Sabay kaming naglakad papalapit ni Sachie sa simpleng bahay. Lumunok muna siya bago niya ako nilingon at nginuso ang doorknob.
Inabot niya sakin ang susi kaya kinuha ko at tumango sa kanya bago walang pasabi-sabing binuksan ang pinto. Muntik pa akong matumba sa biglaang pagtago ni Sachie sa likod ko at paghawak niya sa magkabilang balikat ko.
Bumungad sakin ang gloomy na paligid. May isang sofa na sira sira na habang ang mesa naman ay nagkapira-piraso.
May patakbo-takbo pang mga ipis.
Ang buong dingding ay sira na. Maging ang buong paligid. Madumi pa ang paligid at may nagkakalat pang mga gamit. May mga basag na vase pa, bintana and etc.
Makikita naman mula rito ang kusina. Ang pinto neto ay nakatumba na—sobrang makalat din sa kusina.
Napadako ang tingin ko sa dalawang pinto sa kaliwa—.
"H-hecia, willing akong magshare ng bed sayo sa dorm ko. Puntahan natin si Headmistress, tara."Dinig kong bulong sakin ni Sachie.
"Give up kung may complains ka."-Miss Lori.
"*"No."*"Sabi ko. Ramdam ko ang pagkatigil ni Sachie dahil sa sinabi ko.
Tumabi siya sakin at kinaway naman niya ang kamay niya sa paningin ko, "Seriously? Look, sobrang dumi at sobrang kalat ng buong paligid—nakakatakot. Sure na akong 'di na sabi sabi ang mga nalalaman ko. Babae ka pa naman."May halong pag-alala sa mga salita niya.
Ngumiti lang ako at ako naman ang mahinang tumapik-tapik sa balikat niya at nagthumbs up.
"*"Magiging maayos lang ako rito. Tsaka kunting linis lang naman katapat niyan tapos magiging match na yan sa magandang tanawin dito."*"Nakangiti kong sabi.
Ilang sigundo at napabuntong hininga siya, "Gusto mo ba ng tulong ko? I'm a water holder—."
"*"Kaya ko na 'to mag-isa, Sachie. Tsaka alam kong may mga importante ka pang gagawin kaya nakakaistorbo naman yata ako."*"
At tsaka isang kahihiyan sa isang katulad kong Prinsesa na magiging Reyna ang hindi man lang kayang linisan ng mag-isa ang isang bahay.
Inabot niya sakin ang papel kaya nakangiti ko itong kinuha, "It's Dorm 592."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "*"Ang alin?"*"Takang tanong ko.
"Ang number ng dorm namin, puntahan mo lang ako kung magbago isip mo o kailangan mo ng tulong ko."Sabi niya. Nagthumbs ako at tumango.
"*"Okay."*"Nakathumbs kong sabi. Napailing-iling pa siya sakin.
"Oh, siya. Aalis na ako?"Patanong niyang sabi kaya tinaas ko ang kanang kamay ko at kumaway sa kanya.
Nagtaka pa siya sa ginawa ko pero kalaunan ay kumaway siya pabalik bago ako nilampasan at nagsimula ng maglakad paalis.
Nakaharap siya sakin habang umaatras na kumakaway-kaway pa rin sakin kaya kumaway-kaway na rin ako hanggang sa nilamon na siya ng nagtataasang d**o.
Huminga ako ng malalim at hinarap ang 'dorm' ko.
Maingat ang bawat galaw na pumasok ako sa loob. Kada hakbang ko ay malakas na ingay naman ng sahig ang naririnig ko.
Napasigaw ako sa pagkagulat ng bigla na lamang bumigay ang inaapakan ng kanang paa ko na ikaupo ko sa sahig.
Napadaing pa ako dahil sa sakit at napatingin sa kanang paa ko na ngayon ay nakabaon na sa sahig. Inalis alis ko ang mga matatalim na kahoy na nakapalibot sa kanang paa ko.
Bago unti unting hinila ang paa kong may mga dugo na. Napakamalas naman.
Napangiwi pa ako lalo dahil sa 'di gaanong kalaking sugat pero matatawag ko itong malalang sugat.
