Chapter 12

2164 Words
Agaw-pansin ang pagkinang ng silver piercing sa kanan niyang tenga. Lalo na nang tumama ang repleksyon ng araw dahil nakaharap siya sa liwanag. He’s wearing his monochromatic outfit paired by dark pants and gray shirt. Kung unang beses ko pa lang siya nakahaharap nang ganito, baka maisip kong isa siyang anghel na nagkatawang tao. He flashed a mocking smirk, the reason why I killed my sudden admiration. Sa isang iglap, kasabay ng kaniyang paghakbang, para akong ginising sa katotohanan. Hindi ko mapigilang titigan ang pormadong hawi ng kayumanggi niyang buhok. Sinadya kaya ang kulay nito o talagang may pinagmanahan? Nang makalabas na siya ay saka niya sinara ang pintuan. Kaliwa’t kanan kong nilingon ang pasilyo at nang makitang walang katao-tao, kagyat akong binalot ng kaginhawaan. Hangga’t maaari, ayaw kong makita ng iba na may koneksyon ako sa taong ito. Kung may isyu na nga ang pakikisama ko kay Bryce, paano pa kaya rito kay Tinio na mula sa mayamang angkan? It’s been weeks since I saw him. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa ngunit wala namang nagbago. “Anong ginagawa mo rito?” halos pabulong kong tanong. Wala namang bahid ng pagtataray dahil wala naman siyang ginawang masama. He chuckled using his mocking voice. “Aren’t you happy to see me?” Pumarte ang labi ko. Saglit pa akong naningkit dahil sumilaw ang pilak niyang piercing. “Hindi ko alam kung bakit kailangan pa akong papuntahin dito. May problema ba?” Umangat ang kaniyang kilay. Kasabay nito ay may inilabas siya sa kaniyang bulsa. Napayuko ako bigla sa kaniyang hawak at nakitang cellphone iyon. Kulay itim at halatang mamahalin base sa brand na sa pagkakaalam ko’y tanging mga mayayaman lang ang nakabibili. iPhone. Umilaw iyon nang pindutin niya ang power button. Para naman akong tangang namangha sa kaloob-looban dahil bihira lang ako makakita nito. Siguro uso na ito sa ibang lugar lalo na sa mga siyudad. Ngunit dahil isa lang akong hamak na residente sa isang malayong isla, kung may nagmamay-ari man ng cellphone sa amin ay iyong mga may kakayahan lang. Karamihan ay de-keypad lalo’t may kabagalan ang dating ng signal. Pagkatapos pumindot sa screen nang ilang beses, saka niya ito inabot sa akin. Kunot-noo naman akong nagtaka dahil hindi ko alam kung anong gagawin. “Give me your number,” aniya sa kaswal na tono. Hindi iyon nag-aalinlangan kung may cellphone ba ako o wala. Lumunok ako. “Wala.” “Wala?” pag-ulit niya. “What do you mean?” “Wala akong phone kaya wala akong maibibigay.” He nodded as if he heard nothing. Sunod ay binawi na lang niya ang kaniyang nilalahad saka ibinalik sa bulsa. He then checked his other pocket. Nakita kong hinugot naman niya ang dalang wallet at may hinagilap doon. Truth is, may pambili naman ako ng cellphone. Kung gugustuhin ko, bakit hindi? Kaya lang, kung magmamay-ari man ako nito, naisip kong hindi ko rin masyadong magagamit dahil kinailangan pang dumayo rito sa Isla Capgahan para makasagap ng signal. Alam ko dahil iyon ang ginagawa ng ibang taga-Agunaya. Saka wala naman akong kailangang i-contact mula sa malayo. Lahat ng mga kakilala kong malalapit sa’kin ay matatagpuan ko na sa isla. Saglit lang niyang sinilip ang laman ng kaniyang wallet. Pagtago niya muli nito sa bulsa, hinarap na ulit ako nang maayos. His smile faded. Kung kanina ay parang nang-aasar, ngayo’y seryosong seryoso. Nakutuban ko tuloy na mahalaga ang dahilan kung bakit siya nakipagkita sa’kin. “Anong oras ang uwian mo?” he asked. Sinagot ko agad base sa huling period ng babalikan kong klase. “Alas otso.” Umismid ako. “Alas otso ng gabi.” “Sinong kasabay mo?” “Kaklase ko,” tugon ko. “Sinong kaklase? Anong pangalan?” Nagdalawang isip ako bigla. Nakapagtataka naman kung bakit kailangan niyang alamin. “Bakit mo tinatanong?” “Sagutin mo na lang,” demand niya nang hindi nagbabago ang ukit ng seryosong ekspresyon sa mukha. “Anong pangalan?” Wala akong nagawa kundi sabihin ang pangalan ni Bryce. Baka kasi hindi na matatapos ang usapan kung patuloy kong ililihis ang tanong. Nanahimik siya matapos ikrus ang mga matipunong braso. Inulit ko naman ang paglingon sa kanan at kaliwa kung may nanonood ba sa’min. Ganoon na lang