Kuntento na si Kario sa desisyon niya kaya wala akong kawala. Gustuhin ko mang maghanap ng ibang masasakyan upang hindi siya sumagabal sa mga gagawin ko, wala ng ibang bangkang makikita rito kundi ang bangka niya. Silang dalawa lang naman ni Bryce ang napagpipilian kong sakyan mula nang mas mapadalas na ang alis ko sa isla. Kaysa naman puntahan ko pa ang isa gayong kahihiwalay lang namin? Habang naglalayag sa dagat na unti-unting niyayakap ng dilim, panay ang silip ko sa cellphone. Umaasa na baka mag-update si Tinio sa text kahit malabo. Mas nalalapit na kami sa Isla Capgahan kaya mas magagamit ko rin ito. I really need to help them find that clever Trivino before it’s too late. “Naghiwalay na kayo,” ani Kario sa gitna ng biyahe. Kitang kita ang paglubog ng araw na siyang sagabal para ma

