Chapter 4

1762 Words
Nakita kong maliit na umawang ang bibig ni Sachie dahil sa sinabi ko—napa-paused pa siya sa pagkain ng ice cream niya. Napa-paused na rin ang matandang lalaki kaya naman taka akong nagpalipat-lipat ng tingin at kinunutan sila. "Lahat? Kaya mo bang makain lahat ng 'to?"Tanong naman sakin ni Sachie ng makabawi. Tinuro niya ang tarpaulin. Tumango ako ng dahan dahan, "*"Kilala sa buong mundo ang ice cream kaya paniguradong masarap lahat ng flavours."Sabi ko. Nabaling ako sa matandang lalaki na nakangiti na ngayon at kinuha ang malaking cone bago nagsimulang lagyan ito ng iba't ibang flavours. Natatakam na pinanuod ko ang ice cream ko na nadadagdagan nang nadadagdagan ng ice cream. Agad naman siyang natapos at maingat na inabot niya ito sakin kaya maingat kong kinuha sa kamay niya. Dahil sa malaking cone ay nakasya naman ang lahat ng flavours sa pamamagitan ng pagdikit-dikit sa isa't isa. "*"70 pesos lahat."*"Nakangiting sabi ng matandang lalaki. Kinagat ko ang ice cream ngunit hindi ko pa man tuluyang nakagat lahat ng mabilis akong huminto dahil sa pagiging malamig neto. Pati ngipin ko nilalamig. Mahinang siniko ako ni Sachie na ikalingon ko sa kanya, "70 pesos daw lahat."Bulong niya sakin. "*"70 pesos?"*"Tanong ko at tumango naman siya. Nagwait sign ako ngunit mabilis ding naalala na wala pala akong pera. "*"Wala akong pera."*"Sabi ko na ikamuntikang ikatapilok ni Sachie bago siya mabilis na lumingon sakin. "Wala kang pera?"Bulong na tanong niya. Bakit siya bumubulong? "*"Oo."*"Bulong ko rin pabalik. Patagong tumingin siya sa matandang lalaki na ngingiti-ngiti lang samin kaya naman patagong tumingin na rin ako sa matandang lalaki. "Ah, Manong. Ilan nga ho utang ko sayo?"Tanong ni Sachie sa matandang lalaki. Nakangiti namang umiling ang matandang lalaki, "Wala ka ng utang, binayaran na nong babaeng dumaan dito kanina."Sabi niya. "Babae? Kakadaan lang dito kanina? Nakahigh heels ba?"Sunod sunod naman na tanong ni Sachie. Tumango ang matandang lalaki. Napangiti ng malawak si Sachi at pinatong ang kanang siko sa harap. "Pwede utang muna?" "Utang ulit?"Naiiling na sabi ng matandang lalaki. "Sige na Manong ice cream, tsaka hindi ako ang uutang. Itong kasama ko."Sabi ni Sachie sabay nguso sakin. Napatingin sakin ang matandang lalaki kaya napatingin na rin ako sa kanya sabay kagat ng ice cream ngunit napangiwi lang din. "Oh, siya sige. Anong pangalan mo hija at kailan babayaran?"Tanong naman ng matandang lalaki habang may hawak hawak na notebook at ballpen. "Anong pangalan mo?"Tanong sakin ni Sachie kaya inabot ko sa kanya ang papel na hawak ko. Kinuha naman niya kaya pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain sa ice cream. Mmm, masarap nga! Kaso nasobrahan lang sa pagiging malamig. Tapos itong mango flavor—napakasarap, ibang iba sa manggang nakakain ko sa kastila. Lalo na itong cookies and cream, masarap din kahit pareho lang yong lasa ng cookies na snacks ko nong bata pa ako at ang kulay itim na nakahalo sa puting ice cream. "Heci.. Hecia? Hecia Ruses Manong."-Sachie. "Kailan babayaran?"-Matandang lalaki. "Kapag nagkapera na si Hecia."-Sachie. "Kailan yan?"-Matandang lalaki. Nahinto ako sa pagkain ng muli akong mahinang siniko ni Sachie, "Kailan ka raw magkakapera?"Tanong sakin ni Sachie. Kailan ako magkakapera? "*"Paano ba magkapera?"*"Tanong ko. Kumunot ang noo ni Sachie dahil sa tanong ko. "Hindi mo alam?"Tanong niya sakin kaya tumango ako. Ang alam ko lang ay kung paano maghandle ng pera at kung paano ito palaguin. Bumaling si Sachie sa matandang lalaki, "Manong, hindi pa niya alam e."Sabi naman ni Sachie sa matandang lalaki. Tumango ang matandang lalaki at tumingin sakin, "Hecia hija, may utang ka sakin ha."Paalala niya sakin kaya nakatikom ang bibig na tumango ako bilang tugon. Umalis na kami ni Sachie at tinahak ang daan patungong dorm ko. "Hecia, alam mo ba kung saan 'to?"Tanong ni Sachie sakin habang nakaturo ang hintuturo niya sa nakasulat na 'cafeteria' sa mapa. Umiling naman ako. Maliit siyang napakibit balikat at nilipat ang hintuturo niya. "Sabagay. Nandito sa lugar na'to ang dorm mo—kung matatawag ba talaga itong dorm."Sabi niya at tinuro ang may mga guhit na bulaklak at puno. "Tapos nandito tayo ngayon."Sabi niya ulit at tinuro ang nakasulat na 'park area'. "Ang entrance at exit ng academia ay nasa deriksyon na 'yon."Sabi niya at tinuro ang deriksyon ng kaliwa namin, "Kaya papalayo tayo sa gate ng academia." "Pero kung dederitso ka naman sa kanan natin ay mapupunta ka sa mga buildings—kita mo yon?"Tinuro niya ang kanan namin—ang nagtataasang buildings na kahit nasa malayo ay kitang kita pa rin. Tumango ako bilang tugon. "Nand'yan ang classroom mo. Sa gitna ng buildings ng 3rd stage ay cafeteria."Sabi niya at tinuro ang gitna ng mga buildings ng 3rd stage sa mapa. May nakasulat naman doon na 'cafeteria'. "Actually, limang cafeteria ang nandito sa academia." May nakita naman akong 'di gaano kalaking gate sa harap namin sa 'di kalayuan. "Yan ang boys dorm, teka."Sabi sakin ni Sachie at hinila ako papalapit sa gate ng boys dorm na sinasabi niya. "Hoy, psst! Oo! Ikaw! Buksan mo nga 'tong gate."Pagtatawag ni Sachie sa lalaking nasa loob na dadaan lang sana. Lumapit siya at pinagbuksan naman niya kami ng gate. "Kumain ng maayos si parekoy."Bungad niya kay Sachie. Napatingin ako sa harap—sa malaking fountain. Lumapit ako at nilahad ang kaliwang kamay ko habang kumakain ng ice cream. "Mamaya na yan."Dinig kong sabi ni Sachie at hinila ako pagilid at umabante naman kami. Bumungad sakin ang cafeteria na sinasabi ni Sachie. Ang itsura neto ay bilog ngunit flat ang itaas neto. Dahil sa malaking glass window ay mula rito ay may nakikita naman akong mga kalalakihan na kumakain. "Halos mga lalaking students na nand'yan ay hindi marunong magluto kaya d'yan nalang sila kumakain."Pagtutukoy ni Sachie sa mga estudyanteng nasa loob ng cafeteria. "Zyon pre!" Sabay na napalingon kami ni Sachie sa likod namin. Nakita ko ang nagngangalang Zyon na straight face na naglalakad papasok. Nakapamulsa siya ng mapadako ang tingin niya sa deriksyon ni Sachie. Naglakad siya papalapit samin at huminto naman siya sa harap ni Sachie ng walang lingon lingon sakin. "I lost Cristoff again." Napalunok ako sa malamig netong boses. Maliban sa pagiging ice holder niya ay pati boses niya ay nagiging malamig na rin. Ganon din ang uri ng tingin niya sa kahit na sino. Nilampasan niya kami at deri-deritsong naglakad palayo. "A-ano!? Talaga naman." Napalingon ako kay Sachie ng magsalita siya na may panggigigil. Nakakuyom pa ang kamao niya habang nakangisi ng nakakatakot. Pakiramdam ko nga pupula na ang mga mata niya dahil sa gigil—i think. Napadako ako sa papel ko na hawak niya na kunting kuyom nalang ay masisira na talaga. "*"U-uh, S-sachie—."