ang paglunok ko dahil may nakita akong grupo ng mga babae mula sa bungad ng hagdanan sa dulo. Kagat-labi kong ibinalik kay Tinio ang tingin dahil nangyari na ang gusto kong iwasan. “Sinabihan ako ng prof na kailangan kong pumunta rito sa guidance office. Huwag mong sabihing ikaw ang nagpatawag?” Tumango siya nang alanganin. Sa puntong ito ay dito na lumala ang inis ko. He answered, “Ano kung ako nga?” Napapadyak ako nang mahina. “Alam mo ba kung paano ako kinabahan? Ni minsan sa buhay ko, hindi pa ako napapatawag dito!” “At least ngayon naranasan mo na.” “Tinio!” “Kidding.” Umiwas ako ng tingin saka umirap. Ilang segundo rin ang sunod kong pinalipas bago ako nagpasyang magpaalam. “Babalik na ako sa klase.” “Okay. See you later, then.” Akma na sana akong hahakbang subalit pinatigil pa ng salitang binigkas ng kaniyang labi. Hindi ako makapaniwala. “Mamaya?” paniniguro ko nang nakabusangot. “Yeah.” Tumanggi ako. “Alam mo, nagsasayang ka lang ng oras eh. Bakit `di ka na lang mag-concentrate doon sa inyo? Gumawa ka ng makabuluhan.” “May kabuluhan din naman `to ah?” “Hindi ako interesado sa kung ano mang trip mo Tinio. Marami akong inaasikaso kaya huwag ako. Iba na lang.” May pagkabratinela ko siyang tinalikuran matapos iyon sabihin. Tikom-bibig kong sinuyod ang daan patungong hagdan kung saan patuloy pa ring sumisilip ang grupong humahanga kay Tinio. Apat sila base sa aking bilang at palagay ko ay nasa higher year. Kung makatingin sila sa’kin ay akala mong lalamunin ako ng mga mata kaya buti na lang ay nakalagpas din sa ilan pang mga hakbang. Samantala, hindi ko na nilingon si Tinio. Dahil sa ngayon, ang tanging mahalaga ay makaabot ako sa graded recitation. ** The afternoon class went restless. Walang break kaya ang naging dating ay matira matibay. Mukha namang sanay na ang mga kaklase ko dahil karamihan sa kanila’y panghapon na noong first sem. Iilan lang ang mga tulad kong nasanay sa pang-umagang shift kaya mahaba-habang panahon pa ang kailangang gugulin para sa adjustment. Ngayon, habang nagsasalita sa harap ang prof para sa huling subject sa araw na ito, napalingon ako sa labas. Unusual sa’king makita na tirik na sa panggabing kalangitan ang hugis crescent na buwan na sinamahan ng tila mga alikabok na bituin. Ang maganda sa ginagawa ng campus na ito ay talagang nagpakalat sila ng mga lamp posts. Kahit paano, walang lugar na naiiwan sa dilim. “Samira,” pabulong na tawag sa’kin ni Imon kaya mula sa bintana ay palihim akong lumingon sa kaniya. Hindi naman sa’min ang focus ng mga mata ni Ma’am dahil nakatuon siya sa pine-present niyang powerpoint. “Mmm?” “Puwedeng sumabay mamaya?” tanong niya. “Saan?” “Sa inyo ni Bryce.” Nagkibit-balikat ako. “Si Bryce ang tanungin mo dahil bangka niya `yon. Pero bakit ka pala sasabay? Saan ka pupunta?” Umiling siya. “Ano ka ba? Hindi naman ako sasakay sa bangka niyo `no. What I mean is, makikisabay lang sa inyo ng lakad hanggang mapadpad sa dalampasigan.” Hindi ako tumugon. Sa halip ay matagal ko siyang tinitigan nang mata sa mata. Umiwas naman siya ng tingin nang mapansin iyon dahil siguro’y nabaanag niyang binabasa ko ang laman ng isip niya. Ayaw ko sana siyang pangunahan pero may gusto kaya siya kay Bryce? He’s an open gay kaya hindi na kagulat-gulat kung aaminin niya. Ilang sandali pa ang lumipas ay pumatak na rin ang alas otso. This time, pagkalabas ng professor ay kaagad na nagsiligpit ang lahat. Panay ang paalala ng class president na wala nang dapat mag-stay sa room o kahit sa campus dahil magsasara na ang guard pagsapit ng alas nuwebe. Pagkasukbit ko ng aking bag, lumitaw kaagad si Bryce sa aking gilid. Kapwa nakapamulsa ang kaniyang mga kamay at halata na sa pamumungay ng mata ang antok. “Tara,” aniya. “Uwi na tayo.” Tumango ako nang nahihiya. Saktong sa pagsimula ng aming lakad palabas ng classroom, tumabi naman sa akin si Imon. “Palabas na kayo, `di ba? Pasabay.” Palihim akong ngumisi. Hindi ko alam kung bakit ako ang nahihiya para kay Imon pero may parte sa’king kinikilig para sa kanila. Bagay naman sila kung tutuusin. Pagdating namin sa pasilyo, hindi magkamayaw ang mga estudyanteng papalabas ng kanilang silid. Lahat ng ilaw na madadaanan dito ay nakabukas at wala ni isa man ang sira. As usual, `di hamak na sobrang lamig na talaga ng simoy ng hangin. Saang banda ko man ilingon ang aking tingin, hindi maiiwasang makakita ng mga humihikab at umiinat dahil sa antok. “Goodness, ang dami nating assignments,” pagsira ni Imon sa katahimikan naming tatlo. Si Bryce kasi ay parang walang pakialam sa presensya naming dalawa. “Ikaw Sam, anong plano mo? Kailan ka pupunta ng library para sagutan?” “Bukas siguro,” sagot ko habang sumasabay sa kanilang mga hakbang. Napansin ko lang na nakalabas na kami ng building nang mabawasan na ang liwanag. “I-ikaw, Bryce? Kailan mo planong s-sagutan?” utal niyang tanong sa isa pa naming kasama, dahilan kung bakit mariin kong itinikom ang aking bibig. Wala naman sanang nakakatawa pero bakit gusto kong humagalpak sa pag-utal niyang iyon? Sumagot si Bryce nang hindi lumilingon kay Imon. “`Pag nasagutan na ni Sam.” Nagtaka naman ako roon kaya sa pagkakataong ito ay ako itong napatanong. “Kapag nasagutan ko na? Bakit?” He shrugged. “Para makakopya.” Akma sana akong iiling o iismid ngunit nang maalalang malaki ang utang na loob ko sa kaniya ay pinili kong manahimik. Naramdaman ko naman ang paniniko ni Imon at nakita ang nangungusap niyang mga mata. It’s as if he’s asking me to tell Bryce what shoud be done. Essays ang mga assignment. Kung kokopya siya sa’kin, kapwa kami mabibigyan ng tres. Kinabahan ako nang si Imon na mismo ang nag-open up. Sa halip na ako, siya na mismo ang umabiso. “Uh, Bryce… actually mga essay ang assignments natin. Kaunting sources lang sa library ang puwede nating kunin at ang majority ay magmumula sa’tin.” Bryce craned his neck. Akala ko ay hihinto sa paglakad pero hindi naman. “Alam ko,” sagot niya. “O-okay…” Mula sa pagdapo ng mga artificial lights, mataman kong tiningnan ang ekspresyon ni Imon. Napansin ko ang pagiging dismayado at ang bahagyang aninag ng iritasyon. Para kaya iyon sa sarili niya o para kay Bryce? Hindi na nasundan pa ang usapang iyon nang sa puntong ito ay marating na namin ang gate. Bagama’t `di naging maganda ang reaksyon ni Imon mula sa naging tugon ni Bryce, good thing na hindi siya umalis sa aking tabi. Sa dami kasi ng mga estudyante, lalo at may gumagawa na pala ng isyu, mabuting kaming tatlo itong makikitang magkasama. Nakakapraning kasi maging sentro ng usapan. Though hindi ko pa naman masyadong naranasan noong high school, alam kong hindi `yon magiging madali. Sumalubong ang mga stalls ng streetfoods na siyang puntahan ng mga tao sa ganitong oras. Nanunuot ang bango kaya para bang nabuhayan ang gutom kong sikmura. Pabulong naman akong tinanong ni Imon kung mahilig ba si Bryce sa streetfood. Sinagot kong hindi ako sigurado dahil hindi kami kailanman huminto sa kahit na anong stalls noong nakaraang linggo. Kaya para raw mag-play safe, hindi na nag-insist si Imon. Patingin-tingin na lang kami sa mga kumakain habang tinatahak ang gilid ng kalsada. Nang may makita akong couple na nagsusubuan ng isaw, mabilis akong napaiwas ng tingin. Umiling-iling pa ako para lang iwaksi ang alaalang bumabalik. Ngunit kahit na anong gawin ko, kahit na ano pang pag-iwas upang mailipat sa ibang dimensyon ang pinagtutuunan ng utak, `di ko maiwasang maalala kung anong klaseng couple kami ni Kario noon. Ang hilig-hilig niya kasi sa isaw kaya kapag nag-aaya siyang mag-date, sa isawan ang talagang diretso. Kaya kung ako ang tatanungin, masasabi kong may trauma ako sa pagkaing iyon. Hindi dahil nalason nito o nabilaukan, kundi dahil ito ang nagbibigay-daan kung bakit parang kahapon lang ang lahat. “Hey, wait.” Nagpanting bigla ang pandinig ko nang marinig ang boses na iyon. `Di pa ako sigurado noong una dahil baka hindi naman ako ang tinutukoy. Pero nang siya na mismo ang humarang sa harapan naming tatlo ay para akong binuhusan nang malamig. Napasinghap pa sa ipit na boses si Imon kasabay ng agarang pagtakip sa bibig. Si Tinio na naman? Naka-leather jacket na siya kung ikukumpara sa nakita kong suot niya kanina. Gray shirt pa rin ang panloob at prominente ang pagkinang ng piercing. Nang ngumiti siya ay mas lalo akong naguluhan. Ano ba talaga ang sadya niya sa’kin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD