He’s too oblivious and devastated to understand what I’m saying. Dinig pa rin hanggang dito ang ingay ng mga babaeng naghahanap sa kaniya na parang hindi uuwi hangga’t hindi siya nakikita. Hinahanap na rin siguro ako ni Bryce dahil sa pag-alis nang walang paalam. Hinayaan kong dumikit ang kamay ni Trio sa aking braso. Pilit kong tinitingala ang kaniyang mukha upang mas mabanaag ang kaniyang disposisyon. Ilang ulit ko nang tinanong kung bakit pinuntahan niya ako. At kung nais niya akong kausapin, tungkol naman saan? “Lasing ka,” puna ko nang humuhugot ng malalalim na hininga. “Saka mo na lang ako kausapin kung nasa katinuan ka na—” “Nakainom ako pero `di ako lasing.” Suminghal ako. “Kung hindi ka lasing, bakit hindi mo masagot ang mga tanong ko? Anong kailangan mo sa’kin? Bakit mo sinab