Hinawakan ko ang laylayan ng damit ko at pupunitin na sana ng maalala ko ang panyong nilagay ni Sachie sa bulsa ko.
Agad kong kinuha ang panyo sa bulsa ko at binuklat ito bago dahan-dahang itinali sa paa ko. Napadaing ako ng kumirot bigla ang sugat ng paa ko.
Lumunok ako at kinagat ang pang-ibabang labi ko bago pinagpatuloy ang ginagawa. Kirot naman nang kirot ang paa ko habang padiin nang padiin ang pagkagat ko sa pang-ibabang labi ko.
Napadaing muli ako. Hindi dahil sa kirot na nararamdaman ko sa may paa ko—napadaing ako dahil sa pagkirot bigla ng ibabang labi ko.
Hininto ko ang pagkagat sa pang-ibabang labi ko at saktong natapos naman ako sa pagtali ng panyo sa sugat sa paa ko.
Inikot ko sa buong paligid ang paningin ko at nahanap ko naman agad ang papel at ang susi. Malapit lang ito sakin kaya pinulot ko ito gamit ang kaliwang kamay ko at nilagay sa bulsa.
Huminga ako ng malalim at bumuga ng hangin bago humawak sa sofa at kumuha ng lakas upang makatayo. Medyo nahihirapan pa ako dahil sa bawat galaw ko sa kanang paa ko ay kumikirot ito nang kumikirot.
Pinulot ko ang mahabang kahoy ng mesa sa gilid ko habang nakahawak pa rin sa sofa.
Tumayo ako ng tuwid habang nakalutang naman ang kanang paa ko sa ere. Ginamit ko ang mahabang kahoy sa pagcheck kung bibigay ba ang sunod kong tatapakan.
Buong lakas kong tinusok ang mahabang kahoy sa sunod kong tatapakan at bumigay naman ito.
Ganon lang ang ginagawa ko patungong kusina. Nakalutang ang kanang paa ko habang tumatalon-talon ako.
Nahirapan pa ako sa pagpasok sa kusina dahil sa pintong nakaharang. Humawak ako sa pader at sa wakas naman ay nakapasok na ako sa kusina.
Ang mga kagamitan sa kusina ay nagkasira-sira na. Ang refrigerator naman ay wala na ring pinto at ang lutuan naman ay natatabunan na ng alikabok.
Lumapit ako sa may gripo at napangiwi na lamang ng sumalubong sakin ang malansang amoy, may mga basag basag na plato at baso pa.
Ang gripo ay natataya na kaya mahirap sakin ang buksan ito. Ginamit ko ang buong lakas ko upang ikutin ito na ikadahilan ng pagkasira neto at biglaang pagsirit ng parang tsokolateng tubig.
Napapikit ako at mabilis na napatikom ng bibig. Hindi agad ako nakabawi at patuloy namang tumatama sakin ang parang tsokolateng tubig.
Hindi ko na alam ang buong nangyari. Basta't nawalan na lamang ako ng balanse. Bumagsak ako sa malambot na bagay.
Hindi ko alam kung ano iyon, nakapikit pa rin ako. Napadaing ako ng kumirot ang sugat ng kanang paa ko ngunit ang mas ikinagulat ko ay may dumaing din.
Napadilat ako dahil sa pagkagulat at bumungad naman sakin ang parang tsokolateng tubig na sumisirit pa rin ngunit hindi na ako natatamaan neto.
Napakunot noo ako at napatingin sa ibaba. Bakit hindi pa ako bumabagsak? Mas kumunot pa lalo ang kunot na kunot na noo ko ng mapansing may dalawang paa sa likod ko.
Mabilis akong napalingon at nagulat na lamang ng makakita ako ng tao. Muntik pa siyang matumba dahil sa biglaang paggalaw ko.
Napa-asik siya, "Gusto mo bang dagdagan pa lalo ang sugat ko?"May halong irita sa boses niya ng sabihin iyo.
Dumako ang tingin ko sa nakapalibot sa buong katawan niya na benda. Halos lahat talaga napapalibotan.
"*"C-cristoff?"*"Gulat kong banggit sa pangalan niya. Teka, anong ginagawa niya rito? Bakit nasa likod ko siya?
Unti-unting kumunot ang noo niya at bigla na lamang sumeryoso ang mukha niya.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"Seryosong tanong niya.
Maliit na napaawang ako ng bibig ngunit agad ko ring itinikom ng magets ko ang tanong niya.
"*"Ha? U-uh, narinig ko lang pangalan mo sa estudyanteng nadaanan ko."*"Pagsisinungaling ko at tumingin sa ibang deriksyon. Nararamdaman ko pa nga ang pawis na tumutulo galing sa ulo ko.
Hindi ko talaga kayang magsinungaling sa mga nasasakupan ko ngunit wala akong choice—kesa naman sabihin ko sa kanya na,
'Ako ang Prinsesang magiging Reyna ng Tauruses. May report galing sa Academia tungkol saiyo kaya ko nalaman ang pangalan mo.'
Tumingin ulit ako sa kanya at nakitang blangko na ang mukha niya. Bigla na lamang niya akong binuhat na ikagulat ko muli.
"*"Hoy, teka! Anong ginagawa mo? Ang magiging mapapangasawa ko lamang ang pwedeng bumuhat sakin!"*"Mabilis kong sabi.
Kumunot ang noo niya at hindi nag-abalang tumingin man lang sakin. Naglakad lang siya papalabas sa kusina habang ang tingin lamang ay sa harap at sa nilalakaran niya.
"*"Nakikinig ka ba? Ibaba mo ako ngayon din, kahit alalayan mo lang ako ayos lang. Baka hindi pa ako magkaroon ng asawa dahil hinayaan ko ang sarili kong magpabuhat sa ibang lalaki!"*"Sabi ko pa.
Sa wakas naman ay napatingin na siya sakin. Huminto pa siya at tiningnan ako na may pagtataka.
"Teka, sino ka ba, huh?"
"*"He—."*"
Bigla namang parang may sumampal sakin sa katotohanan. Sino ako?
Ang Prinsesang magiging Reyna ng Tauruses.
Hindi.
"*"H-hecia Ruses. Isang normal na estudyante."*"Unti-unting humihina ang boses ko habang sinasabi ko iyon.
Isang normal na estudyante? Tama, isa lamang akong normal na estudyante ngayon. Hindi ako isang Prinsesang magiging Reyna. Hindi ako ang taong namumuno ng buong Tauruses ngayon.
Ako ay isang normal na tao.
Pinili ko ang desisyong bumaba ng kastila kaya dapat ko itong panindigan.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, "Stupid, hindi ko sinabing magpakilala ka."Sabi niya at unti unti akong binaba. Nakaramdam naman ako ng malambot na bagay at nakitang sofa lang pala.
Biglang nagloading ang utak ko ng magsink-in sakin ang sinabi niya.
S-stupid?
"*"Sinong pinagsasabihan mo ng 'stupid'? Ako ba o ang sarili mo? At dapat ka pa ngang makaramdam ng kagalakan dahil ako mismo ang nagpakilala sa sarili ko."*"Salubong na kilay na sabi ko.
Tiningnan niya lang ako na parang ako na ang pinaka-weirdong nakilala niya.
"Kung magsalita ka ay parang ang taas taas ng tingin mo sa sarili mo. Hoy babae, nasa teritoryo kita kaya, huwag kang umaktong gan'yan sa harap ko."
Napatikom ako agad ng magsalita siya.
Gusto kong magsalita ngunit pakiramdam ko ay ako ang mali saming dalawa. Ano bang nangyayari sakin?
Napadako ang tingin niya sa paa ko, "Lilinisin mo ang bahay na'to ng ganyang kalagayan? Nagpapatawa ka ba?"
Nagsalubong muli ang kilay ko, "*"Kaya kong linisin ang dorm ko kahit maging kagaya pa ako sa'yo na puro benda."*"Confident kong sabi.
Tinitigan niya ako ng ilang sigundo at bigla nalang napahalakhak—na para bang isang biro lamang ang aking sinabi.
Nakaramdam naman ako ng kirot sa may dibdib ko. Ewan ko pero hindi ko gusto ang pinagtatawanan. Buong buhay ko ay hindi ako pinagtatawanan ng kahit na sino.
Puro puri lang ang naririnig ko.
Pero ngayon, naiiyak na ako.