"Good morning world!" masigla kong sabi pagkabukas ko ng bintana ko.
Napanguso nalang ako ng makitang sarado ang bintana ni Dewlon. Wala na pala si Dewlon sa bahay nila. Nakakamiss na siyang kausap sa bintana.
Mas malapit kasi yung school namin sa tinutuloyan niya. Sabi nga ni Ninang magsama nalang kami sa iisang condo pero syempre ayaw nila Mama at Papa.
Syempre kami na daw. Baka may mangyari. Sus! Kung alam lang nila Mama at Papa. Hindi ata na tuturn on sakin si Dewlon. Hanggang halik lang siya. Charot! Pero alam ko, may respeto sakin si Dewlon.
Hindi na kami pumunta sa condo ni Dewlon kasi hinahanap na ako nila Mama kaya hinatid niya nako sa bahay tapos dumaan sa bahay nila tapos nagpaalam ng umalis.
Syempre dismayado ako kasi paano nayung matagalang kiss namin? Ayaw nya nun? Mauudlot nanaman? Charot! Feeling ko ang landi landi ko na talaga sa mga iniisip ko.
Naligo nako at nagbihis. Pupuntahan ko ngayon si Kyona sa trabaho niya sa seven eleven. Bakasyon naman kaya naghanap siya ng mapagkakaabalahan at pagkikitaan.
Out niya naman mga 1pm pagkatapos ng klase ko sa guitar lesson kaya pasyal pasyal muna kami. Actually ako lang ang nagplano nito kasi gusto kong mag-sorry sa ginawa ko at makapagkwentuhan din.
Bitbit-bitbit ko ang gitara ko pababa. "May klase ka ba?" tanong ni Mama habang nakaupo sa sala nagkakape.
Tumango ako, "Opo! Doon nalang po ako kay Kyona mag-aalmusal." sagot ko.
"Oh sige, mag-ingat ka." sagot ni Mama.
Pagkarating ko ng seven eleven ay nakita ko kaagad si Kyona sa loob sa counter. Nang magtama ang mata namin ay ngumiti siya.
Bumuntong hininga ako. Salamat naman at mukhang di naman siya galit sa ginawa ko.
Pumasok ako. Dumiretsyo kaagad ako sa may mga hotdogs para bumili at kainin. Pagkatapos pumunta nakong counter.
"Good morning, Kirt. Hot chocolate?" tanong niya ng nakangiti.
Tumango ako at nginitian siya pabalik. "Yes, please." sagot ko.
"Napadaan ka?" tanong niya habang nilalagay sa tray ko na may lamang hotdog na may tinapay ng nakapack na ketchup at mayonaise.
"Dinadalaw ang bestfriend ko." ngiting sagot ko sabay bigay sa kaniya ng bayad ko.
Bahagya siyang tumawa at tinanggap ang pera ko. May pinindot siya sa cashier box bago bumaling sakin.
"Well, hindi kita maaasikaso. Alam mong busy ako." sagot niya sabay bigay ng sukli ko.
Tinanggap ko 'to. "Alam ko. Kakain lang ako dito pagkatapos diretsyo nako sa guitar lesson ko pagkatapos babalik ako dito sa oras ng out mo. Gala tayo." sabi ko.
Ngumiti siya ng malapad. "Sige. Hintayin kita dito." sagot niya sabay talikod sakin para gawin ang hot chocolate ko.
Tumango ako, "Ahmmm, yung kagabe pala..."
Humarap siya at dala na ang hot chocolate ko pagkatapos nilagay na sa tray ko.
"Ayos lang. Makikipagkita naman talaga ako kay Dreena, Kirt. Hindi muna ngayon.." sagot niya.
Ngumiti siya bahagya, "Sige na, kain kana doon." sabi niya.
Tumango nalang ako at dinala na ang tray ko sa bakanteng table doon sa gilid ng glass wall.
Habang kumakain ako ay tumanaw tanaw ako sa labas ng seven eleven. Ang ganda talaga ng panahon ngayon.
Ano kaya ang ginagawa ni Dewdew ngayon? Gising na kaya siya? Natanggap niya ba ang good morning message ko?
Maaga pa pero halos puno na ang loob ng seven eleven pati sa labas dahil meron ding table sa labas ng glass wall.
Nakita kong may umupong lalake na may dalang gitara na umupo sa table na katabi ng table ko. Pinagigitnaan kami ng glass wall. Siya sa labas at ako naman sa loob.
Naka-cap siyang itim at nakasando tapos naka-khaki short. Maayos naman ang mga braso niya. Hindi payatot, hindi din mataba. In short, medyo hot. Bakit medyo? Kasi si Dewdew ko 'yung hot. Hihihi!
May kape siyang iniinom at siopao. Tinitigan ko ang mukha niya. Ang puti niya, matangos ang ilong at ang pula ng labi.
Nagulat ako ng magtama ang tingin namin pero hindi ako biglang umiwas kasi ramdam ko kaagad ang lamig ng tingin niya. Pakiramdam ko napakasuplado ng lalakeng to.
Umirap nalang ako. Feeling niya naman sobrang gwapo niya. Tsss....
Okay gwapo siya pero mas gwapo parin ang Dewdew ko.
Pasulyap sulyap ako sa lalakeng yun. Ugh! Hindi ko talagang maiwasang sumulyap sa kaniya. Paano ba naman kasi hawak hawak niya 'yung gitara niya at nagstru-strum siya. Mukhang professional siya.
Nagulat ako ng biglang may kumalabit sakin. "Ay gwapo!" gulat na sabi ko.
Tumawa si Kyona, "Huli ka! Gwapong gwapo ka naman diyan sa tinitignan mo." sabi niya sabay nguso sa lalake sa labas.
Umiling-iling ako. "Hindi nu!" tanggi ko.
Tumawa ulit siya, "Halata ka masyado bestfriend." sagot niya at umupo sa harap ko.
"Oh, diba busy ka?" tanong ko sa kaniya dahil wala na siya sa counter.
"Dumating na 'yung talagang nasa-cashier. Taga-ligpit lang muna ako ng kalat tsyaka wala naman 'yung manager namin." sagot niya at tumingin sa labas.
Tumingin din ako sa labas. Nakita kong paalis na pala 'yung masungit na lalake.
Napairap nalang ako. "Alam mo? Ang sungit ng aura niya. Tss..." biglang sabi ko.
Tumaas ang kilay ni Kyona sakin at bakas sa labi niya ang nakakalokong ngiti.
"Sinasabi na nga bang tinititigan mo, eh." panunukso niya.
Pinanliitan ko siya ng mata, "Ano kaba. Wag ka ngang manukso ng taong may boyfriend na." puna ko sa kaniya.
Tumawa siya. "What? Hindi ko naman sinabing mahalin mo, eh. Team Kirtlon kaya ako kaya bakit naman ako magshi-ship sa iba?" sagot niya.
Bahagya akong tumawa, "Tsss, oo na tinitignan ko na siya kasi may gitara siya tapos nung nahuli niya kong nakatingin sa kaniya parang nagalit. Parang ayaw niyang may tumitingin sa kaniya..." kwento ko.
Tumawa ng malakas si Kyona. "Nahuli ka niya? Shet, nakakaloka 'yun!" sabi niya.
"Masama bang tumingin? May mata kaya ako." depensa ko.
Tumatawa parin ang bruha. "Masungit nga. Parang Dewlon lang..." sagot niya.
Mabilis akong umiling, "Uy masyado ka. Di naman ganun ka sungit si Dewlon ko, nu." depensa ko.
"Pareho lang. Pero depende lang naman kasi 'yan sa mood ng isang tao. Malay mo naman kakapatay labg niya ng tao ---"
Nanlaki ang mata ko. "Kapapatay? Ano siya killer? Alam mo ikaw. Dami mong alam." sabi ko at umiling-iling.
Tumawa siya, "Like you, kanina ko pa rin siya tinitignan. Nasa counter siya kanina kaya mas natitigan ko siya. Ang gwapo ng boses niya tsyaka ang bango bango niya, pero pansin ko lang yung lipstick sa panyo niya. Parang kakapatay niya lang ng babae sa saya." biro niya at humagalpak sa tawa.
Tumawa rin ako. "Siraulo! Dami mong alam." sabi ko sabay hagis sa kaniya ng tissue sa mukha.
Sinipat ko ang orasan ko at nakitang mag-ooras na para sa guitar lessons ko.
"Uy, alis nako. Guitar lessons." paalam ko.
Tumango siya. "Ge. Mamaya nalang ulit. Bye!" sagot niya.
Pagkalabas ko ay nilakad ko lang papunta sa building nila. Nang makarating na ako ay pumasok na kaagad ako sa loob. Kalabanan samin ay mga babae ang nag-aaral, konte lang ang mga lalake. Naroon na ang iba kong mga kasama pati si Marj yung nagtuturo samin.
"Hindi muna ako ngayon ang magtuturo sa inyo, guys. But, I know this day lesson wont be a waste because my nephew is very good at playing hia guitar so take care of him. Wag pasaway." nakangiting sabi samin ni Marjorie.
Tumili yung tatlong babaeng kasamahan namin. "Yieeeeh, ang gwapo niya diba?" tanong nung isa sa kasama niya.
Hindi ko na sila pinansin dahil may nagtext sa cellphone ko. Napangiti ako ng makitang si Dewlon ang nagtext.
Agad kong binuksan ang message niya. Nakita ko namng pumunta si Marj sa isang kwarto at binuksan 'yun. May tinawag siya sa loob.
Ako naman ay tinuon nalang ang atensyon ko sa cellphone ko.
From: Dewlon ko
Nawalan ako ng load. Good morning. I'm off to Dad's office. .
Tumipa kaagad ng irereply ko sa kaniya.
Ako:
AWW. Kaya pala di ka nagrereply. Ingat ka sa byahe . Dito nako sa guitar lessons ko
Bigla akong nakarinig ng pagtikhim. Naramdaman ko ang kalabit ng katabi ko sakin.
Napatingin ako sa katabi ko. Nginunguso niya 'yung sa harap. Nakita ko din na halos nakatingin na sakin 'yung lahat ng kasamahan ko. Kaya naman tumingin ako sa harap namin.
Nanlaki ng mata ko ng makitang nakaupo sa harap namin ang lalakeng masungit kanina doon sa seven eleven.
"At siya naman si Kirt." pagpapakilala ni Marj sakin.
Nakasuot siya ng bonnet at matalim ang tingin sakin na parang bored na bored siya at parang sinasabi na bakit tinignan pa kita. Iniwas siya ng tingin.
"Good morning. I'm Heero. I'm going to teach you some tricks that I know about playing a guitar. And it's going to be hard if your dumb." seryosong sabi niya.
Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Paano kung umuwi akong walang natutunan sa araw nato? Feeling ko napakahirap ng ituturo niya ngayon e.
Bahagyang tumawa si Marjorie. "Bawasan mo naman ang pagkasungit mo, Heero sa mga estudyante mo." biro ni Marjorie.
Si Marjorie ay hindi pa gaano matanda. Nasa 28 o 29 palang siya.At itong pamangkin niya ay parang nasa edad 50 na sa sobrang sungit. Tsss...
Bahagya siyang ngumisi. "I'll try..." sagot niya at tinuon ang sarili niya sa gitara niya.
Naramamdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bag ko. Aga ko tong kinuha.
Dewlon:
Where did you get that emoticons? Pick you there later.
Ako:
Ah. Nakalimutan ko . May pupuntahan pala kami ngayon ni Kyona. Ako nalang muna. And, yung emojis? Secret ko na'yun.
Dewlon:
Your emojis is so disturbing. So many. Where are you going? I'll pick you there and bring you both to where you're going, flat pig.
I love you though.
Napangiti ako sa reply niya. Sweet na nga. Tapos may emojis pa.
Magrereply na sana ako ng maramdaman kong may tao sa mismong harap ko.
"Are you going to learn or what? They are paying attention in what I'm doing here in front and you are giggling there like you're not here for a lesson." supladong sabi niya. Ang mga titig niya na parang sasaksakin ka talaga sa puso talim.
Actually di naman siya talaga galit eh. Parang normal labg naman yung boses niya at yung mga mata niya pero may something talaga sa mga mata talaga niya na parang nakakasakit tumingin pero magandang tignan.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. As in natakot ako sa kaniya. Yung mga balahibo ko feeling ko nagtaasan sa kaba. Yung puso ko ang bilis ng t***k ng puso. Tinago ko nalang ang cellphone ko sa bag ng di nakapagrereply.
Buong klase ay tutok na tutok lang ako sa pagtuturo niya. Laking pasasalamat ko ng di na niya ako pinagalitan pa.
Nang matapos kami ay nagmamadali akong ligpitin ang mga gamit ko dahil ayokong maiwan mag-isa sa Heero nayun. May takot na ko sa kaniya. My god!
"Grabe ka girl. Ikaw lang ata napagalitan ni Pogi." sabi ng isang kasama ko..
Nakitawa nalang ako at walang sinabi. Nagsilabasan na silang lahat at ako pinapasok palang yung gitara ko sa lalagyan. Pero huli na ang lahat. Iniwan na nila akong lahat.
"Kirt, right?" rinig kong tanong niya sa likod ko.
Matipuno ang boses niya kaya kapag galit siya parang nakakatakot. Pero kapag mahinahon naman ang gwapo pakinggan ng boses niya.
Nag-aalinlangan akong humarap sa kaniya. Tumango ako at napakagat labi. Tinalikuran ko siya ulit para ayusin ang gitara ko.
Nang matapos ko namg ayusin ay isinukbit ko na kaagad sa balikat ko ang lalagyan ng gitara ko.
Humarap ako para magpapaalam na. Pero pagkaharap ko medyo malapit na siya sakin.
"I have an advice for you. Stop trying to learn playing guitar. Masasayang lang ang pera mo sa pagbayad sa nagtuturo sayo." masungit na sabi niya at nauna ng lumabas ng kwarto.
Sumikip ang puso ko sa sinabi niya. Sumusobra na siya ah. Sinasabi niya bang hindi ko kaya? Ano ba ang nagawa ko sa kaniya. Wala naman akong atraso sa kaniya, ah?
Ugggghhhh! Di na siya nakakatakot, nakakainis na siya.