Chapter 14

1392 Words
Muling tumunog ang bell, ngunit sa pagkakataon na ito ay dalawang beses lamang. "It's lunch time. Have a nice lunch time mga anak."Nakangiting malumanay na sabi samin ni Prof Rina. "You too Prof," "Yes lunch time na," "Huy, diba libre mo ngayon tsngs," Sabay na nagsitayuan ang ibang mga kaklase ko habang ang iba naman ay nagform ng circle. May ibang nagsilabasan na ng mga snacks at ang iba naman ay nag-uunahan sa paglabas. "Siya taya," "Penge, ah wala damot." "Aray, mamatay na nanulak," Nilibot ko ang paningin ko at halos silang lahat naman ay nakabukas ang bibig at nagsasalita. "Tara na?"Mahinang sabi ng katabi kong si Kina pero sakto lang upang marinig namin ni Chonji. Tumayo si Chonji at patagong nginuso ang sa may pintuan, "Paunahin muna natin sila."Tugon naman ni Chonji kay Kina. Nakangiting maliit na tumango si Kina at pinanuod ang mga kaklase naming isa isang lumalabas. "Aming B-bogart~." "Kaawaan mo kami, aming Bogart~." "Bogart mahar~." Nabaling ang atensyon ko sa malapit lang samin. Nakita ko ang tatlo kanina na ngayon ay nakaluhod sa harap ni Bogart na ngayon ay may hawak hawak ng mahaba at makapal na stick. Nakatalikod sa deriksyon namin si Bogart kaya hindi ko masyadong makita ang itsura niya ngayon. Napansin ko naman na umiba na ang suot suot ni Bogart damit. Siguro'y nagbihis siya dahil sa sipon ng tatlo. Dumako ang tingin ko sa tatlong nakaluhod, napansin ko ang pagpipigil nila ng ngiti habang saglit na tumitingin-tingin sa deriksyon ko, kasunod non ang pagbigay nila ng taas babang kilay kay Bogart. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila pero naaawa ako at nalilito. Naaawa ako dahil kunting kamalian lang ang ginawa nila ngunit lumuluhod na sila para kaawaan ang kanilang mga buhay. Nalilito rin ako dahil bakit pakiramdam ko'y nasisiyahan pa sila habang nagmamakaawa? O talagang, nagmumukhang nasisiyahan lang sila pero sa kaloob-looban ay nahihirapan na pala sila at nasasaktan. "Tara na?"Sabi ni Chonji na ikalingon ko sa kanya at tumango kasunod non ang maliit na tango ni Kina. Tumayo si Kina habang pumwesto naman si Chonji sa likod ko at sinimulang itulak ang inuupuan ko. "*"Baka nakakaabala na ako."*"Nakangiwing maliit kong sabi. "Nah, hindi."Umiiling na sabi ni Chonji. "Sa totoo niyan ay gusto ka naming maging kaibigan."Nakangiti namang dugtong ni Kina. Natigilan ako. Maging kaibigan? Ito ang unang beses na may nagyaya sakin na gusto nila akong maging kaibigan. Dahil na rin bawal akong lumabas sa kastila ay hindi ko man lang naranasan ang maglaro. Ang iba ay nangangarap na maging Prinsesa katulad ko, ngunit hindi man lang nila inisip na ang pagiging Prinsesa ay tinataya na ang sariling kalayaan. "Hecia?"-Chonji. Nabalik ako sa realidad at bigla na lamang akong tumango ng tatlong beses ng hindi man lang iniisip ang mangyayari sa kinabukasan. Ngumiti ako ng malawak, "*"I'd love to!"*"Masigla kong sabi. Maliit na kumunot ang noo ni Chonji habang bakas naman sa mukha ni Kina ang pagtataka. Siguro ay nagtataka sila sa pagbabago ng expression ko ngunit isinawalang bahala ko na lamang ang reaksyon nilang dalawa. "Hecia! Si Bogart gusto ka raw niyang maging asawa!—hmm!" Nagulat ako sa sigaw ng kung sino at napatingin naman ako sa taong sumigaw non, nakita kong nakatingin sakin ngayon ang nakasuot ng sombrerong pula na nakataas pa ang kanang kamay na parang may gustong sabihin habang ang kaliwang kamay naman niya ay nakahawak sa kamay ni Bogart na ngayon ay nakapulupot sa leeg niya. Ang dalawa naman na kasama nila ay nagsitawanan at ganon din ang ibang nakarinig. Asawa? Napatingin sa deriksyon ko si Bogart at bigla na lamang tumigil sa pagsakal sabay tulak niya sa sinasakal niya at ngumiti na lamang sakin bigla na para bang wala siyang krimeng ginawa. Kinalabit si Bogart ng dalawa na ngayon ay pormal na nakatayo. Napalingon sa kanila si Bogart at binigyan ng masamang tingin. Nilahad naman ng isa ang parang salamin na kinuha naman ni Bogart at tiningnan ang mukha sa salamin. "Hoy Cargo, salamin ko yan!" "Bakla amp." Nagwait sign naman yong isa sa deriksyon namin bago niya hinila ang kurtinang malapit lang sa kanya. "Hoy Pilimon, lagot ka kay titser." "Ayusin mo yan pagkatapos." "Gsgs HAHAHHAHA." Nang tuluyan niyang nahila ang kurtina ay tinapon naman niya ito sa deriksyon nina Bogart. Huminga ako ng malalim para pigilan ang tawa. Nakakatawa sila ngunit tumawa na ako kanina. Nahinto naman ako sa panunuod ng mapansing nasa harap na pala kami ng pinto. Ngayon ko lang napansin dahil nakatutok ang lahat ng atensyon ko kina Bogart. "May gusto yata si Bogart sayo."Dinig ko namang sabi ni Kina. Kumunot ang noo ko, "May gusto si Bogart sakin?"Taka kong sabi. Tumango naman silang dalawa ng sabay. "Last year nag-enroll sina Bogart, Pilimon—yong humila ng kurtina, Sipyo—yong sinakal ni Bogart, at Cargo—yong naglahad ng salamin. Tapos ngayon lang naging gan'yan si Bogart."Nakangiti pa rin na sabi ni Kina. Hindi ko pa rin maintindihan ang ibig niyang sabihin. "Nagseselos yan Hecia, may gusto kase yan kay Bogart."Bulong naman sakin ni Chonji habang ngumunguya-nguya. Maliit na umawang ang bibig ko pero itinikom ko pa rin at napangiti na lamang habang nakatingin kay Kina na nakangiti ng maliit na nakatingin lamang sa harap. "*"Huwag kang mag-alala, Kina. Hindi ko aagawin si Bogart sayo."*"Nakangiti kong sabi. Para naman siyang na-statwa sa kinatatayuan niya at pinanglakihan ng mata si Chonji na normal lang na kumain. Bumaling sakin si Kina na hindi pa rin nawawala ang simpleng ngiti sa labi. "Wala akong gusto kay Bogart."Umiiling na sabi niya ngunit nakangiti pa rin. Napailing na lamang ako sa aking isipan at maliit na tumango habang may nakakalokong ngiti pa rin sa'king labi. "*"Saan pala tayo pupunta?"*"Baling ko naman kay Chonji. Nginuso ni Chonji ang Cafeteria sa 'di kalayuan. "Nga pala, alam mo na ba ang tungkol sa 3rd, 2nd at 1st?"Tanong naman sakin ni Kina. Naalala ko naman ang nakita kong nakaukit sa tatlong gate. Umiling ako bilang sagot. "Ang Academia ay may tatlong stage, kapag newbie ka ay mapupunta ka sa 3rd stage—sa madaling salita, rito. Ang 2nd stage naman ay tinatawag namin na 'pinto ng tagumpay'. Hindi ko alam kung anong nandon sa loob basta ang alam ko lang ay gusto kong manatili rito sa 3rd stage."Pagsisimula naman ni Kina. Nagtaka ako sa huli niyang sinabi pero hinayaan ko na lamang siyang ipagpatuloy ang sinasabi. "Tapos ang 1st stage naman ay doon pumapasok ang mga mataas na rank gaya ng First Zyon at iba pang mga kasama niya. Tinatawag namin itong 'susi ng tagumpay'. Parang sahig lang ang 3rd stage, kailangan may matapakan ka upang makatayo ka sa harap ng pinto, pero dahil kailangan mo ng susi ay kailangan mo pang pumunta sa 1st stage upang buksan ang pintuan. Gets?"Dugtong niya pa. Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin pero ang pinagtataka ko lang ay bakit, bakit gusto niyang manatili rito kung may pintuan pa pala siyang bubuksan—ang pintuan ng tagumpay. "*"Bakit gusto mong manatili rito?"*"Taka kong tanong. "Masaya rito, malaya at may matatawag kang pamilya."Nakangiting sagot naman ni Kina. Sa pagkakataon na'to ay hindi ko na alam ang ibig niyang sabihin. Pumasok kami sa sobrang laking Cafeteria. Mas malaki pa sa classroom namin. Bumungad ang napakalawak na loob neto. Lumapit kami sa safety rails at ganon nalang ang pagkamanghang naramdaman ko dahil sa nakita. Mula sa kinatatayuan ko ay kita mula rito ang tatlong palapag. Kada palapag ay may kanya-kanyang counter. Ang unang palapag ay nasa baba habang ang ikalawang palapag ay kasing pantay lang ng kinatatayuan ko habang ang ikatlo naman ay sa itaas. "Saang pwesto gusto niyo?"Tanong naman samin ni Chonji. "Sa ikatlong palapag."Sabay naman na sabi namin ni Kina. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na napatawa ng mahina. "Sige? Okay, tara!"Masigla namang tugon samin ni Chonji. Umakyat kami sa ikatlong palapag at ng nasa ikatlong palapag na kami ay nadagdagan pa ang pagkamangha ko. Kapag lalapit pa kami sa malaking glass window ay paniguradong maganda ang tanawin na makikita. "Uh, wala ng bakante.."Sabi naman ni Kina na ngayon ay patingin-tingin sa buong paligid. Nilibot ko ang paningin ko at tama nga siya. Nakaramdam ako ng panghihinayang. "Miss Heciaaa!" "Ma'am Heciaaa!" "Miss, ma'am Heciaaa!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD