Chapter 49

2328 Words

Aligaga kong nilapitan ang bawat piraso ng ilang mga kahoy na hindi natupok ng apoy. Halos walang natira. Kalat-kalat ang mga babasaging kagamitan. Para akong tumapak sa lugar na nilamon ng impyerno. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nitong mangyari gayong mabuting tao naman si Lola. “K-kasalanan din ito ng Lola mo, Sam…” Lumuluha kong hinarap si Alania. Nakayuko siya sa `di kalayuan pero kahit na ilang hakbang lang ang layo namin sa isa’t isa, narinig ko pa ring ang mga binigkas niya. Umawang ang labi ko nang unti-unti niyang inangat ang tingin sa akin. Umiiyak na rin siya ngunit kitang kita ang alab ng galit sa kaniyang mga mata. “Anong ibig mong sabihin?” “Saan ka ba nanggaling at wala ka noong nangyari ito? Kinailangan namin ng paliwanag niya. Hiningi namin ang punto niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD