Nahinto ang paningin ko sa table na malapit sa isa sa mga malaking glass window—I mean nasa gilid talaga nila ang isa sa mga glass window dito.
"Sina Bogart.."-Kina.
Kumakaway-kaway pa sa deriksyon ko ang nagngangalang Pilimon at Cargo habang yong Sipyo naman ay busy na kumakain sa tabi ni Bogart. Napadako ako kay Bogart na kakahampas lang sa mga kamay ng dalawa.
Napapatingin pa ang mga estudyante sa deriksyon nila at sa deriksyon namin.
Kahit nagtataka ay kumaway ako pabalik.
Napaayos naman sa pagkakaupo si Bogart at nakangiting kumaway sa deriksyon namin.
Sumenyas naman samin sina Pilimon at Cargo na 'lumapit kami' kaya naman tumingin ako kay Kina na nakatingin lang sa deriksyon nina Bogart kaya napatingin naman ako kay Chonji na nakatingin ngayon kay Kina.
Mahinang tinapik ko ang kamay ni Chonji na ikatalon niya sa gulat na ikagulat ko.
"A-ano yon, Hecia?"Mababakas sa boses niya na nagulat talaga siya.
Nabaling naman ang atensyon ni Kina samin.
"S-sorry, nagulat ba kita?"Ngiwi kong tanong. Saglit niyang nilingon si Kina bago siya umayos sa pagkakatayo at umiling bago niya ako binigyan ng ngiti.
Pagkatapos niyang umiling ay napatingin-tingin naman siya sa ibang deriksyon at kumuha ng tsokolate sa bulsa niya at nagsimulang balutan ito.
"*"Lapit tayo kina Bogart?"*"Patanong kong sabi. Mabilis na napalingon si Kina sakin at kumakaing napatingin naman si Chonji kay Kina.
"S-sige."Mahinang tugon naman ni Kina.
Bumaling ako kay Chonji na kakatingin lang sakin. Napatigil pa siya sa pagkain ng binalutan niyang tsokolate.
Inubos niya muna ang tsokolateng nasa kamay niya bago tumango bilang pagsang-ayon.
Lumapit na kami kina Bogart. Habang papalapit kami ay nakita ko pa kung paano tinulak ni Bogart paalis ang katabi niyang tahimik lang na kumakain.
Napatayo naman si Sipyo at sakto namang kakalapit lang namin.
"Upo ka, rito.."Nakangiting sabi ni Bogart at saglit na tinapik ang tabi niya habang nakatingin sakin.
Tumingin ako kay Kina na ngayon ay nagtatago sa likod ni Chonji. Mukha namang napansin ni Kina na nakatingin ako sa kanya dahil napatingin na rin siya sakin.
Ngumiti siya sakin at tinanguan ako.
Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin pero tinuro ko lamang ang tabi ni Bogart.
"*"Upo ka d'yan, pwede namang dito nalang ako sa pwesto na ito."*"Sabi ko habang nakangiti.
Maliit na umawang ang bibig niya at umiling naman siya ng umiling bago saglit na sinulyapan si Bogart.
Palipat-lipat naman ang tingin samin ng tatlong kasama ni Bogart habang ngumunguya-nguya ng hawak nilang pagkain.
"*"Sige na,"*"Sabi ko pa at hinawakan ang kanang kamay niya bago ko siya dahan dahang hinila. Nagpahila naman siya at nakayuko ang ulo na huminto sa tabi ko.
"*"Pwede bang si Kina ang umupo?"*"Baling ko naman kay Bogart na pinapanuod kami. Hindi naman siya nakatugon agad.
Ngumiti ako ng matamis sa kanya, "*"Pwede bang si Kina ang umupo?"*"Pag-uulit ko sa tanong niya.
Saglit siyang napatitig sakin at bigla na lamang ngumiti habang tumatango-tango.
Bumaling ako kay Kina na nakatingin sakin. Senenyasan ko na siyang umupo. Ilang sigundo ang lumipas at narinig ko ang buntong hininga ni Kina bago siya umupo sa tabi ni Bogart.
Mas lumawak naman ang ngiti ko at senenyasan si Chonji na umupo rin. Dahil na rin halatang pagod na siya sa kakatayo ay walang pagdadalawang isip naman siyang umupo sa tabi ni Kina na ikadikit ni Kina kay Bogart.
Bumaling ako sa tatlo na puno na ang bibig pero patuloy pa rin sa pagkain habang palipat-lipat pa rin ang tingin samin.
Huminto naman ang tingin ng tatlo sakin at sabay na lamang silang nabilaokan na ikabigla ko at nakaramdam ng kunting taranta.
"*"Ayos lang ba kayo?"*"Nag-aalala kong tanong. Alam ko ang pakiramdam ng mabilaokan kaya syempre ay mag-aalala talaga ako kapag may nabilaokan sa harapan ko.
Kinuha ko ang tatlong bottle coke at inabot ko sa tatlo. Tinanggap naman nila ito at binuksan bago nila ito ininom.
Nabaling ako kay Bogart na ang sama sama ng tingin sa tatlo. Mukha namang napansin ni Bogart na nakatingin ako sa kanya dahil bigla na lamang siyang bumaling sakin at ngumiti.
Nang bigla na lamang sabay na naibuga nina Pilimon ang coke na nasa bibig nila.
Buti na lamang ay hindi umabot sa pwesto ko ang ibinuga nilang coke. Mabilis akong tumingin sa deriksyon ni Kina at nakahinga naman ng maluwag ng makita kong hindi siya natamaan dahil si Chonji ang sumalo ng lahat ng coke na tatama na sana kay Kina.
Maliit na tumagilid ang ulo ko at napakunot noo na lamang habang nakatingin kay Chonji.
Pero napangiwi lang din ako ng mapadako nanaman ako kay Bogart. Hindi maitsura ang mukha niya ngayon.
Napatayo naman ang tatlo at nagtutulakan na nagtakbuhan. Sinundan ko na lamang ng tingin ang tatlo hanggang sa nawala na sila sa paningin ko.
"Bogart, Eto oh panyo."Sabi naman ni Kina na ngayon ay may hawak hawak na panyo at nakalahad ito sa harapan ni Bogart. Napalingon naman sa kanya si Bogart.
"May extra t-shirt akong suot. Ibigay mo nalang yan sa kasama mo."Sabi naman ni Bogart at sinimulang hubarin ang suot suot niyang t-shirt ngayon.
Paghubad niya ng suot niyang t-shirt ay bumungad naman samin ang extra black t-shirt niya.
Inabot na lamang ni Kina ang panyong hawak niya kay Chonji na agad namang tinanggap ang panyong inabot ni Kina bago niya pinunasan ang sarili niya.
"Here's your order, ma'am's sir's."-Pilimon.
Nabaling kaming tatlo ng sabay na bumalik sina Pilimon. Nakita ko naman sina Cargo at Sipyo na may dala-dalang mga pagkain.
Pormal na nakatayo sa harap namin si Pilimon habang nakaharap ang palad ng kaliwang kamay niya malapit sa mukha niya at kunyari naman siyang may ballpen sa kanang kamay niya.
Lumapit naman sina Cargo at Sipyo sa table at pinaglalapag ang dala-dala nilang pagkain.
Nang malapag na nila ay pormal silang tumayo sa gilid ni Pilimon.
Huminto si Pilimon sa kanyang ginagawa at inayos niya muna ang kwelyo niya bago siya ngumiti sa harapan namin, "It's all free, enjoyyy."Masigla niyang sabi.
Sabay naman na nakangiting pumalakpak sina Cargo at Sipyo.
"Yey! It's all free!"-Sipyo.
"Enjooy!"-Cargo.
Pumapalakpak na sabi ng dalawa. Gusto kong magsalita ngunit ano naman ang sasabihin ko? Gusto ko rin na tumawa dahil ang kyu-kyut nila.
Pinagbabato naman sila ng fries ni Bogart at lahat ng ito ay tumama sa pagmumukha nila.
"Pera ko yan mga ulsl—."Hindi natapos ni Bogart ang kanyang sasabihin ng dumako ang tingin niya sakin, "—mga mahal kong kaibigan."Dugtong ni Bogart sa kanyang sinabi na nakatingin pa rin sakin.
"Ay, wow how sweet."Nakangiting sabi ni Pilimon.
"Mahar ka rin namin Bogart."Parang babaeng sabi ni Cargo habang nakangiti at nagheart shape.
"Labyo, mwuaaah~."-Sipyo.
Dahil nakatingin sakin si Bogart ay hindi niya agad napansin si Sipyo na nasa tabi na pala niya. Binigyan ni Sipyo ng smack kiss si Bogart.
Para namang tinakasan ng kaluluwa si Bogart at hahampasin na sana niya si Sipyo ng matigilan siya na para bang may bigla siyang naalala.
Nakataas pa ang kanang kamay niya na handa handa ng hampasin si Sipyo.
Niyakap ni Bogart si Sipyo at si Bogart naman ngayon ang nagbigay ng smack kiss ngunit sa ulo nga lang ni Sipyo.
Hindi ko makita ang mukha ni Bogart dahil nakatalikod siya sa deriksyon ko.
Napangiti nalang ako dahil sa nasaksihan. Iba talaga kapag pagmamahal ng kaibigan ang pinag-uusapan.
"U-upo,"Baling ni Bogart sa dalawang nakatayo.
Agad naman na nagsiupo sina Pilimon sa dati nilang pwesto.
Kumunot ang noo ko ng makita kong wala na si Sipyo sa tabi ni Bogart.
Napatingin naman si Bogart sa sahig.
"Uy, Sipyo? Ayos ka lang ba?"Tanong ni Bogart. Sumilip ako at nakitang nakahiga na si Sipyo sa sahig.
Tinulungan naman ni Bogart si Sipyo sa pagtayo bago niya pinaupo si Sipyo sa tabi ni Pilimon.
"Hoy baboy—este, nakakarami ka na ng kain ha."Dinig ko namang sabi ni Cargo kay Chonji na napatigil sa aktong pagsubo ng fried chicken.
Inosenteng tumingin sakin si Chonji, "M-masama bang k-kumain?"Malungkot netong tanong sakin.
Nakaramdam naman ako ng awa dahil sa kanyang tanong. Huminga ako ng malalim at ngumiti.
"*"Hindi, Chonji."*"Sagot ko naman sa tanong niya.
"Ngunit bakit n-nagagalit s-sila sakin?"Muli niyang tanong sakin na ikadagdag pa ng awang nararamdaman ko.
Bumaling ako kay Cargo, "*"C-cargo,"*"Banggit ko sa pangalan niya at hinawakan ang dalawang kamay niya.
Napaubo naman sina Pilimon at Sipyo.
"*"Pwede—."*"Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang may humapas sa table na ikabitaw ko sa kamay ni Cargo.
Gulat akong napabaling kay Bogart na nakangiti ngayong inaabot kay Chonji ang lagayan ng mga fried chicken.
"Sayo na yan, eat all you can."Nakangiting sabi ni Bogart.
Agad naman itong tinanggap ni Chonji at nagsimulang kumain. Napangiti na lamang ako dahil sa nasaksihan.
"Kina, gusto mo?"-Chonji.
"H-ha? Uh, b-busog ako e."-Kina.
"Tsngsns mo, Cargo paamoy nga ng kamay mo."-Pilimon.
"Ayaw ko nga, nyenye."-Cargo.
"M-may panyo kayo?"Tanong ni Sipyo samin. Pansin kong parang nahihirapan siyang huminga na para bang nababahing na siya.
Pinanuod ko lang na mataranta si Pilimon habang si Cargo naman ay nakangiting walang pakealam.
Pinaharap ni Pilimon si Sipyo kay Cargo at kinuha na lamang ang dalawang kamay ni Cargo at ginawang pantakip sa ilong at bibig ni Sipyo kasunod non ang malakas na pagbahing ni Sipyo.
Napangiwi naman ako ng mas matunog pa ang sipon ni Sipyo kesa sa bahing niya.
"Yoccs."
"Kadiri, kumakain kami."
"iw."
Dinig kong sabay sabay na sabi ng mga estudyanteng malapit lang samin.
Nawala ang atensyon ko sa kanila at napadako ang tingin ko sa harap—sa malaking window glass. Kumunot ang noo ko ng parang may lumilipad.
Hindi ko masasabing ibon dahil nagliliwanag ito. Kamangha-mangha ngunit nakakaramdam ako ng kaba.
Papalapit ito ng papalapit. Siningkit ko ang mga mata ko upang makita ng maayos kung ano ito pero ganon nalang ang pagkagulat ko ng tuluyan ko na itong maaninag.
"Hecia? Ayos ka lang ba?"Dinig kong tanong ni Kina sakin ngunit wala akong oras para lumingon sa kanya at sagutin ang tanong niya.
Nakatingin lamang ako sa harap.
Tuluyan na itong nakalapit sa glass window. Napasigaw ang lahat ng estudyanteng nandito ng mabasag ang lahat ng glass window.
Nakatingin lang deritso sakin ang taong dahilan ng pagkabasag ng glass window. Napara bang wala siyang pakealam kung may matamaan man.
"MISS HECIA!"-Bogart.
Tawag sakin ni Bogart kasunod ng mabilis na apoy na patungo sakin ngunit hindi sa apoy ang buong atensyon ko. Kundi sa ngisi ni Cristoff.
Cristoff.
Alam kong matatamaan na ako ng apoy. Nagtatago na nga sina Pilimon sa ibaba ng table habang si Chonji naman ay pinoprotektahan na si Kina sa apoy na paparating.
Tumingin ako sa apoy ng walang takot ngunit kabado. Ano namang magagawa ko—.
Nabigla ako ng bigla na lamang lumiko paitaas ang apoy na paparating na sana sakin. P-paano?
Bogart?
Mabilis akong napatingin kay Bogart. Alam kong siya ang dahilan ng pagliko bigla ng apoy pero paano? Paano niya nagawa iyon?
Akala ko ay makakahinga na ako ng maluwag ngunit huminto ang apoy at sa deriksyon ko ulit ito patungo.
Napapikit ako at hinintay ang sunod na mangyari. Bigla na lamang lumamig ang buong paligid. Sobrang lamig—kasunod non ang presensya ng taong nakatayo na sa harapan ko.
Unti unti kong idinilat ang mga mata ko at ang likod ng matangkad na lalaki ang bumungad sakin.
Nakaharap ang kaliwang kamay niya sa harap kung saan may matataas na yelo na ang nakaharang.
"Cristoff."
Mas lumamig pa ang buong paligid dahil sa boses neto—dahil sa boses ni Zyon.
"First Zyon!"
"First!"
Ang mata niya ay dumako sa deriksyon ko. Napakalamig ng tingin niya. Pakiramdam ko nga ay anu-mang oras ay tatakasan na ako ng aking kaluluwa.