Chapter 09

2171 Words
Tinio is nice. He’s a nice man at hindi ko mapapalagpas kung paano niya kinokonsidera si Trio sa kabila ng mga oportunidad na dumarating sa kaniya. Kung nanaisin din naman kasi niyang mapunta sa kaniya ang lahat, posibleng posible iyon sa Nanay niyang malakas ang awtoridad. Aminado naman akong hindi ko siya nagustuhan noong una. Siguro, kailangan lang talaga kilatisin lalo’t unang beses lang naman naming nagkita. Nang lumipas pa ang kalahating oras, nagdesisyon na siyang umalis upang bumalik sa mansion nila. Inanyayahan din niya akong sumama ngunit agad-agad kong tinanggihan. Hindi sa nahihiya ako kundi naisip ko lang si Alania. Paano kung magsalisihan pala kami? I’ve been waiting her to come back with Trio. Sakaling hindi kami magtagpo ng landas, baka mag-alala pa `yon. Ngayong mag-isa na ulit ako, sa tagal kong naghihintay ay napakain na lang ako sa biscuits na nakabalandra sa hapag. Namalayan ko na lang na nakatatlong sachet ako ngunit hindi pa rin naiibsan ang gutom ko. Akma na sana akong magsasalin ng tubig sa hindi pa gamit na baso subalit nakarinig ako ng mga yapak na ngayo’y papalapit sa resthouse. Doon na ulit nagsimulang bumilis ang t***k ng puso ko. Para akong binuhusan ng malamig dahil ngumunguya pa ako. Ininuman ko na lang ng tubig sa kagustuhang maging presentable. Pero lumalagok pa lang ako sa baso, may dumating na sa pintuan. Eventually, I stopped. Huminto ako sa pag-inom ng tubig. Marahan akong napalapag sa hawak na baso nang nakatitig lang sa mga nakatayo roon. I can’t help but feel how my heart raced as the winds outside stirred their hair. Kitang kita ang malawak na ngiti ni Alania katabi ang lalaking lagpas isang taon ko nang lihim na kinahuhumalingan. He’s so prim and handsome in his tawny-brown polo shirt and black chinos. Nang makita ko ang kaniyang sapatos, kulay kayumanggi din iyon na bumabagay sa kaniyang pang-itaas. His hair is fixed in sideways and I like how his almond eyes, high-angled brows, and downward-turned lips designed his adorable face. Hindi ako magkakamali… siya si Trio. His height is also towering. Kung hanggang balikat niya ang tangkad ni Alania, sa tantya ko ay hanggang siko lang ako. Magmumukha pa nga siguro akong bata kung tatabi ako sa kaniya. At sa itsura niyang iyan? God, sinong babae ang magsasabing hindi siya guwapo? Nanlambot ako. Ito `yong pakiramdam na hindi ko na maramdaman kay Kario. He’s not smiling. At nakapagtataka iyon dahil base sa magandang ngiti ni Alania, paniguradong masaya naman ang pinag-uusapan nila. I have’t seen that side of him yet but I’m not expecting anything. Sapat na sa akin na makita siya nang malapitan, ang mapansin niya itong presensya ko, at makilala bilang Samira Tavera. Nagpasya na akong tumayo matapos ayusin saglit ang sarili. Hindi pa sila umuusad mula sa pinto kaya ako na ang nagkusang lumapit. “Oh by the way,” ani Alania sabay lipat sa tabi ko. Kaharap na namin ngayon si Trio at ang katabi nitong pintuan. He raised his high-angled eyebrows. I even saw how the muscle on his neck protruded, as if he’s trying to scrutinize my identity. Oo, nagkatinginan kami. Shit. “This is Samira. Siya`yong tinutukoy ko,” lahad ni Al. Pagkasabi nito, saka naman siya humarap sa akin. “Sam, he’s Trio, amo ng Tatay ko—” Pinutol bigla ni Trio ang sinasabi niya, dahilan kung bakit sa unang pagkakataon, narinig ko nang malapitan ang boses niya. “A friend. I’m her friend.” Pakiramdam ko’y gusto na lang kumawala ng panga ko dahil sa gulat. I liked how he said those words with that deep husky voice. Kahit iyon pa lang ang namumutawi sa mga segundong ito, nagdudulot na `yon ng masidhing kilig sa parte ko. Natatakot ako na baka pamulahan na lang ako ng pisngi sa mismong harapan niya, at baka malaman niyang nagkakagusto ako sa kaniya. Napansin yata ni Alania na namagitan na nang matagal ang katahimikan. Nataranta na lang ako bigla nang umalis siya sa aking tabi at tumungo sa pouch na pinagpatungan niya kanina. Nang mapulot niya iyon, pumuwesto ulit siya sa tabi ko. Paano kaya niya na-handle ang sitwasyong ito nang `di parang tangang natataranta? Dahil hindi katulad ko, ang chill niya lang tingnan. Animo’y hindi isang Trivino ang kaharap namin. Para bang hindi siya natatakot magkamali ng galaw o ng sasabihin. How I wish na sana may ganiyan din akong confidence. Ngumiti nga lang ay `di ko pa magawa-gawa, paano pa kaya kung iwan niya kaming dalawa at ma-obliga akong makipag-usap kay Trio? And just as I think that, nangyari ang kinatatakutan ko… “Maiwan ko muna kayo saglit. May—” “Where are you going?” sabat kaagad ni Trio. Biglang interesado. “Kay Tatay. May pag-uusapan lang kami.” “Should I come with you?” tila nagdadalawang-isip niyang tanong. “I think it’s better if you stay here. Mag-usap kayo ni Sam habang wala ako.” Mapapatakip na sana ako sa mukha ko ngunit buti na lang ay hinawakan ni Alania ang kamay ko. It’s as if she knew it was coming at ginawan niya lang ng paraan upang `di ko maipakita kay Trio na kinakabahan ako. My palms are sweating and now she can feel it. Nang madama ko naman ang kaniya, mainit lang iyon at malambot— taliwas sa’king medyo nanginginig. “Sige, balik na lang ako mamaya,” paalam niya. Pagkaalis niya, nais ko rin sanang humakbang upang sundan siya. Nais ko sanang takasan muna ito dahil nararamdaman kong mapapahiya ako. I don’t even know what to say. At sa inisyal na napansin ko kay Trio, baka mapanisan lang kami ng laway kung hindi ako magsasalita. Tama si Alania. Tahimik nga siya. Hindi na ako sumunod. Nanatili ako sa mismong harapan ni Trio habang papalayo na nang papalayo sa resthouse ang kaibigan ko. This is her plan at nagawa niya nang maayos dahil mag-isa ko nang kasama ang taong laman halos ng magaganda kong panaginip. Ngayon ay nangyayari na. Pagkakataon ko na ito upang mas makilala siya kaya hindi ko dapat sayangin. Pero paano nga ba sisimulan ang usapan? Kukumustahin ko nga ba siya o sa ibang bagay ako babaling? Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko ay nagsimula na siyang humakbang papasok. Sinundan ko naman kaagad ng tingin at nakitang humila siya ng isang upuan. Umupo siya nang nakaharap sa akin. Nakatingala pa upang sadyaing magtama ang aming mga mata, saka nag-cross arms. My mind began tangling like a ruined haywire. Sa lalong paglipas ng mga segundo rito, lalo lang ako binabalot ng nerbyos. “U-uh…” “So how should I call you?” he asked. Bahagyang namilog ang mga mata ko dahil siya mismo ang nagtanong! Oh my God! Siya ang nag-initiate ng usapan! Inayos ko muna ang postura ng aking pagkakatayo bago sumagot. “Sam. Puwede mo akong tawaging Sam.” “Ilang taon ka na?” “E-eighteen.” “Educational attainment?” “First year college pa lang ako sa Capgahan State. Educ ang course ko,” wika ko. Inobserbahan ko ang magiging ukit ng ekspresyon niya sa bawat sagot ko sa mga tanong. Ngunit kahit na anong pag-uusisa pa ang gawin ko para lang may mahuling pagbabago sa kurba ng kaniyang labi, wala akong makita. Malamig pa rin ang kaniyang mga mata. `Di hamak na mas malamig kaysa kanina. Para bang hindi interesado. “Naging working student ka na? O hindi pa?” tanong pa niya. Teka, bakit bigla siya naging interesado roon? “Hindi pa.” “Oh… how about house chores?” “House chores?” pag-ulit ko. “Anong ibig mong sabihin?” “Sanay ka sa gawaing bahay?” Sunod-sunong akong tumango bilang sagot doon. “O-oo. Sanay ako.” “Kahit na ano?” “Kahit na ano.” Nang tumahimik siya at wala ng naitanong, para bang iyon na ang naging hint sa’kin para turn ko naman kumilala sa kaniya. Kukumustahin ko pa lang sana siya subalit para akong niyanig sa mga sumunod niyang sinabi. Nalaglag ang panga ko nang nanlalaki ang mga mata. “You’re hired,” he said as he closed his eyes, resting his back against the chair. “H-huh? H-hired? Anong ibig mong sabihin—” Muli niyang iminulat ang mga mata niya. “Your friend said you want to apply as one of our maids. So, yeah, I’m hiring you.” Pumarte ang mga labi ko nang hindi makapaniwala. Gusto ko na lang umalis at hanapin kung saang lupalop man ngayon si Alania. What the hell? Seryoso ba `to? Sinabi niyang mag-aapply ako bilang katulong sa mga Trivino? Naglaho na lang na para bang bula ang excitement ko dahil may purpose kung bakit sinadya niyang simulan ang usapan. Kaya naman pala ganoon ang mga tanong niya! I can’t believe this. Humanda talaga sa’kin ang babaeng `yon. “Uhm, puwede bang lumabas saglit?” pagpapaalam ko. “Iiwan mo ako rito? Saan ka pupunta?” “Kay Alania lang. Kakausapin ko sana siya tungkol dito.” “Anong sasabihin mo?” Napalunok na naman ako. Ang authoritative ng dating niya. Malayong malayo kay Tinio na kahit may pagka-bratinelo ay friendly naman. “Tungkol dito…” “She’s busy with her father. Hintayin mo na lang bumalik dito.” Hindi iyon suhestyon kundi utos. Isang utos na hindi ko kayang suwayin dahil kung susuwayin ko, baka maisip niyang pasaway ako. Paano ko sasabihing hindi application bilang katulong ang pinunta ko rito? I’m here to make connections with him and make my dreams come true. Nandito ako upang makipagkaibigan sa kaniya at mas makilala siya bilang isang Trio Trivino. Pero ito? Ang magmukhang katulong sa mga mata niya? Goodness. Hindi ko yata kakayanin. Ipinikit niya muli ang kaniyang mga mata habang nakahalukipkip ang mga braso. Sa puntong ito, natanto kong ginagamit na niya ang oras na ito upang magpahinga at wala nang balak pa upang subukan akong kausapin. Nalungkot na lang ako dahil naipamukha niyang `di siya interesado sa’kin. O baka naman pagod lang siya kaya mas pinipili niya lang magpahinga? Sa halip na lumabas at hanapin si Alania, umupo ako sa puwestong kinauupuan kanina ni Tinio. May namamagitan namang hapag sa pagitan namin ni Trio ngunit halos katapat ko lang siya. Iyon nga lang, itong side view niya ang nakabalandra sa aking paningin. Nakaharap siya sa bukas na pintuan, animo’y hindi lang nagpapahinga— para bang may inaabangang pumasok. Kapwa ko ipinatong sa mesa ang aking mga kamay. Kasabay nito, sinamantala ko na rin ang pagkakataon upang pakatitigan nang palihim si Trio. Nagustuhan ko kung paano dumampi sa kaniyang buhok ang pumapasok na hangin sa bintana, ang bahagyang pag-alon ng matikas niyang dibdib, at ang pagtataas-baba ng kaniyang balikat. Kahit na simpleng detalye lang ito mula sa kaniya, hindi ko maiwasang mahulog nang higit pa sa naramdaman ko noong nakaraan. He really got these features that I know I cannot see with anyone else. Kahit kay Tinio. Malaki ang kanilang pinagkaiba mula sa kulay ng buhok dahil saradong itim ang kay Trio habang iyong isa naman ay kulay kape. Magkasingtangkad lang yata at hindi magkakatalo sa mata, tangos ng ilong, at labi. Hindi ko matukoy kung sino ang mas batak ang katawan dahil halos pareho lang naman silang matipuno. Ngunit kung kilos at paraan naman ng pananalita ang pag-uusapan, masyado nang magkaiba upang ipagkumpara Totoo kaya na hindi pa talaga nagkaka-girlfriend si Trio? I mean, wala namang babaeng hindi magkakagusto sa guwapo niyang `yan. Sigurado nga, hindi na niya kailangan pang manligaw sakali mang may matipuhan siya. Madali na lang `yon sa isang tulad niyang hindi lang sa lahi pinalad; kundi sa mismo na ring yaman. Habang abala ako sa pagtitig, naagaw naman bigla ng atensyon ko ang lalaking nakatayo ngayon sa pinto. Pagbaling ko roon ay namataan kong si Tinio `yon na may dalang tray ng… pagkain? Wait, para kanino `yon? Seryoso siyang nakatingin kay Trio na ngayo’y nakapikit pa rin at nagpapahinga. Pagkaliko niya ng mukha sa akin ay saka lang gumaan ang timpla ng ekspresyon. Hindi na turquoise ang suot niya dahil pinalitan na niya iyon ng pull-over shirt. Kumusta na kaya ang sugat niya? Humakbang siya hanggang sa marating na ang hapag. Saka niya ipinatong sa harap ko ang tray at doon ko nakitang fruit salad iyon sa dalawang bowl. Nanakam ako sa itsura nito. Mukhang masarap. “What he’s doing here?” bulong ni Tinio sa aking tabi nang i-alis ang pagkakapatong ng mga bowl sa tray. Isang fruit salad para sa akin, isa rin para sa kaniya. “Nagpapahinga,” maikli kong sagot. “Tss, puwede naman `yan magpahinga sa ibang lugar. Ba’t dito pa?” Babalaan ko na sana siya dahil medyo napalakas ang pagkakasabi niya. At kagaya kanina, ibubuka ko pa lang ang bibig ko ngunit inunahan na ako ng boses ni Trio. Sabay kaming napalingon ni Tinio. “I can hear you,” Trio said, unmoving in his position. Nakapikit pa rin siya at tila ayaw humarap sa amin. “So please, shut the hell up.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD