Chapter 2: Swerteng Tanga

1854 Words
Hinabol ko yung Heero papasok sa elevator. Ngayon ay dalawa lang kami sa loob ng elevator. Pagkapasok ay nagulat pa siya dahil sa masamang tingin ko sa kaniya pero agad naman itong nawala at napalitan na din ng malalamig na tingin. "Hoy! Bawiin mo nga 'yung sinabi mo!" singhal ko sa kaniya at tinuro-turo pa siya. Hinawi niya ang kamay kong tumuturo sa kaniya at hindi ako pinansin. "Hoy! Bawiin mo yun sabi!" pilit kong sabi. Nang sa wakas ng balingan niya ako. Pinanlisikan niya ako ng tingin. "Tanga kaba? Paano ko 'yun babawiin kung nasabi ko na?" sagot niya. Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. "Ay, pilosopo? Alam mo wala kang karapatan para sabihin yun sakin." nakahalukipkip na sabi ko. Pinakalma ko ang sarili ko. Wala akong mapapala kung ibubuhos ko lahat ng energy ko sa kaniya. "And you dont have the right to tell me what to do." depensa niya. Napasinghap ako. Hindi talaga ako makapaniwala sa lalakeng to. Napakasuplado ng walangya. "Ganyan kaba talaga, ha? Direct to the point? Dirediretsyo? Walang filter?" galit na tanong ko. Nag-iwas lang siya ng tingin at di na ako pinansin. Hindi ko alam pero galit talaga ako. Isang taon ko ng pinanghahawakan na kung may determinasyon kang maabot ang isang bagay, maabot mo talaga ang bagay nayun. Pero itong Heero nato na ang yabang lang. Pinahihina niya ang determinasyon ko. "Hindi ko naman pinangarap maging professional guitarist, e. Gusto ko lang naman matuto. Kahit anong gawin mo, mag-aaral parin ako. Masyado lang mataas ang standards mo." sabi ko. At tamang tama ay bumukas na ang elevator. Nagulat ako ng si Dewlon ang bumungad sakin. Medyo nagulat pa siya ng makita niya ako pero agad yun nawala. Naging kontento ang kaniyang mga mata ng makita niya ako. Bago pa ako makalabas ay nagsalita si Heero, "Bahala ka sa buhay mo." supladong sabi niya at nauna ng lumabas sakin. Hinabol ko siya ng tingin. "Ewan ko sayo!" sigaw ko para marinig niya. "Sino yun?" tanong ni Dewlon sakin. Tumingin ako sa kaniya. "Hay nako! Nakakainis ang lalakeng yun. Sobra! Tara na nga!" sabi ko sabay kapit sa braso niya at ako na mismo ang gumiya sa kaniya palabas ng building. Nakakainis talaga. Sana hindi na siya ang magturo bukas. Nakakainis lang kasi eh. Nakabusangot tuloy akong sumakay sa loob ng kotsye ni Dewlon. Humalukipkip ako at tumingin lang sa harapan ko. Hindi ko na tinignan si Dewlon ng pumasok siya sa loob. "Sino ba 'yun?" supladong tanong niya. Umirap ako, "Wala 'yun!" inis na sagot ko. "Then why are you mad?" tanong ulit niya. Humalukipkip ako at napakagat labi dah feeling ko naiiyak nako. Okay lang sana kung binibiro niya ako e tsyaka close ko yung Heero. Pero, hindi eh. "K-kasi naman! Napakayabang niya! Sinasabi ba naman na wag nakong mag-aral ng pagtugtog ng gitara?" sagot ko at medyo nangilid na ang luha sa mata ko. Gusto ko lang naman matuto para ako na mismo tumugtog nung kantang kinanta at tinugtog ni Dewlon nung sa Manila. Hindi ko makakalimutan ang araw nayun. Kaya determinado akong matuto. May alam na ako pero di ganun ka galing. Di ko pa kabisado yung mga chords kasi nga mahina ako doon. Takot na nga ako sa kaniya kani-kanina lang tapos gaganunin niya ako? Nakakaiyak talaga kasi nakakatakot siyang magsalita. Feeling ko kahit ang babaw lang naman, ang sakit niya talaga magsalita. Tumawa si Dewlon. "That's it? Naiiyak kana dahil doon? Well that's unusual." normal na sabi niya. Bigla akong nakaramdam ng inis. Yun lang? Palibhasa napakagaling na niya. "Yun lang? Yun lang, Dewlon?" di makapaniwalang sabi ko at bumuntong hininga. Para sa kaniya yun lang yun.... "What? I think it's just so simple. Then forget about what he said." sabi niya. "Oo simple lang yun. Oo ang babaw lang nun pero tagos yun sa puso ko, Palibhasa kasi genius ka." inis na sabi ko at lumabas sa kotsye niya. Ako nalang ang pupunta kay Kyona. Naiinis ako. Sobrang naiinis ako. Takot na nga ako sa Heero nayun, iinisin pa ako ni Dewlon. Dapat pinagtanggol niya ako. Nilingon ko ang kotsye ni Dewlon. At umandar na ito. Shet! Di man lang niya ako hahabulin? Ugh! Biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko to sa bulsa ko at sinagot ang tumatawag ng di ko nakikita kung sino yung tumatawag. "Hello!?" iritadong sagot ko. "Why being a brat, Eunice?" malumanay na tanong niya. Nilingon ko ang sasakyan niya pero wala nato. Umalis na siya? Ganun ka bilis? "Umalis kana? Di mo man lang ako sinuyo!" inis na sagot ko. "Tsss..thought you said that." mahinang bulong niya at binaba na ang kabilang linya. Nairita ako lalo ng patayin niya ang linya. Shet ka Junnie Mari. Nagulat ako ng biglang may humablot sa kamay ko at hinila ako paalis. Likod palang niya ay alam ko kung sino ang humahatak sakin. "Bitawan mo nfa ko." sabi ko at pumiglasa pagkakahawak niya sa kamay ko. "You want this right? Sinusuyo kita." sabi niya at tumigil sa paglakad. Ngayon ay magkaharap na kami pero hindi niya parin binibitawan ang kamay ko. Kumunot ang noo ko, "Suyo na'yun? Suyo na ba 'to?" pilosopong sagot ko. Suyo na ba ang tawag niya sa pangangaladkad sakin? Bakit ba kinulangan ng katamisan ang boyfriend ko? Umigting ang panga niya, "Ano bang suyo ang gusto mong gawin ko? I chased you to go back to my car. That's it, right? That's what you wanted me to do, right?" tanong niya. Bigla naman nag-init ang ulo ko. Suplado na nga yung Heero, suplado pa tong boyfriend ko. Haish! Magnet ba ako ng mga masusungit na lalake? Well, ayos lang naman sakin ang isa lang. Si Dewlon lang... "Want ko lang pero hindi mo pala want? Pinagbibigyan mo lang ako pero napipilitan ka lang?" inis na sabi ko. Kumunot ang noo niya, "Ano? That's not what I'm trying to say." iritadong sagot niya. "Eh sa 'yun yung dating ng sinasabi mo e!" "It's not like that! I just want you to feel better!" dire-diretsyong sabi niya. Natigilan ako sa sinabi niya. Putragis kasi. Minsan lang kasi talaga to sweet eh. "Tsss, tara na. Hatid na kita sa bestfriend mo. I think she could help you more than I do." inis na sabi niya at hinila na ulit ako. At ako naman ay napapangiti na parang ewan. Ito talagang Dewdew ko. Nakakakilig kapag nagtatampo. Ang totoo niyan dahil sa pagtatampo niya nawala yung inis ko doon sa Heero. Shemay! Ang kamay niyang nakahawak sa braso ko ay inalis ko at nilipat sa kamay ko. Napatingin siya sakin. Nginitian ko lang siya at squenized 'yung kamay niya. Hindi man lang siya ngumiti pero ginaya niya 'yung ginawa kong pag-squeeze sa kamay niya. Ngumiti nalang ako at napailing. Kahit di magbigay ng reaksyon si Dewlon alam kong ok na. Pagkapasok namin sa sasakyan ay binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti. "What?" iritadong tanong niya at pinaandar na ang sasakyan. Humalakhak ako, "Ang cute mo, Dewdew." sabi ko sabay kurot ng pisnge niya. Inis niyang inalis ang kamay ko. "Ano ba, Eunice." suway niya. Humalakhak ulit ako, "Tampo ka naman kasi. Natulongan mo na'ko, okay? Nawala na'yung inis ko sa lalakeng 'yun kanina. Ikaw kasi, dinagdagan mo pa. Dapat kampi tayo, eh." nakangusong sabi ko. Umiwas siya ng tingin, "What do you want me to do? Punch him because of that? Tss, your so childish." sagot niya. Napasimangot ako. Ayan nanaman siya. Nang-iinis nanaman. Bakit ba hindi marunong manlambing ang isang 'to. "Sinaktan niya 'yung EGO ko! Dapat ipagtanggol mo ko!" pilit ko. Suminghot ako. "Diba 'yun naman dapat 'yung ginagawa ng mga boyfriend?" sabay pekeng parang maiiyak. Bumuntong hininga siya. "I just want you to be the good person. The Eunice I love is strong. No matter what negative things thrown at her, she still stand up. At kahit ilang beses ko siyang pinagtabuyanat sinungitan. She still stays in love." seryosong sagot niya. Natahimik ako sa sinagot ni Dewlon. Tama siya. Hindi naman talaga ako susuko, eh. Nasaktan lang naman ako. Bigla kong niyakap si Dewlon. "Di naman talaga ako susuko, Dewdew eh. Nasaktan lang ako pero di ako susuko." sabi ko at hinigpitan na ang pagkakayakap sa kaniya. Niyakap niya din ako pabalik. "And don't you think of that guy again. Wala siyang karapatan para sungitan ka. Dapat ako lang." seryosong sabi niya. Napatawa nalanga ako. Sweet na sana, pero siya lang daw ang pwedeng magsungit sakin? Okay na sana diba? Pero okay na'yan. Kaysa si Heero. Ooop! Di ko na siya iisipin. Inangat ko ang ulo ko kaya nagtama ang ilong namin. Hinalikan niya ang ilong ko. Napapikit ako sa ginawa niya. Pakiramdam ko talaga safe na safe ako kay Dewlon. Ako na siguro ang swerteng tanga sa buong mundo dahil na sa akin si Dewlon Scott Montesor a.k.a DewDew.  Dinala niya na ako kung nasaan si Kyona. Ayoko na sanang gumala kasama si Kyona dahil gusto ko pang kayakap si Dewlon at malay mo matuloy nayung matagalang kiss namin ni Dewlon?  Amputs! Isang taon na kami pero wala pang nangyayaring ganung kiss. Yung sobrang matagal. Yung tinatawag nilang french kiss.  Di ko naman pinapangarap yun DATI kasi halik lang ni Dewlon na smack, sapat na. Syempre nasabi ko labg naman 'yun kasi bago pa lang kami at medyo shock na shock pako na mahal rin ako ni Dewlon.  Halos kilabutan nga ako kapag binaback hug niya ako kapag dalawa lang kami. Nakakakilabot pero nakakakilig. Hindi kasi ako sanay na ganun si Dewlon. Pero masayang masaya ako dahil boyfriend ko na siya. Mabuti nalang at umalis na si Karline at Dave. Bumalik na si Karline sa ibang bansa at si Dave naman ay nanatili sa Manila. Nakatulong din naman si Karline sa love life ko.  Nung tumawag siya sakin. Akala ko, makikipag-away siya at ipapamukha sakin na tama siya. Babalik si Dewlon sa kaniya pero hindi. Mahinahon ang boses niya at doon ko narealize na ganun talaga ang totoong Karline Tianco. Ang totoong kaibigan ni Dewlon. Mabait at may puso.  Sinabi ni Karline na obssess na siya. At nag-sorry siya for being ganun daw. Umiyak pa nga siya ng todo. Inggit na inggit daw siya sakin. Eh ako naman umiyak din kasi umiiyak siya. Sinabayan ko nalang para di siya ma-OP. Kaya nag-iyakan kami sa cellphone. Doon din ako naliwanagan.  Ang laki ko lang kasing tanga dahil di ko man lang sinampal man lang si Karline nung halikan niya si Dewlon. Dapat 'yun ang ginawa ko. Hindi 'yung nagtago ako at naglayas.  Well, lesson learned nga. Hahahaha. Buti pa ang pag-ibig may natututunan ako. Eh ang mga lessons kaya sa school? Hayy. Di bale, ang swerte ko namang tanga. WAHAHAHA. Binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan para lumabas. Nakita ko na si Kyona na nakabihis na ng damot niyang pang-alis at hindi na naka-uniporme. "Hey!" rinig kong sabi ni Dewlon kaya nilingon ko siya. Seryoso siynag nakatingin sakin. Ako naman hinihintay ang sasabihin niya. "You forgot something, idiot." supladong sagot niya. Sumimangot ako. "Idiot ka diyan." sabi ko at hinanap ang bagay na sinasabi niyang naiwan ko sa inupuan ko. "Wala naman, eh." sabi ko sabay tingin sa kaniya. Nagulat ako ng ngumuso siya ng konte tapos seseryoso nanaman. Nung una di ko pa gets kaya napakamot siya ng batok niya. "Damn girl. Kiss me goodbye." inis na sabi niya. Tumawa ako ng malakas sa sinabi niya. Kita mo to. Pwede niya namang sabihin na gusto niya ng kiss di pa ako diretsyuhin. Lumapit ako sa kaniya para halikan siya sa lips. Napapitlag siya ng kagatin ko ang labi niya. "Gantihan lang, uy! Bye, Junnie Mari!" sabi ko at dali-daling lumabas ng sasakyan niya at kumaway.  Hayy. Ang swerteng tangang tulad ko ay naka-score naman. Hihihi!  Dewlon - 1 Kirt - 1
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD