Love, as they say, will push you to your limits. Dito mo makikilala kung sino ka kahit buong buhay mo ay inakala mong kilala mo na ang sarili mo. So how could I blame Tinio? Paano ko siya masisisi kung kinumbinsi lang siya ng pag-ibig niya kay Alania? Malamig ang hamog ng madaling araw kaya isinuot ko ang jacket na aking dala. Sabayan pa ng medyo mabilis na takbo ng bangka na sinasakyan namin ngayon ni Trio. Tanging tunog lang ng makina nito ang maingay na namumutawi sa pandinig ko. Nasapawan nito ang humihinang halik ng alon sa dalampasigan dahil lumalayo na kami sa Isla Agunaya. Tacloban. Isipin ko pa lang kung gaano na iyon kalayo mula rito sa Palawan, batid kong ilang oras din ang kailangang tiisin bago namin iyon marating. Ni hindi pa ako nakatulog nang maayos kanina. Gusto ko sanan

