Namili kami ni Kyona ng mga bagong damit. Sale kasi kaya sayang naman kung palalampasin namin 'yun.
"So, Kyo? Nag-usap naba kayo ni Dreena?" tanong ko sa kaniya.
"Magkikita kami bukas. Pinuntahan niya ako sa bahay, eh." sagot niya.
Bahagyang nanlaki ang mata ko, "Talaga? Di ka talaga matiis ni Dreena." nakangiting sabi ko.
Ngumiti si Kyona, "Simula nung umalis si Dreena, napatawad ko na siya. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit sinayang ko 'yung mga nalalabing araw niya dito sa Pilipinas. Bestfriend ko siya, eh. Sobrang mamimiss ko siya. Nasayang lang dahil sa isang lalake."
Nagulat ako sa naging sagot ni Kyona. Napatawad niya na si Dreena? Eh bakit pala umalis siya nung nasa pent house kami.
"Eh bakit pala umalis ka kaagad sa pent house?" tanong ko.
Bumuntong hininga siya, "Kasi nahihiya pa ako kay Dreena..." sagot niya.
Natawa ako, "Kailan pa kayo nagkahiyaang dalawa? Pero taon na din ang lumipas kaya hindi kita masisisi." sabi ko.
Bahagya siyang tumawa, "Nahihiya ako dahil parang ang babaw ng pagkakaibigan namin para talikuran ko ang pagkakaibigan namin dahil lang sa lalake. Kailangan ko na lang talagang tanggapin na mahal niya si Kram." sagot niya.
Nanlaki ang mata ko, "Omygod, Kyo! Naka-move on kana nu!?" di makapaniwalang tanong ko sabay yugyog sa kaniya.
Tumawa siya at bahagyang tumango. "Siguro nga..I don't know. I just want peace between samin ni Dreena." sagot niya.
Tumango nalang ako at ngumiti. At least mabubuo na ulit ang pagkakaibigan namin. Nung nandito pa si Dreena ay nagkikita din kami kaya hassel talaga. Dapat sabay na kaming tatlo ang nagkikita hindi 'yung paisa-isa.
Nagmeryenda kami sa Mcdo pagkatapos ay napagdesisyunan ko na bumili ng ireregalo ko kay Nicaela sa birthday niya next next week. Debue niya kaya expect ng bongga.
"Ay, bili narin ako. Total, invited naman ako. Nakakahiya kung walang bitbit na regalo." sabi ni Kyona.
Hindi masyado friends si Kyona at si Nicaela. Paano ba naman kasi kapag nagbobonding kami nila Nicaela andyan si Kram o kaya naman si Dreena kaya malabo talagang maging close sila.
"Gusto 'kong mag-outing sa beach. Malapit na pasukan at alam 'kong madugo nanaman ang labanan." sabi ni Kyona.
"Agree. Gusto ko din 'yan, pero saan naman kaya? Gusto ko na kasing makita yung abs ulit ni Dewdew." kinikilig na sagot ko.
Imaginin ko lang ang matitigas na abs ni Dewlon ay naglalaway nako. Hihihi! Ang sarap sigurong hawakan nun!
Meron naman kasi akong dahilan para mas titigan 'yun diba? Kasi girlfriend niya ako.
Tumawa siya, "Ang manyak mo! Pero infairness ha. Panalo!" sabi ni Kyona sabay apir naming dalawa.
Nang makabili kami ng regalo namin para kay Nicaela ay umuwi na kaming dalawa. Tinext din ako ni Dewlon kung nakauwi na ba daw ako. Sabi niya doon daw siya matutulog sa kanila kaya may dinner daw sa bahay nila.
Tinignan ko ang orasan ng makasakay ako ng bus pauwi. Bus kasi medyo malayo. 6:30 PM na.
Pagkarating ko sa bahay ay sinalubong kaagad ako ni Jewel na nakasuot ng isang white floral dress.
"Ate, you need to dress up. Sa labas daw tayo kakain sabi ni Daddy." sabi niya sabay hatak sakin paakyat papuntang kwarto ko.
Pinilian niya ako ng isusuot ko. Si Jewel kasi 'yung palaging pumipili ng dress na susuotin ko kapag formal occassion.
"This will do." sabi ni Jewel sabay abot sakin ng isang blue off shoulder dress tapos yung doll shoes na medyo may konteng takong na kulay white.
Nginitian ko siya, "Ayos!" sagot ko.
Hindi ko nga alam na meron pala akong mga dress dito. Minsan kasi kapag pumupunta sila Ninang sa ibang bansa meron talaga akong pasalubong na mga dress o mga damit o kaya naman sapatos at kung ano-ano pa.
Habang inaayos ni Jewel ang buhok ko ay tumunog ang cellphone ko. Sinyales na may nagtext sakin.
Dewlon :
What taking you so long? I'm here downstairs waiting for you and Jewel.
Agad akong nagtipa ng irereply ko sa kaniya.
Ako :
Nagpapaganda lang para sayo, Dewdew. Hihihi.
Dewlon :
Tsss...It's useless so make it fast.
