"Aish, epal."Inis na singit ng kung sino.
Nalipat ang tingin ni Zyon kay Cristoff na nakaupo ngayon sa yelo ni Zyon habang ang sama sama ng tingin kay Zyon.
"Shut up and come with me."Malamig lang na tugon ni Zyon at winala ang yelo.
Nawalan naman ng balanse si Cristoff ngunit nakatayo pa rin siya ng maayos.
"Ayos ka lang ba?"Napatingin ako kay Bogart ng tanongin niya ako. Hindi ko kaagad napansin ang paglapit niya sakin.
Hahawakan na sana niya ako ng mapatigil sa ere ang kamay niya. Nilagay niya sa likod ang kamay niya at muli akong tinanong kung ayos lang ba ako.
Tumango naman ako at ngumiti, "*"A-ayos lang ako, ikaw? Ayos ka lang ba?"*"Tanong ko naman pabalik.
"Mabuti naman kung ganon."Nakangiti niyang tugon sa sinabi ko bago siya tumingin kay Cristoff na nakatingin ngayon sa deriksyon ko.
Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya ngunit bakit ako ang target niya kanina.
Saglit na kumaway sa deriksyon ko si Cristoff, "Yo babae."Nakangiti netong sabi sakin.
Hindi ko alam kung anong dapat kung maramdaman ngayon at kung anong dapat na itutugon ko. Baka tuluyan ng nasa hospital ang mga estudyanteng nandito kung hindi dumating si Zyon.
Tiningnan ko lang pabalik si Cristoff ng walang tugon na sinasabi. Ano bang nasa isip mo Cristoff.
"CRISTOFF!!"
Umalingawngaw sa buong paligid ang pamilyar na boses. Paglingon ko ay ang tumatakbong si Sachie lang pala.
Gumawa si Zyon ng hanggang bewang na yelo sa daan ni Sachie. Tumalon naman si Sachie at lumapag sa ginawang yelo ni Zyon.
Gumawa pa ng yelo si Zyon ngunit hanggang leeg na ang kataasan.
Mabilis ang pangyayari. Tumalon ulit si Sachie sa ginawang yelo ni Zyon at malakas na tumalon patungo kay Cristoff na ngingiwing tatakasan na sana.
Dumako pa ang tingin ni Sachie sakin habang nasa ere pa siya. Kasunod non ang patayong pagbagsak ni Sachie sa likod ni Cristoff.
"A-ARAY!"Daing ni Cristoff habang nakadapa ngayon at nakatayo naman sa likod niya si Sachie.
"Hecia?"Banggit ni Sachie sa pangalan ko. Nakaharap siya ngayon sakin at kunot ang noong naguguluhan bago siya tumingin kay Zyon na nasa malapit sakin.
Para namang may nagets si Sachie. Kumuyom ang kamao ni Sachie at nakangiti ng nakakatakot na bumaling kay Cristoff.
"Cristoff.."Nanggigigil na tawag ni Sachie kay Cristoff at mabilis na binigyan niya ito ng malakas na batok.
Napangiwi ako pero mas napangiwi ako ng sinimulan ng pingotin ni Sachie ang dalawang tenga ni Cristoff.
"Hindi mo naman siguro pinahamak si Hecia noh?"Nakangiti pa rin na nakakatakot na tanong ni Sachie kay Cristoff.
"Eh, ano naman?"Matapang pa rin na sagot ni Cristoff kay Sachie habang nakangiwi.
Napadaing si Cristoff ulit. Nakita ko pa ngang nagsisimula ng mamula ang dalawang tenga niya.
"Okay, Sachie. That's enough."Singit naman ni Zyon.
Mabilis na tumingin si Sachie kay Zyon na may nakakatakot na ngiti pa rin. Namangha naman ako ng nalabanan ni Zyon ang nakakatakot na tingin ni Sachie.
Mabilis na nawala ang nakakatakot na ngisi at mata ni Sachie at umalis sa likod ni Cristoff bago siya nagtatakbo na mabilis na lumapit sakin.
"Ayos ka lang ba, Hecia?"Nag-aalala niyang tanong sakin ng tuluyan na siyang makalapit sakin.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at para namang may chinecheck siya.
Nang matapos siya ay para naman siyang nakahinga ng maluwag, "Mabuti naman ayos ka."Nakangiting sabi niya.
Ngumiti na lamang ako pabalik.
"I, First Zyon Sizzar, apologizing for what my brother Cristoff did."
Bumaling ang atensyon ko kay Zyon na ngayon ay nakaharap sa lahat ng estudyanteng nandito. Nakatayo siya sa yelong may kataasan upang makita siya lalo ng mga estudyante rito.
Hawak hawak niya rin ang likod ng damit ni Cristoff habang sinasabi niya iyon.
Maliit na umawang bibig ko habang nakatingin kay Zyon. Kung tumayo at humarap siya sa mga estudyante ay karespe-respeto talaga siya.
Para siyang isang Hari na nakatayo at nagsasalita sa kanyang mga nasasakupan.
A king..
Bigla na lamang nagsipalakpakan ang lahat ng estudyante.
"Fiiiirst Zyooon!"
"First Zyon!"
"First Zyon!"
Sabay sabay na sabi ng mga estudyante habang pumapalakpak.
Gumawa naman ng yelo si Zyon na nasa ere at sumakay doon habang hawak niya pa rin si Cristoff.
"Oh, siya. Alis na kami. Susunduin kita mamaya ha!"Paalam sakin ni Sachie kaya nakatikom ang bibig na tumango ako bago sinundan si Sachie na tumalon sa yelong ginawa ni Zyon at pumwesto sa likod ni Cristoff.
Kumaway muna si Sachie sakin at winasiwas naman ni Zyon ang kanyang kamay habang nakaharap ang palad sa glass window na malapit samin.
Parang umaatakeng mabilis na gumalaw ang kinatatayuan nilang yelo at parang malamig na hangin naman silang nawala sa paningin namin.
Napuno pa rin ng palakpakan ang buong paligid habang ako naman ay tahimik na nakatingin sa papalayong sina Zyon.
"Yoooooccss! kadiri niyo!"Parang naiiyak na dinig kong sabi ni Pilimon kasunod non ang parang kung anong tumama sa table.
Lumabas si Pilimon na hawak hawak ang ulo habang diring-diri naman na tinapon ang damit niyang may sipon.
Tatawa-tawa namang lumabas si Sipyo habang sumisinghot at pilit na pinupunasan ang sipon niyang patuloy sa pagtulo habang diring-diri rin si Cargo na nakatingin sa ibang deriksyon at nilalayo ang palad ng kamay niya sa damit at katawan niya.
"Hecia?"Tawag sakin ni Chonji kaya lumingon ako sa kanya.
Inabot niya sakin ang fries niyang hawak, "Gusto mo?"Tanong niya.
Umiling ako, "*"Sayo na iyan, hindi pa naman ako nagugutom."*"Nakangiti kong sabi.
Napatango-tango naman siya at sinimulang kainin ang fries.
"G-gusto mo bilhan nalang kita?"Tanong naman sakin ni Bogart.
Napatingin naman si Chonji kay Bogart habang kumakain. Umiling ako bilang sagot.
"*"Naku, huwag na."*"Umiiling kong sabi habang nakangiti.
"Aming Bogart, kami! Gusto namin foods!"Singit naman ni Sipyo.
"Ganon ba, Hecia?"Sabi naman ni Bogart habang sakin pa rin ang tingin. Tumango ako.
"Kami ang Cleaning Club, Ang lahat ng mga students dito ay sa ikalawa o unang palapag muna kayo kumain. Aayusin lang namin ang palapag na'to upang maiwasan rin na masugatan kayo ng mga basag na nagkakalat. Inuulit ko, sa ikalawa o unang palapag muna kayo kumain dahil aayusin lang namin ang palapag na'to."
Nabaling ang atensyon namin sa kakaakyat lang dito na nasa labing tatlong estudyante na naka-cleaning uniform. Huminto ang tingin ko sa babaeng nagsalita habang may microphone na nakatutok sa bibig niya.
Nakataas noo siya at naka-straight face.
Nagsimula namang magsibaba ang mga nandito sa kabilang hagdan.
"Uy si Kristen."-Cargo.
"Kristen?"-Sipyo.
Binatukan naman ni Pilimon si Sipyo.
"Yong Kristen na isa sa mga estudyanteng naging ganap na holder last year."Sabi naman ni Pilimon.
Ganap na holder?
"Ah? Anong ginagawa niya rito? Hindi ba siya magta-travel sa kung saan since ganap na holder na siya?"Taka namang sabi ni Sipyo.
Binatukan naman siya ni Cargo.
"Abay ewan din namin."-Cargo.
"Itutulak ko na, Hecia ha."Pagpapaalam ni Bogart sakin na ngayon ay nasa likuran ko na pala.
Magsasalita na sana ako ng may bigla na lamang tumama na mop sa mukha niya na ikabagsak niya sa sahig.
Nagulat ako. Paglingon ko kay Bogart ay nakahiga na siya sa sahig at wala ng malay.
Pati nga sina Pilimon ay hindi makabawi dahil sa gulat.
"Ginagawa mo sa babae."-Kristen.
Nakita ko naman ang nagngangalang Kristen na iniikot-ikot ngayon ang isang basahan na nasa hintuturo ng kanang kamay niya habang seryosong nakatingin sa walang malay na si Bogart.
Lumingon siya sakin at tinitigan ako ng isang minuto bago niya ako tinanguan ng isang beses at naglakad na paalis.
"Maghinay-hinay kayo d'yan kung ayaw niyong masugatan."-Kristen.
"Bogaaarrrttt!"-Cargo.
"Bogart?"-Sipyo.
"Uy Bogart!"-Pilimon.
Sabay sabay na sabi nina Pilimon ng makabawi sa pagkagulat. Nilapitan nila ang walang malay na si Bogart.
"W-wala na ba siya?"Naiiyak na tanong ni Sipyo habang kagat kagat ang damit niya.
Binatukan naman siya ng katabi niyang si Cargo, "B-buhay pa siya noh."Sabi naman ni Cargo kay Sipyo ngunit ang tingin pa rin ay sa walang malay na si Bogart.
"Buhay pa siya, dalhin niyo sa clinic bilis."Singit naman ni Pilimon ng matapos niyang icheck ang pulso ni Bogart.
Nagsigalaw naman sina Cargo at Sipyo bago nila binuhat si Bogart.
"Hecia, Kina at Chonji. Mauna na muna kami ha."Paalam naman ni Pilimon.
Tumango kaming tatlo nina Kina bago sila sinundan ng tingin na pababa na sa ikatlong palapag.
"Sa tingin niyo, magiging maayos lang ba si Bogart?"Nag-aalalang tanong ni Kina na ang tingin ay kay Bogart na papalayo.
Humarap naman ako kay Kina, "*"I'm sorry."*"Sabi ko na ikatingin niya sakin.
"*"Dahil sakin binato siya ng mop."*"Dugtong ko pa.
Umiling si Kina at ngumiti sakin, "Hindi mo kasalanan, Hecia. Ang importante ay nawalan lang siya ng malay."Sabi naman niya.
"Baba na tayo?"Pagyayaya ni Kina sabay tayo niya sa pagkakaupo.
Sabay na napalingon naman kami ni Kina kay Chonji na ngayon ay kumakain pa rin.
Napatigil siya sa pagkain at tumingin sakin bago kay Kina.
"Bakit? Gusto niyo?"Tanong niya samin.
Napailing naman si Kina habang ako ay natawa ng mahina.
"Busog kami."-Kina
"*"Busog kami"*"Sabay na sabi namin ni Kina.
Hinintay muna naming matapos si Chonji sa pagkain bago kami bumaba sa ikatlong palapag at lumabas ng cafeteria.
"Fifth Sachie, I almost perfect yong second method."
Napalingon ako sa 'di kalayuan at nakitang may pinagkakaguluhan ang ibang estudyante.
"The Healing Club."Dinig ko namang sabi ni Kina.
"*"Healing Club?"*"Patanong kong sabi na may halong pagtataka.
"Malaya kaseng gumawa ng clubs ang mga students dito. May Healing Club na gawa ni Fifth Sachie Ky pero kasulukuyang pinamumunuan ni Feral—ganap din na holder last year, may Cleaning Club naman na ngayon ay pinamumunuan na yata ni Kristen. And etc."Paliwanag naman ni Kina.
"Nga pala, ka-ano ano mo si Fifth Sachie?"Tanong naman ni Kina sakin.
Napaisip naman ako, ka-ano ano ko nga ba si Sachie?
Kumibit balikat ako, "*"Kahapon lang kami nagkakilala e."*"Sagot ko.
"Heciaaaa!"-Sachie.
Nakita ko naman si Sachie na kumakaway-kaway sa deriksyon ko. Napatingin naman ang nakapalibot sa kanya sa deriksyon namin.
Nagtatakbong lumapit si Sachie sakin. Napatingin naman siya sa kasama ko.
"Oh, friends mo?"Nakangiting tanong sakin ni Sachie at kumaway naman siya saglit kay Kina at Chonji.
Napangiti ako dahil sa tanong niya at nakangiting tumango.
"Oh, by the way I'm Sachie Ky. Kapatid ni Hecia."Nakangiting pakilala ni Sachie.
Saglit naman akong natigilan. Nakita ko pang bumakas ang pagkagulat sa mga mukha ng Healing Club at ganon din kina Kina at Chonji.
"Kapatid?"
"May kapatid pala si Fifth Sachie Ky?"
"Totoo?"
Teka, kapatid? Pero,
"*"Pero, hindi naman tayo magkadugo."*"Parang pabulong ko ng tanong kay Sachie.
Ngumiti lang siya sakin, "Kailangan pa ba yan?"Sabi naman niya.
"Ka-pa-tid. Magsibalik na nga kayo sa pinanggalingan niyo. Hindi makadaan ang Cleaning Club."
"Ate Kristen?"-Sachie.
Nabaling kami kay Kristen at sa mga kasama neto na nasa likod na pala namin.
"Tologo ba Kristen?"Singit naman ng isang lalaking kakalapit lang dito.
May hawak hawak pa siyang dutch mill ng tumabi siya kay Sachie.
"Kuya Feral!"-Sachie.
Inakbayan ni Feral si Sachie ngunit ang tingin pa rin neto ay kay Kristen.
"Uy Kristen, magtatampo nanaman 'tong anak nating si Sachie sayo niyan."Parang nagtatampo na sabi ni Feral.
Mabilis na hinagisan naman ni Kristen ng basahan si Feral ngunit mabilis lang itong nailagan ni Feral.
"Aray, anong kasalanan ko."Parang nagrereklamo namang sabi nong natamaan ng basahan.
Napasapo naman ako sa noo ko. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang dapat na ipakita ko.
"Ashushush! Sisingit muna ako sa away mag-asawa niyo ah."Singit naman ni Sachie at inalis ang kamay ni Feral sa balikat niya bago bumaling si Sachie sakin at kina Chonji.
"Kukunin ko lang si Hecia ha."-Sachie.