Chapter 7

1622 Words
Ilang weeks na kaming nakarating sa Pinas. Palagi kong sinusuyo si Jyselle kahit na ang sabi niya ay hindi niya talaga ako mapagbibigyan. Wala naman sigurong mali sa akin. Pangarap nga ako ng karamihan. Hindi ko alam sa kaniya. Ano pa ba ang kulang sa akin? "Anak, kumusta na? Hindi ka pa ba sinasagot ng niligawan mo? Ang hina mo naman, anak!" sabi ni daddy. Nasa bahay ako ng mga magulang ko. Hindi ko alam kung nasaan na ang mga kapatid ko. May kaniya-kaniyang buhay na kasi kami kaya simula noong dumating kami ni Jyselle sa Pinas ay hindi ko talaga nakita at nakausap ang mga kapatid ko. Mas mabuti na rin iyon at baka panay asar lang ang marinig ko sa kanila, lalo na kay Cloud. Pasimpleng babae pero grabe kung mang-asar. "Naku, Dos, baka hindi mo talaga anak itong si Matter. Hindi ba naman nagmasa sa iyo?! Ang tinik mo sa babae perp ito parang naligo ng mantika ng noodles na baka!" sabi ni Uncle Tim. Hindi ko siya pinansin. Kumuha pa ako ng isang beer at agad na uminom. Kahit na hindi ka pala-inom ng alak kapag kasama mo ang angkan ng mga Geller ay magiging alakero ka talaga. "Dapat kasi, anak. Daanan mo na sa dahas iyan. Tingnan natin kung hindi iyan bubukaka sa iyo," sabi naman ni Uncle Tiger. "Alam mo, anak, napapahiya na ako sa mga uncle mo. Alam mo naman na ang angkan natin ay habulin ng mga babae." "Habulin naman ako ng mga babae pero hindi lang ako tulad niyo na mga babaero!" sabi ko bago muling tinungga ang hawak kong lata. Nauna na akong nagpaalam sa kanila. Sinabihan ko kasi si Jyselle na hindi ako masyadong magpapagabi. Medyo tipsy na ako kaya naman ay medyo malabo na ang aking tingin. Habang nasa biyahe ako ay naalala ko si Jyselle. I have to buy something for her. Bumili ako ng tatlong rosas at isang bar ng white chocolate bago ako umuwi sa condo. I am planning na lumipat kami ni Jyselle sa bahay ko na bagong bili ko lang para mas maging komportable siya. Dumiretso ako sa unit nang nakarating na ako. Ni hindi ko na nacheck kung okay ba ang pagkakapark ng aking sasakyan. Nagdoorbell ako nang makarating na ako sa tapat ng pintuan. Naawang ng aking nga labi dahil nakita ko na manipis ang dress na suot ni Jyselle. Bumakat ang kaniyang mga u***g kaya ay uminit ang aking pakiramdam. Wala talaga akong takas sa lahi namin lalo na at nakainom pa ako. "Good evening, sir. Napaaga ka yata. Akala ko kasi ay mamaya ka pa uuwi kaya hindi po ako nakapaghanda," aniya. "But don't worry, ipagluluto po kita. Ano pala ang gusto mong kainin?" She was asking me kung ano ang gusto kong kainin. Tumikhim ako at inalis ko ang pagtitig ko sa kaniyang bakat na mga u***g. "I-Ikaw," sabi ko. "Po?!" "I said, ikaw na ang bahala kung ano ang gusto mong lutuin. By the way, I have pasalubong for you!" Inabot ko sa kaniya ang mga dala ko. Tinanggap niya ang bulaklak at ang tsokolate. "Sir, hindi niyo naman kailangang magdala palagi ng kung anu-ano para sa akin. Tingnan mo nga ang condo, puno na ng bulaklak," sabi niya nang tumalikod siya sa akin. "Baka nga ay makita mo akong naglalako na ng rosas sa labas ng building sa dami ng mga ito. Mga mamahalin pa talaga ang binibili mo," sabi niya. Lumakad ako patungo sa sofa. Paulit-ulit na linya ang sinasabi niya sa tuwing may dala akong pasalubong for you. "Don't worry dahil mas expensive ka naman. Alam mo, Jyselle, kung ari-arian ka lang talaga ay tatanungin ko kung magkano ka para maangkin na talaga kita. Kaso ang hirap malaman ang presyo mo," sabi ko. Humalakhak siya nang marinig niya ang sinabi ko. Kumuha siya ng isang vase at agad niyang nilagay ang mga rosas na dala ko para sa kaniya. Nilapag niya ito sa ibabaw ng mesa sa harapan ko. "O, iyan! Ang gaganda nila," puri niya sa mga bulaklak. Hindi niya naman binigyang antensyon ang mga sinabi ko. Nakayuko siya kaya naman ay halos makita ko na ang kabuuan ng kaniyang mga dibdib. Alam ko na namumula ako ngayon. I'm turning red hindi dahil sa alak kun'di dahil sa dibdib ni Jyselle na halos mabunyag na nang tuluyan. Wala pa naman siyang bra. Hindi ko alam sa babaeng ito bakit ganito siya manamit. Sana naging sensitive naman siya kahit papaano. Alam naman niya na gusto ko siya, right? Pero bakit pasexy na nang pasexy ang nga sinusuot niya. Palagi na lang akong nagkakahorny dreams dahil sa kaniya. "Jyselle?" Tumigil siya sa ginagawa niya. Umupo siya at agad na tumingin sa akin. "Y-You look more beautiful rather than those roses," sabi ko sa kaniya. "Kung ari-arian din ang mga salitang iyan ay tiyak akong napuno na naman ang condo, sir." Umiling ako bago ako bumuga ng hangin. "Ayaw mo ba sa akin?" tanong ko sa kaniya. Nawala ang ngiti niya at sumeryuso ang kaniyang mukha. Tumayo ako at tumabi ako sa kaniya. Nagkatinginan kami kaya naman panay ang pagpintig ng puso ko. "Ayaw mo ba sa akin, Jyselle?" ulit kong tanong sa kaniya. Nilapit ko sa kaniya ang aking mukha. Gusto kong ipakita sa kaniya ang aking mukha sa malapitan. Nais ko na masdan niya ang aking mukha nang sa ganoon ay marealise niya na ako ang pinakaguwapong lalaki sa balat ng lupa. "What's the problem with me, Jyselle?" "Sir," aniya. Umatras siya hanggang sa makasandal siya sa gilid ng sofa. Ako naman ay nakapatong sa kaniya subalit may distansya pa rin ang nakapagitan sa amin. Ngayon ko lang nagagawa ito kapag nakainom ako. Admittedly, torpe ako pagdating sa kaniya kapag nasa normal state ako. Kapag lasing naman ako ay matapang akong nasasabi sa kaniya ang lahat ng gusto ko. "Guwapo naman ako. Para akong bituin na tinitingala ng maraming babae at nais maabot, Jyselle," sabi ko. Tinulak niya ako kaya ay napaupo ako nang tuwid. Tumayo siya at inayos niya ang kaniyang sarili. "Gutom lang iyan, sir. Maiwan na muna kita at magluluto na ako para sa iyo," sabi niya. I rolled my eyes before I pushed myself on top of the sofa. Tumingala ako sa kisami at hinanap ko sa bawat sulok nito ang maaaring mga dahilan ni Jyselle kung bakit hindi niya magawang gustuhin ako. Halos makaidlip ako nang maamoy ko ang mabangong bulalo. Umahon ako at agad akong pumunta sa kitchen. Naratnan ko si Jyselle na nakatali ang buhok at lantad ang kaniyang makinis na batok. Nabuntung-hininga ako dahil sa ganda niya kahit nakatalikod siya. "Come over here, sir. Handa na ang mainit na sabaw para sa iyo! Higupin mo na ito habang mainit pa," aniya. Sumunod ako sa sinabi niya. Agad akong humigop. Hindi nagtagal ang laman ng isang bowl sa akin. Inubos ko ang lahat ng laman nito. Lumapit si Jyselle sa akin. Hindi ko na naman makontrol ang malakas at mabili na pagtibok ng puso ko nang nilapit ni Jyselle ang kaniyang kamay sa aking pisngi. "Jyselle?" hindi makapaniwalang sabi ko nang nilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Napalunok ako dahil sa iniisip ko. Hahalikan niya ba ako? Damn! Amoy bulalo ang bibig ko. Hindi ako handang makipaghalikan sa kaniya. Pinikit ko na lang ang mga mata ko habang hinihintay na malapat ang labi niya sa aking labi. Bahala na kung ano ang amoy at lasa ng bibig ko. Tutukain ko na siya dahil siya na ang lumapit sa akin. "Alam mo, sir, kapag nakakainom ka ay para ka talagang bata. Hindi mo na inaalagaan ang sarili mo. May mga piraso ng gulay sa iyong pisngi," aniya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Paramg gusto kong magpalamon sa lupa dahil sa dumi ng iniisip ko kanina. "Ah…eh— Ganoon talaga, Jyselle, kapag medyo nakainom na," rason ko. Umiling siya at agad na kinuha ang pinaghigupan ko. "Magpahinga ka na kapag natapos ka nang maglinis ng sarili mo. Kailangan nating pumunta sa opisina mo bukas dahil naghihintay na ang mga papeles na nangangailangan ng pirma mo. Hindi ko talaga naisip na pinababayaan mo na ang mga trabaho mo, sir. Kung gaano ka ka-workaholic sa New York ay kabaliktaran naman dito sa Manila! Isipin mo, ilang beses ko nang pinapaalala sa iyo ang mga dapat mong pirmahan noong week kung kailan tayo dumating rito." "Sorry. Hindi ko lang matanggihan si dad. Magtatampo rin ang mga uncle ko kapag nagdecline ako sa mga invitations nila," sabi ko sa akin. "That's not an excuse, sir. Puro lang din naman mga asar ang natatanggap mo mula sa mga uncle mo at sa dad mo." "Kung ayaw mong asarin nila ako ay pumayag ka nang maging girlfriend ko. Ikaw lang naman ang dahilan bakit nila ako inaasar. Ang sabi nila ay mahina raw ako pagdating sa iyo," sabi ko. "Bakit ba kasi ako pa? Ang sabi mo nga, hindi ba, na ang daming naghahabol sa iyo na mga babae. Sa kanila mo na lang kasi patunayan ang sarili mo sa angkan niyo." Tumayo ako at bigla ko na lang siyang hinila papalapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ni Jyselle sa gulat. "Huwag mo akong itulak sa iba dahil ikaw lang ang ang gusto ko, Jyselle. Lalambot ka rin sa akin. Tandaan mo iyan," seryusong sabi ko sa kaniya. Hindi siya nakapagsalita dahil sa ginawa ko. Magkadikit ang mga katawan namin kaya ay damang-dama ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Tumitig pa ako nang ilang sandali sa kaniyang mga mata bago ko siya pinakawalan at iniwang nakatayo kung saan ko siya pinihit upang madikit sa akin. Baka talaga kapag hindi ako nakapagtimpi ay dadaanan ko siya sa puwersa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD