Inosente kong nilipat-lipat ang tingin kay Bryce at sa babaeng ayaw tumigil sa pag-iyak. Desperado na siyang matapos ito ngunit sa lalong pagtagal ay para bang lalo pang lumalala ang tensyon. Lumakas ang kaniyang sigaw, dahilan kung bakit dumami pa ang mga nakikiusyoso sa nangyayari. Isang malakas na sampal na naman ang natamo ni Bryce nang subukan niyang hilahin palayo ang babae. Napasinghap sa gulat ang mga nanonood dahil sa lakas nito. Wala akong magawa kundi panoorin sila. Gustuhin ko mang umawat, makisali, at pumagitna, nagmistula lang akong tuod sa aking kinatatayuan. “Kaya pala isang buwan ka nang hindi nagpaparamdam? Akala ko ba space lang? Bakit may bago ka na?” Ginulo ni Bryce ang kaniyang buhok. He mouthed a curse then he shifted his eyes with anger. “Wala na tayo, Kiara. An

