IIWMSS
Walang masama sa pag mamahal. Walang masama na mag mahal at mahalin..
Maging anong uri kaman ng tao. Tao ka padin hindi ka banal. Walang taong banal..
Mukang basura at ugaling imburnal meron...
Sa panahon ngayon .. Madami ng hindi tama sa paningin ng ibang tao pero tama para sayo .
Sa panahon ngayon kahit alam mong may mga mapang husgang matang nakatingin sayo . Basta ginusto mo , Go ka lang ng Go .
Parang internet connection lang diba ? Kahit alam mong may problema ang system .. Sge ka parin ng sge ..
How you told life is pair if every you do Have not valid reason to do it . Ano daw? Hahahaha!
Isa lang ang ibig sabihin nyan .. Kapag gusto mo kahit alam mong mali. Gagawin mo. Kahit walang pag asa manalo tataya ka. Susugal ka kahit di mo sigurado kung may nag aantay na premyo sa dulo.
Kapag ginusto mo kahit hindi ka sigurado susundin mo yung nararamdaman mo . Dahil kahit mali para sa kanila ? Tama yun para sayo ..
Ang maiinlove ba sa may katulad mong kasarian ay masasabi mong tama ? O mali ? Pwede ba o hindi?
Kaya mo bang pigilan ang nararamdaman mo ? Taliwas sa iniisip mo ?
Makakaya mo ba lunukin ang sarili mong pananaw ?
Kaya mo ba aminin at sabihin ang nararamdaman mo?
O iisang tabi mo nalang ang gusto mo?
At higit sa lahat. Kaya mo ba ipag laban ang nararamdaman mo ?
Ipag laban ang pag ibig na hindi naiintindihan ng marami..
Ipag laban ang nararamdaman na maraming nag sasabing mali..
Hindi tama..
Hindi pwede..
Ipahayag sa lahat ang pag ibig na tututolan ng napaka rami.
Ipag malaki ang pag mamahal na huhusgahan ng libo libong tao.
Tignan natin kung kaya mo ? Kasi ako ? Hindi ko alam ang sagot sa tanong ko ..