The Beginning
This is unedited if you ever encounter grammatical errors and such, I would like to apologize in advance :)
***
Bakit kaya kapag nagmamahal tayo, kailangan pang masaktan?
Nagmamahal naman tayo ng tama pero bakit parang mali parin?
Siguro karugtong na ng LOVE ang PAIN.
Na kahit anong gawin mong pag-iingat at pagpapasaya ng relasyon ninyo hindi mo parin maiiwasan na may masaktan. May magtatampo, may malulungkot at may magseselos.
Pero kung wala ang mga ito, LOVE parin kaya ang tawag?
Para sakin hindi puro saya lang ang pag-ibig. Kailangan pang masaktan para mas tumibay ang nararamdaman ninyo.
Pero hanggang kailan mo kaya kayang masaktan para sa taong mahal mo?
Hanggang kailan mo kaya kayang tiisin kung hindi mo na nararamdaman ang pagmamahal na pinaparamdam niya noon sayo?
Kaya mo pa bang mahalin ang isang taong wala ng ibang ginawa kundi saktan ka?
Pero paano na ang ilang taong paghihirap mo para mahalin ka pabalik ng taong mahal mo na masasayang na lang kung susuko kana kaagad?
Pero paano naman kung halos ipamukha na sayo na wala na? Walang wala na.
"So that's for today, guys. See you next time. You've done a great job!" paalam ni Marjorie.
"Bye, Marj!" paalam din namin at saka kami lumabas ng kwarto.
Kakatapos lang ng guitar lesson ko. Kumuha ako ng summer class para dito kasi gustong gusto ko talagang matuto ng gitara.
Gusto ko sana si Dewlon magturo sakin pero masyado siyang busy sa training niya sa kompanya. Tsyaka sabi niya hindi naman talaga siya marunong tumugtog.
Nung tinugtugan niya ako ay tumatak na sa isip ko na mag-aaral ako kaya kada summer nagpapaturo ako.
Magsesecond year na kami ni Dewlon sa pasukan. Tinitake niyang kurso ay business ad. Buti at pinayagan na siya sa gusto niya. Kaya ngayon napaka-advanced niya na. Parang kaya niya ng humawak ng isang kompanya. Dahil genius nga siya.
At isan taon na pala kami ni Dewlon. Walang nagbago sa pakikitungo niya sakin. Ang nagbago lang ata ay mahal na namin ang isa't-isa.
Minsan lang siya malambing pero madalas sweet. Hanggang ngayon, walang pagbabago kahit busy na siya.
Pagkalabas ko ng building ay nakita ko kaagad ang sasakyan ni Dewlon nakaparada sa tapat ng building at nakasandal siya sa doon.
Nakahalukipkip siya at suot-suot ang navy blue niyang long sleeve polo na tinupi niya pataas. Kaya naman mas lalo siyang gumwapo!
Lahat ng napapadaang estudyanteng babae ay napapatingin sa kaniya pagkatapos titili.
"Junnie Mari!" sigaw ko sa kaniya.
Napatingin naman ang mga babae sakin pati narin si Dewlon. Nanlaki ang mata niya sa pagtawag ko sa pambabae niyang pangalan.
Napapikit siya ng mariin dahil nahihiya talaga siya kapag tinatawag ko siyanf Junnie Mari o kaya naman Dewdew.
Lumapit ako sa kaniya ng nakangiti habang siya sinasamaan ako ng tingin. "Really? Teasing me again?" tanong niya.
Ngumuso ako, "Ayaw mo kasi ng call sign eh! Tara na, Dewdew." sabi ko sabay pasok sa loob ng sasakyan niya.
Kung nagtatanong kayo. Bago na ang sasakyan niya. Yaman talaga! Hindi na siya PORSCHE kasi pang-teen ager lang daw 'yun. Feeling naman niya matanda na siya.
Padabog na pumasok si Dewlon sa loob. Pinaandar niya na ang sasakyan. "Where do you want to go, flat pig?" seryosong tanong niya.
Pinanlisikan ko siya ng mata, "Ay gumaganti? Hindi naman ako flat, ah? Lumaki kaya siya!" sabi ko sabay tingin sa dibdib ko.
Bigla ko namang naramdamang may tumamang malambot na bagay sa ulo ko. Yun pala hinagisan ako ni Dewlon ng teddy bear na may puso tapos may I LOVE YOU pa na nakadrawing sa heart. Ito pala yung teddy bear na pilit kong pinakuha kay Dewlon nung nagkaroon ng funfair sa Wadeford.
"Wag mo ngang tignan ang dibdib mo. Para sabihin ko sayo, walang kinaibahan yan sa likod mo." seryosong sagot niya pero halatang nang-aasar.
Pinaandar niya na ang sasakyan at nagsimula ng magmaneho.
Ngumuso lang ako sa kaniya. "Pero mahal mo naman ako diba? Kahit ganito ako diba? Kahit panget ako? Kahit di ako sexy? Kahit walang boobs?" tanong ko sa kaniya sabay sundot ng braso niya na sobrang tigas.
"I didn't love your appearance, stupid. If that's the reason why I love you then I wont be with you for that long." sabi niya at bahagyang tumawa.
Ngumiti ako ng malapad. "Sorry kung nagustuhan kita noon dahil ang gwapo mo. Sobrang crush kita dahil gwapo kana nga matalino pa. Pero nung malaman kung ang sungit sungit mo talaga at sobrang suplado. Sinabi ko sa sarili ko na bakit pa kita nagustuhan. Pero kahit anong gawin ko. Ikaw parin yung gusto ko. Bigla ko nalang natanggap na masungit ka." sabi ko sabay himas ng teddy bear na hindi siya tinitignan habang nakangiti.
Nang silipin ko siya ay nakangisi siya ng konte. "Kahit lagi kang regla mode on sakin, kayo ng mga kapatid mo, ayos lang. Masaya ako dahil kasama kita sa iisang bubong. Tanggap ko ang pagkasungit mo. Ganon siguro kita talaga ka mahal." sabi ko sa kaniya at hinalikan ang teddy bear.
Pagkatingin ko sa kaniya ay nakakunot ang noo niya, "Who's your talking to?" tanong niya.
Kumunot ang noo ko, "Ikaw? Bakit?" tanong ko.
"Then why did you kissed that teddy bear and not me? I am the one you said you love, right?" nakakunot noo paring sabi niya.
Tumawa ako, "Mamaya nalang. Yung matagal." biro ko.
Bigla siyang napapreno. "Sh*t!" bulalas niya. Maraming bumusina sa kaniya sa likod. Agad naman siyang nagpatuloy sa pagmamaneho.
"Damn girl" sabi niya at umiling iling habang nakangisi.
Bahagya akong tumawa, "Bakit? Ano ang ginawa ko?" tanong ko. Nahahalata niya bang inaasar ko nanaman siya? Ang sarap lang talaga niyang mahalin-ah este asarin pala.
Umiling iling siya. "Wala. Pupunta tayo ngayon sa condo ko." sagot niya.
Nanlaki ang mata ko. Anong gagawin namin doon? Napalunok ako sa naiisip ko.
Napatingin ng seryoso sakin si Dewlon, "You better text Tita right now. Matatagalan tayo sa condo ko. Diba sabi mo, yung matagal?" seryosong sabi niya at binilisan ang pagmaneho.
Halos lumuwa na ang mata ko sa gulat. Ang bilis ng pintig ng puso ko. OMYGAS! Matagalan na halikan ba? EXCITED ATA AKO!
Habang ako tulala pa sa sinabi ni Dewlon at iniisip kung anong pwedeng mangyari mamaya ay tumunog ang phone ni Dewlon.
Agad niya itong sinagot. "Hello?" supladong sagot niya sa kabilang linya.
Tumunog din ang phone ko at nakitang si Nicaela ang tumatawag. Sinagot ko ito kaagad.
"Hello, Nics?" sagot ko sa kabilang linya.
"Magkasama kayo ni, Montesor diba?" tanong niya. Napatingin naman ako kay Dewlon na may kausap din sa phone.
Nakakunot ang noo niya at halatang ayaw niyang kausapin ang kausap niya sa phone.
"Yep! Bakit?" tanong ko pabalik.
"Good! So, pauwi na kayo diba? Diretsyo na kayo dito sa pent house nila Kram. Welcome party ni Dreena." sabi niya.
N
anlaki ang mata ko, "Dumating na siya? Kailan pa?" gulat na tanong ko.
"Kanina lang. So, be here around six o' clock. Pilitin mo si Dewlon, ha? You know how kill joy he is. Sige, bye!" sabi niya at binaba na ang linya.
Pagkababa ko ng phone tumingin kaagad ako kay Dewlon na kakababa lang ng phone niya.
"Pinapapunta tayo sa pent house ni Kram. Welcome party ni Dreena. Are we in?" tanong ko sa kaniya.
"Ano pa nga ba? That's your friend right?" patanong na sabi niya at bakas sa boses niya ang pagkadismaya.
Napangiti ako, "Ayaw mo ba? Ang suplado mo nanaman, Dewdew ko." sabi ko habang nag papacute.
Umirap siya, "Again with that stupid nickname..." sabi niya.
Ngumiti ako. "Pwede ba nating sunduin si Kyona? Alam kong miss niya na si Dreena." malungkot na tanong ko.
Napatingin siya sakin, "Are they cool now?" tanong niya. "It's been years..." dugtong niya.
Umiling ako, "Hindi pa, pero alam kong malapit na." sagot ko.
Umalis si Dreena ng Pilipinas. Hindi sila magkasama ni Kram. Naguguluhan nga ako dahil kung kumilos sila ni Kram ay parang hindi sila mag-syota. Isang taon nadin doon si Dreena. Ewan ko lang kung babalik pa siya.
Sinundo nga namin si Kyona sa bahay nila. Nagtaka pa nga ang bruha kung bakit ko daw siya sinama sa pupuntahan namin ni Dewlon. Ayokong sabihin na pupunta kami sa pent house ni Kram para kay Dreena kasi alam kong di siya papayag sumama.
"Hay nako. Sinamasama niyo pa ko sa date niyo. Kapag ako na-OP sa inyo, lagot kayo sakin." pagbabanta ni Kyona.
Natawa nalang ako. Pagkababa namin ay agad akong sumabit sa braso ni Kyona.
"Oh ayan ha? Di ka magiging OP." sabi ko.
Tumawa nalang kaming dalawa. Nilingon ko si Dewlon na nakahalukipkip na seryosong nakatingin sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Ano?" tanong ko.
"So I'm going to be the one who is out of place here?" seryosong tanong niya.
Ngumiti ako at hinila ko si Kyona papunta sa kaniya at kumabit din sa braso niya.
"Tampo naman agad si Dewdew." sabi ko at hinila na sila papasok sa pent house.
Ramdam kong natigilan si Kyona ng malaman niyang pent house ito ng mga Andremayo.
"Kirt, bakit dito? Anong meron" tanong niya na parang nasesense niya na ang punta namin dito.
"Magpaparty lang tayo, Kyo. Tara na." sabi ko sa kaniya at hinila na siya ulit.
Agad kaming pinapasok. At pagkapasok namin ay agad sumalubong samin ang iba't-ibang kulay ng ilaw at ang nakakabinging music.
Maraming taong nagsasayawan kahit ala sais pa lang naman ng gabi. Agad kong nakita si Nicaela kasama si Zander.
"Oh andyan na pala kayo!" sabi ni Nicaela na may hawak na wine glass.
"Uy, Minor ka palang ah." puna ko sa kaniya.
Umirap si Nicaela, "Magbibirthday naman ako next next week so it's okay." sabi niya.
"C'mon guys. Nandoon si Dreena sa taas kasama si Kram." sabi ni Nicaela at tinuro ang taas kung saan may pangalawang palapag pa ng mga taong nagsasayawan din.
Napabitaw si Kyona sa braso ko kaya naman tumingin ako sa kaniya.
"Kirt uuwi na ako." sabi ni Kyona at tumakbo paalis pero hinawakan ko ang braso niya.
"Kyona hanggang kailan pa ba? Magkaayos na kayo ni Dreena..." pakiusap ko.
Bakas sa mukha niya ang pangamba. Tumungo lamang siya at hindi makatingin sakin. "Kirt, please. Hayaan mo muna akong mag-isip. Hindi na ito tungkol noon, tungkol kay Kram. Tungkol na to ngayon sakin..." malungkot na sabi niya at inalis ang kamay kong nakahawak sa braso niya pagkatapos ay umalis.
Dalawang taon na ang nakakalipas ng mabuwag ang pagkakaibigan nila ni Dreena ng dahil kay Kram. Sa taong parehong minamahal lang naman nila.
Naramdaman ko ang kamay ni Dewlon na humawak sa bewang ko pagkatapos inilapit sa kaniya. Napatingin naman ako sa kaniya.
"They're staring at you..." bulong niya sabay kagat ng labi niya at mas lalo akong inilalapit sa kaniya habang naglalakad kami.
Napatingin ako sa paligid namin. May isang grupong lalake na nakatingin sa direksyon ko pero agad silang umiwas ng tingin.
Napakagat ako ng labi. My gosh! Ang gwapo talaga ng boyfriend ko! Nagseselos na agad siya sa tingin lang? OMG! Halikan kita, Dewdew sa harap nila gusto mo?
Nang makaakyat kami nakita ko kaagad si Dreena. Sobrang gumanda siya lalo. Ang medyo kulot na buhok niya noon ay pinaputulan niya na ng short tapos medyo kulot konte tapos blonde na ang buhok niya.
Tumakbo palapit sakin si Dreena. "Kirt! I miss you!" sabi niya sabay yakap sakin.
Yinakap ko siya pabalik. "I miss you too, Dre. Ang laki ng pinagbago mo ah? Gumanda ka pa lalo..." masayang sabi ko.
Tumawa siya, "Flattered! So kayo na pala ng crush mo! Congrats ah!" sabi niya sabay tingin kay Dewlon pagkatapos sakin.
Tumawa din ako, "Syempre! Destiny kami eh. Eh ikaw? Kay Kram parin ba?" tanong ko.
Nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Ahmm..yeah. By the way, where's Kyona?" malungkot na tanong niya.
"Umuwi na siya. But don't worry magkikita din kayo." masayang sagot ko.
Doon nag-college si Dreena sa Canada. Hiwalay sila ni Kram dahil naiwan siya dito sa Cebu. At medyo nagulat ako na sila parin kung nung umalis siya ay halos lahat ng babae nilalandi niya. In short, nagbago si Kram. Naging playboy pero linchak matalino parin.
Tumango siya pero halatang nalulungkot siya, "I hope she's not mad anymore." sabi niya.
Basi sa pagkakasabi ni Kyona kanina. Mukhang wala na siyang galit kay Dreena. Mukhang miss na miss niya na nga si Dreena eh.
Nagkwentuhan lang kaming lahat. May mga kaibigan si Dreena na hindi ko kilala pero kilala nila Zander. Wala si Kram kaya nagtaka ako dahil sabi ni Nicaela nandito daw sa taas.
"You know, Dre? Why don't you leave the asshole. Pambababae lang ang inaatupag." sabi ng isang kaibigan ni Dreena.
Matipid na ngumisi si Dreena, "Can't. I really can't..." sabi niya sabay inom ng wine na nasa wine glass.
Sinubukan kong galawin ang binigay ni Nicaela saking wine glass pero biglang may kumuha ng kamay ko.
Nagulat ako sa ginawa ni Dewlon. Agad niyang pinagsiklop ang daliri namin.
"Behave." supladong utos niya.
Ngumuso ako pero at the same time ngingiti ngiti. The eff talaga! Oo kami na ni Dewlon pero kinikilig parin talaga ako sa kaniya. Letsi.
Pero kapag ganito si Dewlon alam niyang pasaway ako. Ang isang kamay ko naman ang ginamit ko para makuha ang wine glass na nasa lamesa.
"Damn it." bulalas niya sabay hawak ng kamay ko na 'yun habang hindi binibitiwan ang isa ko pang kamay.
Kaya ang posisyon namin ngayon ay parang maghahalikan kami.
"Uyyy, get a room wil ya!" biglang hiyaw ni Nicaela.
Nagtawanan ang mga kasama namin doon. Kaya nakitawa narin ako. "Excuse us..." sabi ni Dewlon sabay hatak sakin paalis doon.
Ayan na. Ayan na. Beastmode na siya. Wahahaha.
Nanlilisik ang kaniyang mata ng tignan niya ako pagkalabas namin ng pent house.
"You really like teasing me are'nt you?" supladong tanong niya sabay sakay sa sasakyan niya.
Ngumuso ako, "Konte lang naman, eh." sagot ko habang sumunod sa kaniya sa loob.
"You dont know how hard of you to control when you're drunk." nakasimangot na sabi nito.
Sa sinabi niyang 'yun parang gusto ko tuloy maglasing. Ang sarap lang talaga asarin si Dewlon.
"Ayaw mo na ba sakin? Hindi mo na ba ako kayang mahalin?" tanong ko sa kaniya ng seryoso.
Syempre paawa effect lang. Drama on nanaman para pagbigyan niya naman ako. Wala na kasing effect yung pa-cute ko eh. Kinukurot niya lang ako pag ganun pero kapag drama on na ako, bibigay na yan.
Bahagyang nanlaki ang mata niya, "What are you talking about?" tanong niya.
At hindi talaga niya alam ang salitang biro kaya ayan seryoso na siya masyado.
"Eh kasi sabi mo mahirap ako panghawakan kapag lasing tapos..."
"I said when you're drunk only. Even though parang pareho lang naman." giit niya.
Ngumuso ako. "Kita mo na? Ayaw mo na ba sakin, Junnie Mari? Sige ka ipagkakalat ko talaga ang pangalan mong pang babae. Sige k--" hindi ko na napatapos ang sasabihin ko ng bigla niyang nilapit ang mukha niya sakin.
"Do you really want to know what I feel to you? Ha, Eunice?" seryosong sabi niya.
Ako naman parang maduduling na sa sobrang lapit niya sakin na halos magdikit na talaga ang ilong namin sa isat-isa.
Napalunok ako ng ilang beses ng tumitig si Dewlon sa labi ko.
Unti-unti niyang nilapit ang labi niya sa labi ko. Napapitlag ako ng kadatin niya ang labi ko pagkatapos lumayo siya sakin at pilyong ngumiti.
Sobrang nag-init ang katawan ko sa ginawa niya at yung mukha ko pakiramdam ko pulang pula. OMG! Kinagat niya ba talaga ang labi ko? What the f**k!
Hindi parin ako makaget over sa ginawa niya kaya natulala ako.
Ngingiti-ngiti si Dewlon habang pinapaandar ang sasakyan niya.