*" Napalingon siya sakin kaya napalunok naman ako. Nawala ang expression na pinapakita niya kanina at naging normal naman ang mukha niya. Inayos niya ang papel at senenyasan naman akong lumabas na kami sa boys dorm. "So, ang isang cafeteria naman ay nasa girls dorm—dito."Muli niyang pinagpatuloy ang ginagawa niya na parang walang nangyari. Tinuro niya ang girls dorm sa mapa. Sa madaling salita, kapag papasok ka sa Academia ay unang bubungad sayo ang malaking park area. Tapos kung dederitso ka sa kanan ay makikita mo ang girls dorm habang sa kaliwa naman ay ang boys dorm. "Malapit lang ang 'dorm' mo sa boys dorm kaya kapag liliko ka sa kaliwa ng boys dorm ay may madadaanan ka pang garden—which is ito." Napalibot ako sa paligid habang kinakain ang natirang cone. Namangha naman ako sa dami ng mga bulaklak at mga kahoy sa harap. Lumapit kami sa nagtataasang mga d**o. Senenyasan niya akong sundan siya at siya naman ang naunang naglakad paabante bago ako. Ilang minuto kaming naglalakad sa d**o bago kami nakalabas. Pag-angat ko ng tingin ay bumungad sakin ang simpleng bahay. Napakagandang tanawin ang nandito. May mataas na buntod pa sa likuran ng simpleng bahay and the rest ay mga kakahoyan. Dahil sa kataasan ng buntod at sa kataasan ng kahoy ay 'di ko makita-kita ang dulo neto dahil natatabunan ito ng mga sanga at dahon ng kahoy. "At yan ang 'dorm' na sinasabi ko. Number 045."Nakangiwing sabi niya ngunit ang atensyon ko pa rin ay sa payapang tanawin na nasa harapan ko. "Sa pagkakaalala ko ay ang 045 ay wala niisang student in history ang nakapasok o ang tumira—wala rin namang gustong tumira roon."-Sachie. Nawala ang atensyon ko sa payapang tanawin ng maalala ko ang sinabi sakin ni Sachie nong papunta palang kami rito. "*"Yong huling sinabi mo sakin kanina—yong walang gustong—."*" "Na walang gustong tumira rito."Pagpuputol niya sakin, kaya naman tumango ako. Lumingon siya sakin at dumako naman ang tingin niya sa labi ko, "Teka, ang dumi dumi ng mukha mo." Kumuha siya ng panyo sa bulsa niya at siya na mismo ang nagpunas sa mukha ko. Sinuri niya muli ang mukha ko at may pinunasan ulit. Nang matapos ay nagthumbs siya sakin at siya na mismo ang naglagay ng panyong ginamit niya sa bulsa ko. Kinunutan ko siya. "*"Pero iyo ang panyong iyon."*"Sabi ko. Umiling siya at sumenyas na 'sayo na yan'. "So, balik tayo sa topic."Sabi niya at umayos ng pagkakatayo bago lumingon sa harap at huminga ng malalim. "Walang gustong tumira d'yan dahil may sabi sabing nawawala raw ang mga estudyanteng may balak na tumira d'yan—babaeng estudyante, meron ding winakas na yong buhay dahil nag-iisa lang siya—nadepress I think?" Kung totoo ang sabi-sabi na iyon ay bakit wala akong reports na nakukuha? "*"Kailan pa nagsimula?"*"Tanong ko. Nagkibit balikat naman siya bilang tugon. "Ewan, hindi pa siguro ako sinisilang non. Basta ang alam ko lang ay ang pwesto ng boys dorm, ay girls dorm sana ngunit dahil puro babae naman ang nabibiktima—ang nawawala kaya ginawa nalang na boys dorm. Pero sabi-sabi lang 'yon ah. Half true half false lang." "Pero you should be careful pa rin. Ito pa naman ang daan papuntang f*******n forest."Pagkatapos sabihin ni Sachie iyon ay dumaan naman ang napakalamig na hangin samin. "Geez, napakaganda nga ng tanawin pero nakakatakot naman."Dinig kong mahinang sabi ni Sachie. Napatitig ako sa simpleng bahay. B-bakit ako nilagay ni Miss Lori sa lugar na'to? Ano bang pinaplano niya? "Patunayan mo na karapatdapat ka!"-Miss Lori. Umalingawngaw sa isip ko ang parating sinasabi ni Miss Lori sakin habang sinasanay niya pa ako. Patunayan? Napatunayan ko na lahat. Alin pa ba ang kulang?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD