Chapter 50

2853 Words

Aliw-iw ng dagat, ihip ng hangin, hampas ng alon, puting buhangin… Wala na yatang makahihigit pa sa pagpapahalaga ko rito sa Agunaya. Ilang lugar na ang napuntahan ko ngunit ito pa rin ang islang namumukod-tangi sa puso ko. Dito na ako nagkaisip, lumaki, nagkamalay, at natuto. Dito ko naranasang masaktan, maiyak, tumawa, at higit sa lahat—ang magmahal. Looking back, wala sa isip ko na darating din ang araw na lilisanin ko ito. Hindi sumagi na magagawa kong lumipat sa ibang isla dahil sa rasong hindi ko rin inakalang mangyayari. Kung alam ko lang na aalis din pala ako para sa ikabubuti ko, sana sinulit ko na `yong mga panahong masaya pa ako. Masakit ngunit buo ang loob kong tanggapin na minsan ko na itong naging tahanan, kanlungan, at bisig sa mga panahong wala akong ibang maramdaman kund

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD