SEPTEMBER 1 Malapit lapit na dahil last week na ng August at kukuha na kami ng exam. Masasabi kong may naipon na'ko. Pwede ko ng ipasyal si Dewlon na ako ang manlilibre. Kahit ayaw niya, pipilitin ko parin siya na hayaan akong magbayad. Sisiguraduhin 'kong magiging masaya si Dewlon sa araw ng birthday niya. Plaplanuhin ko ng maayos para walang sablay. Habang nagplaplano ako at nagbibilang ng pera sa kwarto ko ay biglang may nahulog na papel na nakacrumbled sa sahig galing sa bintana ko. Nilapitan ko ito at binuksan. May laman itong maliit na bato. Binasa ko ang papel na may sulat kamay ni Dewlon. Let's study. I'll come to your room. Napangiwi ako. Aral nanaman? Huhuhu! Nagkaroon nga ulit ng time si Dewlon sakin dahil isa nalang ang kurso niya pero tinatadtad niya naman ako ng aral. P

