At some point, wala akong gustong paniwalaan. Iginigiit ko pa sa sarili ko na inosente si Lola sa lahat ng nangyayari at wala siyang kinalaman sakaling may masama ngang mangyari kay Tinio. But the way she sobs, cries, and speaks—nararamdaman kong may mali. Alam kong hindi niya ito kakayanin mag-isa kung hindi ako tutulong. Nakinig ako sa mga sumunod niyang sinabi. Nanatili sa tabi niya nang hindi nagpaparamdam ng paninisi. Kinumbinsi ko na lamang ang sarili ko na kailangan niyang mailahad ang lahat para matapos na ang problema. Isa ito sa mga unang hakbang na dapat mapagdaanan kaysa magkunwaring ayos lang ang lahat. “Habang nasa eskwela ka noon, pinuntahan niya ako rito,” maayos niyang sabi dahil sa pagkakataong ito ay nahimasmasan na siya. Marahan kong ipinatong ang aking mga kamay sa m

