."Sabi naman niya.
Hindi na lamang ako nagsalita ulit at pinanuod na lamang siyang sinisimulan na ang paggamot sa paa ko.
"*"B-bakit ka pala nandito?"*"Tanong ko ulit sa kanya.
Tanong ko kay Terry.
Saglit naman niya akong sinulyapan at muling pinagpatuloy ang ginagawa niya, "Hinila ako ng nong lalake papunta rito, ikaw? Anong ginagawa mo rito?"Tanong naman niya pabalik sakin pagkatapos niyang sagutin ang tanong ko.
Nagtaka naman ako sa ibig sabihin niya sa isinagot niya ngunit hindi ko na lamang ito pinagtuonan ng pansin.
Kinuha ko ang susi sa bulsa ko at pinakita sa kanya. Nahinto naman siya sa paggamot sa paa ko at tinitigan ang susi.
Bumukas ang 'hindi makapaniwala' sa mukha niya.
"Gusto mong ako na mismo magsabi kay Headmistress na lilipat ka ng dorm?"Sabi niya lamang.
Umiling ako at ibinalik sa loob ng bulsa ko ang susi.
"*"Hindi ako lilipat."*"Nakataas noong sabi ko.
"*"Plano kong linisin ang buong dorm na'to at ibagay ito sa payapang tanawin na nakapalibot dito."*"Dugtong ko pa.
Katahimikan.
Kumunot ang noo ko at napatingin sa kanya ng mapansing bigla na lamang siyang tumahimik. Nakatingin—nakatitig siya sakin habang maliit na nakaawang ang bibig niya.
"*"May problema ba?"*"Takang tanong ko. Tumikom ang bibig niya at nag-iwas ng tingin bago muling pinagpatuloy ang paggamot sakin.
"Ganon ba? Siguro alam mo na ang kwento kwento tungkol sa simpleng bahay na'to since nagkasama kayo ni Sachie."Sabi naman niya.
Bumukas sa mukha ko ang pagkamangha habang nakatingin sa kanya, "*"Paano mo nalaman na nagkasama kami ni Sachie?"*"Manghang tanong ko.
Tinuro niya ang panyong nasa gilid, "Dahil nasa iyo ang panyo ni Sachie."Simpleng sagot niya.
May kinuha siyang benda sa cellophane at sinimulan itong iikot sa buong paa ko. Hindi naman nagtagal ay agad siyang natapos.
Kinuha niya ang panyo ni Sachie at tinali rin ito sa paa ko pero hindi niya ito itinali sa may mga benda.
Doon lamang sa itaas ng benda.
Nakangiti siyang tumayo at tumingin sakin, "Tapos na."Nakangiting sabi niya.
Napatingin ako sa kanang paa kong may benda. Oh, hindi ko na kailangan pangtahakin ang papuntang clinic.
"*"Maraming salamat, pangakong babayaran ko ang kabutihan mo kapag nagkapera na ako."*"Agad ko namang sabi habang ang tingin pa rin ay sa kanang paa ko.
"Maliit na bagay lang yan. Libre ang pagturo niya sakin sa medisina, kaya naman libre rin ang paggamot ko sa kahit na sino."Sabi naman niya at pinulot ang cellophane.
Napaangat ako ng tingin at napangiti na lamang ng palihim.
"By the way, pwede kang tumira sa dorm namin hanggang sa maging normal na dorm na ang simpleng bahay na ito."Sabi naman niya.
Napalibot ako sa buong paligid.
"Since walang malinis na tubig at walang maayos na tulugan. At baka madagdagan pa lalo ang sugat mo."
Napaisip ako sa kan'yang sinabi. Tama siya.
Kung magmamatigas pa ako ay wala na akong maayos na tulog pa kada gabi, hindi na rin ako makakaligo araw araw dahil sa parang tsokolateng tubig dito.
At baka rin muling mabaon ulit ang paa ko, o 'di kaya ay baka ma-aksidente pa ako rito.
Kinuha ko ang papel at tiningnan ang mga rules and regulations, "*"Ayos lang ba? Hindi ba pinagbabawal ang tumira sa ibang dorm?"*"Tanong ko sa kanya habang binabasa ang rules and regulations. Baka sakaling pinagbabawal talaga.
"Pinagbabawal."Simple niyang sabi at insaktong kakabasa ko lang na bawal talagang makitira sa ibang dorm.
"Pero may valid reasons ka naman kaya ayos lang yan!"Sabi niya. Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakangiting naka-thumbs up sakin.
Nakikita ko sa kanya si Sachie.
Umiling ako at pormal na nilagay sa bulsa ang papel. Isang kahihiyan sa isang katulad kong Prinsesa na magiging Reyna ang hindi susunod sa batas ng—.
"Huwag ka ng mahiya."Nakangiting sabi niya at may sinabi na lamang ng kung ano kasunod ng pagsulpot ng isang lumulutang na walis.
Napaawang ang bibig ko, ."*"A spell holder!? Just like Beyonce?"*"Gulat kong sabi.
Nakita ko pa kung paano saglit na kumislap ang mga mata niya at bigla na lamang ako hinila patayo na ikabigla ko at hindi ko pa man na ilalapag sa sahig ang kanang paa ko ng bigla na lamang lumusot sa magkabilang hita ko ang walis na ikaupo ko roon.
Mabilis siyang umupo sa harap ko kasunod non ang mabilis na paglipad ng walis papalabas ng dorm.
Napasigaw ako at mahigpit na napahawak kay Terry.
"You know, Sis Beyonce!?"Pasigaw niyang sabi.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil sa sobrang bilis ng sinasakyan namin, kaya malakas na hangin ang sumasalubong samin.
"*"Ha?"*"
"You know, Sis Beyonce!? SIS BEYONCE!"
"*"Ano!?"*"
Huminto ang walis at naging normal naman ang takbo neto—pero may kabilisan pa rin.
Napatingin ako sa ibaba, mula rito ay nakikita ko ang buong garden.
Lumingon ako sa likod. Nakikita ko rin ang tuktuk ng dorm ko at ganon din ang mataas na buntod—ang tuktuk neto—kung saan may nakita akong isang pigura ng tao.
Dahil sa sobrang dilim ay hindi ko alam kung sino ito, basta ang alam ko ay sa deriksyon namin siya nakatingin.
"Sis Beyonce, yong right hand ng Majesty. Kilala mo?"
Nabaling ang atensyon ko kay Terry.
Tumango ako, "*"Yeah, bakit?"*"Takang tanong ko.
"Kilala mo siya? Talaga? Yong powerful spell holder? She's a living legend, yah know! HAHAHA!"Ang tono ng boses niya ay sobrang sigla. Nararamdaman ko pa nga ang excitement sa bawat salita niya.
Muling umawang ang bibig ko sa narinig. Kung paano siya magsalita ay parang ang dami niya talagang alam tungkol kay Beyonce.
"She's soo cool!"-Terry.
"*"I agree!"*"
Napaka-cool kaya ni Beyonce—, "*"Wait, what? A living legend?"*"Mabilis kong sabi.
Hindi ko alam na she's a living legend pala. Ang alam ko lang ay ang powerful niya, at siya ang asawa at ex-wife ni Butler Pil.
Misteryoso para sakin noon sina Butler Pil at Beyonce dahil bigla na lamang isang araw ay sumulpot sila bigla. Sinubukan kong magtanong about sa kanila ngunit naiiba nila agad ang topic kaya ngayong malaki na ako ay wala na akong pakealam kung misteryoso man sila o hindi.
"Hindi mo alam? Anong ability mo?"Tanong niya sakin.
"*"Ah, kasalukuyan akong walang ability."*"Simpleng sagot ko ng bigla na lamang mawalan ng balanse ang sinasakyan namin.
"Wala!?"