Wala akong imik habang ngumuya ng kinurot kong laman ng isda. Madilim man sa labas, provided naman sa kubong ito ang kuryente. Hindi ito tipikal na kubong basta-basta na lang makikita sa tabing dagat dahil halatang mayayaman lang ang may kayang rumenta nito. May mga nakita rin akong ganito sa `di kalayuan, siguro iisa lang ang may-ari. May mini veranda sa gawing unahan na saka ko lang napansin nang makabalik kami rito kanina. Iyon na lang din ang ibang bahagi dahil ang kainan ay halos sa gilid lang ng higaang gawa sa kawayan. Well, gawa rin sa kawayan ang buong parte ng kubong ito. Ang bubong ay gawa sa pawid na kanina’y nakita kong nababalutan ng luntiang lambat. Tahimik din si Trio sa tapat ko, nakayuko sa kinakain samantalang ako ay kunwaring namimili ng lobster sa bilao. Walang plato

