Nakakapagod talaga ang araw araw na pag pasok sa sa school Haisst .. Pero mas nakaka pagod makita ang taong mahal mo na masaya sa iba .. I hate this f*****g feeling!. Buy the way Im Meisha Angela Griffin,
Ang babaeng nag mahal , nag assume at nag laslas .. Diba ang ganda ng pag iintroduce ko sa sarili ko kasing ganda ko .. Hahaha ..
Pero nakaka gigil lang kasi talaga eh na friendzone ako ! At ang nakakabanas pa may jowa ang lolo nyo . Impakto diba ? At dahil nga sa gaga ko eto parin ako minamahal ang taong may mahal namang iba ..
Pwede na maka receive ng award diba? Most outstanding sa katangahan..
Alam kong malandi sya pero choice kong mainlove sa kanya . Kaya eto ako gagang gaga sa sarili ko .. Kasi mahal ko parin sya ..
Meisha bess tama na drama hindi ka makukuhang artista .. - iyah
Oo nga sis di kanaman nag o audition eh ! - elaj
Problemado kana sa lovelife tapos may mga ganto ka pang kaibigan . Nakaka praning na talaga !! Hiramin nyo nga muna tong mga epal na to. ng makatikim naman ng konting ginhawa sa buhay!.
Karlo ! I miss youuuuuuuu !!!!!!!
Sigaw ko sabay shot ng alak na hawak ko ano banaman kasing buhay to ! Wag nyo ko masisi sisi kung bakit nag kaka ganito ako.
Wala na ngang pakealam saakin ang parents ko. Nagoyo pa me is real.
Senior high palang ako at ang bata bata ko pa pero pakirdam ko pasan ko ang mundo !
Bakit kasi first time ko mainlove sa maling tao pa ? Ganto ba talaga yung pakiramdam na ma friendzone ! Shutang ina mga bess !!
Pinakilig pero di inibig!
Eto na ang una at huling pag kakataon na ma friend zone ako.
Ako na isa sa pinipilahan ng madaming lalaki para ligawan. Na friend zone?
Buhay nga naman ng tao parang life!!
Bakit kasi ang mga lalaki nayan ang hilig mag bigay ng motibo pero di kana man pala gusto ! Tapos sasabihin sayo kaibigan lang ang tingin sayo..
Napaka sweet at napaka concern sayo pero ang totoo? Assumerang frogii ka lang!
Pina inlove ka tapos sa huli sasabihin sorry KAIBIGAN lang ! E kung itulak ko sya mula sa rooftop ng university tapos sabihin ko SORRY SINASADYA ? ...
Hay buhay .. Nga naman ng tao oh .. !
Meish tama na madami panamang iba dyan ! - iyah
Oo nga sis di lang sya ang lalaki sa mundo no !
Hirit ni elaj ..
Di nga lang sya ang lalaki sa mundo pero sya ang gusto ko huhuhuhu !!
With matching hagulgol pa yan . Bakit kasi ganon ? Bakit makaka kilala ka ng tao na magugustuhan mo pero di naman pala para sayo !?
Ang reason para next time pag pumili ka alam mo na kung sino ang dapat ? Pano kung pakiramdam mo sya yung dapat pero mali padin pala ?
Nakaka punyeta Diba?
Lalo na kung trip ka ng tadhana pag tripan !
Pashnea !!! (wow lakas maka encantadia)
Pero hindi nga back to reality tama naman ako diba ? Huhuhu ..
Pag katapos namin mag inuman nag kanya kanyang uwian na kami . Pag dating ko sa bahay di na ko kumain dumeretcho na ko agad sa kwarto ko at nag umpisang humagulgol ..
Tang ina kasi e . Huhuhuhu iyak ko habang yakap yakap ang unan ko . Na naging bestfriend ko na simula nung mabroken hearted ako kay karlo ..
Si karlo .. Si karlo na gwapo na nakasama ko sa inuman . At nahulog ang loob ko . Na di ako sinalo . Si karlo na may jowa huhuhuhu ! Si karlong gago !!
Si KARLOOOO !!
KARLO !! TANG INA MO !!!
Sigaw ko sabay iyak.!
KINABUKASAN -------
Nandito na ko ngayon sa room namin muntik pa ko malate kanina haisst . Naka tulugan ko lang ang pag iyak ko kagabi . Halos araw araw ata umiiyak ako dahil sa gagong yon..
Tinignan ko sya na nakikipag tawanan sa katabi nya . Napansin nya atang naka tingin ako . At nginitian nya ko . Syet bat ang gwapo nya .. Bulong ko na narinig naman ng gagang katabi ko ..
May 'jowa' naman..
Talagang pinag diinan pa ni elaija yung word na jowa . Alam ko naman yon . At ano naman ang magagawa ko dun ? Hayaan nalang . Wala naman ako magagawa..
Classmate namin si karlo.. oo kaya mas lalong mahirap mag move on pag ganito diba ?
Yung kahit gusto mo na makalimot sa sakit na dulot nya. Kung madalas pa sa madalas mo sya makita ay tang ina!
Mag kano ba ang lubid ng maka pag bigti na!
At balita ko pa nag mamahalan sila ng wagas . Edi sila na nag mamahalan ! Humayo sila at mag pakarami..
Ang bilis ng oras at natapos na ang school hour namin .. Kanya kanyang uwian na . Ako lang mag isa ngayon . May lakad kasi si elaj. At si iyah naman ganon din ..
Di man lang sinabing kung saan mga nag sipunta! mga hayup nayon.. Mga kaibigan ko ba talaga yon ..
Nag lalakad ako sa daan ng biglang ..
Beeeeeppp !
Beeeepppp !!
Ano ba ! Tanga ka ba ! Kung mag papakamatay ka wag ka mandamay mag lason kana lang !
Sabi nong lalaki ? Parang hindi ? Parang tibo eh ? Aa ewan ! Basta tao nalang !
Sabi nung taong bumaba sa sasakyan . Aba gago to ah .. Humarap ako sa kanya .. Ako ata si meisha angela griffin hindi nag papatalo !
E kung ikaw kaya ang lasunin ko ! Ang laki laki ng daan--
Ang gwapo syette !
[yun na nga e ! Ang laki laki ng daan tapos paharang harang ka dyan ! Insane !
Pinutol nya agad ang salita ko..
Aba ! Talagang hayop sa kapal ang muka nito ah ! Gwapo nga walang hiya naman! A -ako ? Insane ? Wtf !
Unti unti syang lumapit saakin at biglang naging kalmado i mean naging maamo ..
Cute huh? Napapa ngiti ako pero pinipigilan ko. Baka kung ano pa sabihin ng taong to at mabatukan ko ng tatlo..
Are you ok ?
Tanong nya saakin nagulat naman ako. may sapak ata to kanina galit na galit. Sabi pa mag lason nalang ako. Tapos ngayon tatanungin ako if OK ako? Sya ang baliw hayup!
tinignan ko sya sa mata pero di ako nakatagal di ko maipaliwanag kung bakit at nag walk out nalang ako ..
I think lesbian sya pero nakaka mangha naman ang tangkad nya ? Bukod dun hindi halata ah . Kung di mo lang kikilatisin maigi .
Pati boses lalaki e .. Siguro trust gender ? Ang bata namang trust gender non.. Hahaha
Iba na talaga panahon ngayon mukang mayaman . Malamang mayaman naka Jaguar car e ! Hay nako kahit kelan talaga !
Meisha ! Maganda kalang ! Maganda ka lang talaga pero gaga ka.. Sabi ko sa sarili ko ..
Maganda naman kasi talaga ko.
Hahahaha
Pag uwi na pag uwi ko ginawa ko muna yung mga dapat ko gawin . Nag papa kabusy ako para hindi mag isip mamaya pag pasok ng kwarto ko ..
Pag nasa kwarto kasi ako nag iisa? Lagi ko naaalala si karlo at ang scene kung pano ko nasaktan ng sobra..
Kung may buhay lang siguro ang unan ko . Pinag sasapak na ko sa sobrang kagagahan ko ..
Nag linis ako ng bahay . Nag luto , kumain , nag half bath , at ginugol ang buong oras sa homework ko ..
Eto lang siguro yung magandang katangian ko .. Na kapag may pinag tutuunan ako ng pansin ? Naka focus lang talaga ko sa bagay nayon..
Kaya bago pa ko mabaliw inasikaso ko na ang home work ko ..
Yessss !!! Im doneeee !
Sigaw ko hahaha !! Ang sarap lang sa pakiramdam . Pakiramdam ko pagod na pagod ako haisst humiga na ako sa kama ko .. Ng biglang may nag sink in sa utak ko ..
Yung mata ng taong yon .. Ang ganda . Kasing ganda ko .. Hahahaha joki joki .. Pero ang ganda ng mata nya sana akin nalang sya . Ay mali ! Sana akin nalang yung mata nya ..
Wag na pala sama ng ugali insane daw me ? Duhh ang ganda ko namang baliw..
At tsaka ko ipinikit ang magaganda kong mata at sisimulan ng matulog ng mahimbing para tahakin ang kapalaran ng araw ko bukas ...
Goodnight earth ...
Hindi good bye earth ha? Ayoko na pala mag bigti .. Di pa ko nag kaka lovelife eh! Hahahaha