Napasimangot ako sa sinabi niya. Anong useless? Tsss..grabe siya.
"Pagandahin mo pa nga ako, Jewel. Tsss..." inis na sabi ko kay Jewel.
Tumawa siya, "Is something wrong, Ate? Did Kuya teased you again?" tanong niya.
Ngumuso ako at sinumbong sa kaniya 'yung sinabi ni Dewlon sakin. Hindi ko nga nireplyan. Bahala siya.
Tumawa siya, "Kuya is so lawsy. Don't worry, Ate. I'm sure mapapanganga si Kuya kapag nakita ka niya." sabi niya.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Iniisip ko pa lang na mapapanganga siya ay kinikilig nako.
Nang matapos kami ay pinuri pa ako ni Jewel. Syempre ako nasiyahan naman. Kaya confident akong bumaba sa hagdan namin. Nauna si Jewel kaya naman siya ang unang nakita ni Dewlon.
Slowmotion akong bumaba. 'Yun naman kasi madalas gawin ng mga babae sa TV diba? Tapos mapapanganga 'yung lalakeng naghihintay sa kaniya sa baba?
Pero ng makita ko si Dewlon ay nakahalukipkip lang siya at wala man lang bakas na kung ano sa mukha niya.
Nang tuloyan akong nakababa ay ngumuso ako at napatingin kay Jewel na nasa gilid. Na parang sinasabi ko sa kaniya na walang epek kay Dewlon 'yung beauty ko.
"What's with the slowmo?" supladong tanong niya.
Kahit nagsungit siya sakin ay di ko parin mapigilan mapatingin sa mga braso niya habang nakahalukipkip.
Napalunok ako. Braso pa lang, hot na. Napakagat labi ako.
"Kuya, isn't she beautiful?" tanong ni Jewel.
Nagkibit balikat si Dewlon. "As I said. You're just wasting your time making yourself beautiful." supladong sagot niya.
Ngumuso ako. Nakakainis 'tong si Dewlon. Syempre gusto ko naman sanang ma-amaze siya sa kagandahan ko. Para di siya mag-sawa sakin.
Marami pa namang nagkakagusto sa kaniya na mga ka-block niya. Marami nga minsang nang-aaway sakin. Kesyo daw di kami bagay. Pati ba naman sa college life ko, binubully parin ako?
Pero syempre tagapagligtas ko ang Dewdew ko kaya pahiya sila. Subukan lang ni Dewlon na di ako ipagtanggol kasi magtatampo talaga ako at magtatantrums. Ayaw niya nun. Ayaw niya ng atensyon ng ibang tao. Sakin lang daw sapat na. Uy! Banat niya 'yun! Bumabanat din ang yelong 'yun kung tutupakin nga lang.
"Hay nako tara na nga." aya ni Jewel at nauna ng lumabas ng bahay.
Nauna na pala sila Mama at Papa kasama sila Ninong at Ninang kasama si Joshua. Ako na siguro ang mag-lolock ng pintuan.
Sumunod na rin ako kay Jewel. Nagulat ako ng lumapit si Dewlon sa gilid ko. Naramdaman kong pinadaosdos niya ang kamay niya sa bewang ko.
Nakaramdam ako ng kakaibang kuryente ng maramdaman ko ang labi niyang lumapit sa tenga ko.
"It's useless because for me you're the most beautiful girl, Eunice." sabi niya at dinampian ng halik ang tenga ko.
Uminit ang pisnge ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko pulang pula na ang mukha ko pero hindi ko parin maiwasang mapangiti ng malapad.
Ipinulupot ko ang dalawang kamay ko sa leeg niya. "Talaga?" tanong ko.
Humalakhak siya, "Yes, so don't let that lips pout or you want us to make out and forget that Jewel is looking at us just right now..." at pagkasabi niya nun ay sabay kaming napatingin sa direksyon ng pintuan.
Medyo nawindang naman ako sa sinabi niyang make out. Parang narinig ko na'yun eh! Dimko lang talaga matandaan.
Pagtingin naman ay nandoon nga si Jewel at halatang nagpipigil ng kilig. "Shipper ako ng KirtLon pero we need to go now...so, let's go!" sabi niya at tinuro yung labas.
Tumawa nalang ako habang si Dewlon ay medyo nakasimangot. Hinayaan ko nalang. Tupakin kasi 'yan, e.
Umalis na kami ng bahay pagkatapos 'kong i-lock ang pinto ng bahay. Pumunta kami sa isang magarang restaurant. Kaya naman pala formal.
Paglapit namin sa kanila ay medyo nagulat ako dahil merong bagong nga mukha akong nakita. So hindi lang pala kami kami lang ang dinner na'to. May iba pang invited.
May isang babaeng sopistikada ang dating. Parang mga nasa edad 40 pataas ang kaniyang edad. May kasama rin siyang isang malaki at kahit matanda na ay gwapo parin.
"Nandito na pala kayo..." sabi ni Ninang ng makita niya kami nila Dewlon.
Dumapo ang tingin ng dalawang bisita sa aming tatlo. Ako naman ay ngumiti sa kanila bilang masayang pambungad.
Umupo na kami nila Dewlon sa bakanteng upuan. Magkatabi kami ni Mama at sa kabila naman ay si Dewlon.
Naging masinsinan ang usapan nila. Naging masyadong pormal ang dinner dahil sa dalawang sopistikadong bisita nila Ninang.
Sa pagkakaalam ko ay magiging magkasosyo sila sa isang farm. About sa mga prutas at gulay na maaring itanim doon sa farm. At kung ano-ano pa. May rancho, may malaking mansion na ibebenta sa kanila. At gusto 'yun ibigay kay Dewlon.
"Nabalitaan ko din ang kahusayan ng anak mo, Luke. Congratulations for having a great successor you have." sabi nung matandang lalake na bakas sa mata niya ang paghanga kay Dewlon.
Teka, di kaya bakla ito? Sobra makatitig kay Dewdew ko e.
"How about your daughter, Ricardo? I know she's growing more beautiful." sabi ni Ninang.
Tumawa yung Ricardo. "Oh, she's fine. And yes, she's so beautiful. And I think, Dewlon can meet her if there's a vacant time." bakas sa boses ni Mr. Ricardo Vista ang panunukso.
At halatang nirereto niya ang anak niya kay Dewlon. Hindi pala siya bakla. Irereto niya lang pala ang anak niya sa Dewdew ko.
Napatigil ako sa pagkain ng pagkain sa plato ko. Tumahimik ang buong kwarto at halakhak nalang ng dalawang bisita ang maririnig.
Bahagyang umubo si Ninong, "That would be nice, Ricardo. But, we will need to ask her girlfriend first if she is in favor for it." sabi niya.
Go ninong! Push mo 'yan!
"Oh, may girlfriend na pala siya...." dismayadong sabi ni Mr. Ricardo.
Medyo nainis ako sa nangyari. Kaya naman nung matapos kaming kumain at ng niyaya ako ni Dewlon sa veranda ng resraurant ay sumama kaagad ako sa kaniya.
Isinandal ko kaagad ang sarili ko sa railing ng veranda. "Ireto ka ba naman daw doon sa anak niya..." inis na sabi ko.
Naaalala ko tuloy yung sa kanila noon ni Karline. When pinilit siya na makipagrelasyon kay Karline.
Niyakap ako ni Dewlon mula sa likod ko at pinatong ang ulo niya sa balikat ko. "Jealous, much?" natatawang sabi niya. Nakaramdam tuloy ako ng kakaibang init sa katawan ko pero ang sarap lang sa pakiramdam ng init kasi ang lamig na sa labas.
"Oo naman, nu. Lagi naman, eh. Dami kasing nagkaka-crush sayo tapos minsan nirereto kapa sa mga magagandang chics doon sa school. Nakaka-shet 'yun minsan." sagot ko.
Humalakhak nanaman siya. "Don't worry, even though you're the most stupidest person I wont leave you." sabi niya kaya naman pakiramdam ko yung bigat na dinadala ko naibsan.
Ngumiti ako, "Talaga? Panindigan mo 'yan." sagot ko.
Humalakhak siya. Sobrang ganda lang pakinggan ang halakhak niya grabe.
"Sure, I will." sagot niya.
Napangiti ulit ako sa naging sagot niya. Pero, naalala ko bukas. Kahit ayokong isipin talaga 'yung Heero, naiisip ko siya. Paano kung siya parin 'yung magturo bukas? Ayoko na siyang makita.
"Dewdew, ikaw nalang kaya 'yung magturo sakin ng gitara? Diba marunong ka naman?" tanong ko sa kaniya.
Parang ayoko nalang kasing makita 'yung Heero eh. Para narin di ko na isipin pa 'yung lalakeng 'yun.
"Tssss, you know I'm not really good at it." sagot niya.
"Ehhh. Sige na." pilit ko.
Umiling siya habang nasa balikat ko parin ang ulo niya. Kaya naman nakaramdam ako ng konteng kiliti pero di ko 'yun pinahalata.
"Why? Are you scared to see that guy again?" tanong niya at tumingin sakin kaya naman mas lumiit ang distansya ng mukha namin.
Napalunok ako. Ang cute lang talaga ng labi ni Dewdew ko. "G-gusto ko lang na wag na siyang isipin pa. N-nakakatakot kasi siya." sagot ko.
Anobanamayan ooh! Nakakatempt talaga itong lalakeng to. Gusto ko na siyang i-kiss tuloy.
Humalakhak siya, "What's your motto again?" tanong niya.
"Hi! Ako ay pabebe girl. At wala silang paki kung pabebe akong tumugtog ng gitara ko. At walang makakapigil sakin!" ginaya ko 'yung boses nung mga pabebe warriors.
Humalakhak siya, "What the?" bulalas niya.
Tumawa ako, "Joke lang." sabi ko.
Hinigpitan ni Dewlon ang yakap niya sakin. "Show him what you got, Eunice. I will always be your number one fan." malumanay na sabi niya at dinampian ng halik ang pisnge ko.
"I love you much so, Dewdew." nakangiting sabi ko.
Humalakhak siya, "I love you much so too...."