Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng maong na jumper tapos suot ko ang puti kong sapatos na menedyasan ko pa tapos pinig-tail ko ang buhok ko. Sobrang cute ko. Isinukbit ko na ang lalagyan ko ng gitara pagkatapos 'kong isuot ang sling bag.
Nagpaalam ako kayla Mama at Papa na nagbibihis narin para sa trabaho nila. Si Papa sa trabaho, si Mama sa kapitbahay. Syempre, kay Ninang.
Kabado akong sumakay ng taxi papunta sa guitar lessons ko. Medyo lang naman kabado kasi minotivate nako ni Dewdew ko kagabi. Hihihi!
At narealize ko na mali na isipin ko ang opinyon niya sakin. Ang importante ay may determinasyon ka para maabot mo ang gusto mong maabot.
Hindi ko dapat isipin ang iniisip ng iba sa akin. Hindi naman sila importante. At isa pa, hindi naman ako nag-aral tumugtog ng gitara para magpa-impress ng maraming tao.
Isa lang naman ang gusto 'kong ma-impress sakin eh. 'Yun ay ang number one fan ko. 'Yung kaisa-isang fan ko. Hihihi!
May gusto ko kasi akong pag-aralang tugtugin. Gusto ko sanang kantahan si Dewlon, nun. At kung ano 'yung kantang 'yun? Secret na muna.
Pagkarating ko sa building ay may natanggap akong text galing kay Dewlon.
Dewlon :
Good morning. Are in your lessons now?
Napangiti naman ako sa simpleng text na'yun ni Dewlon. Kwinento ko din sa kaniya lahat ng kasupladohan ni Heero sakin. Yung nagtext ako sa kaniya na hindi na ko nakareply kasi pinagalitan ako.
Ako :
Good morning din! Kakarating ko lang, Dewdew.
Pagkapasok ko ng elevator ng magreply siya.
Dewlon :
Pick you up later so wait for me there.
Agad akong nagtipa ng reply ko.
Ako :
Okay po. Nasaan ka ngayon?
Lumabas nako sa elevator ng makita 'kong nasa tamang floor nako.
Biglang tumunog ang cellphone ko sinyales na may tumatawag. Napangiti agad ako ng makita kung sino ang tumatawag.
"Hello, Junni Marie? Miss mo agad boses ko?" masayang bungad ko sa kabilang linya.
Ang dami 'kong tawag kay Dewlon. Ayaw niya kasi ng call sign eh kaya bahala siya. Magtiis siya sa Dewdew at Junni Marie.
"What the? Stop calling me that. Pinagbigyan na kita sa isa." inis na sagit niya.
Tumawa ako, "Ayaw mo kasi ng call sign e." sabi ko.
Narinig ko nanaman ang dakilang "Tssss" niya. Ayan tuloy! Nahahawa ako sa kaka-tssss niya.
"We don't need that." yelo niyang sagot.
"Tsss, oo na po. Oh bakit ka napatawag? Miss mo boses ko nu?" panunuksong tanong ko sa kaniya.
Madalas kapag tinutukso ko siya sakin. Dinedeny niya. Tapos minsan naman, magulat ka nalang a-agree siya. Kaya naman ako tumataob. Nakakakilig kasi!
"I wont miss your dolphin of a voice....nakakatamad mag-text kaya tawag nalang." sagot niya.
Gaya ng sabi ko. Madalas, idedeny niya. Mahiyain kasi, eh.
Napasimangot ako, "Cute naman ang dolphin, ah?" tanong ko.
Rinig ko ang mahinang tawa niya, "Dolphins are cute but they're sounds? So annoying." supladong sagot niya.
Mas napanguso ako. "Tinawagan mo lang ba ako para awayin, Junnie Mari?" inis na tanong ko sa kaniya.
Tumawa siya, "You started it. But, I really like teasing you, you know..." sabi niya.
"Naman, eh!" singhal ko sa kaniya.
Mas tumawa siya, "Cause you're voice is damn cute, Eunice." malumanay na sagot niya.
Napakagat labi ako sa sinabi niya. Naman, eh! Nagpapakilig nanaman siya! Pero, gustong gusto ko naman!
"Aiyieeeh! Kilig naman ako doon, Dewdew." kinikilig na sabi ko.
Narinig ko namn ang tssss niya sa kabilang linya. "Pag kinikilig dapat sasabihin mo pa? I really can't believe you." di makapaniwalang sabi niya.
Tumawa nalang ako.
"Tama na'yan, Kirt. Pasok kana." rinig ko ang natatawang boses ni Marjorie.
Nang makita ko siya ay tinuturo niya ang loob kung saan kami nag-lelesson.
Nakangiti akong tumango sa kaniya.
"Pano ba 'yan, Junnie Mari? Mag-uumpisa na kami. See you later, Dewdew ko. I love you much so, bibi. And I know you love me much so too. HAHAHA!" paalam ko sa kaniya.
Agad 'kong pinatay ang linya. Hahaha! Alam na alam ko kasing ayaw niya nung bibi kaya agad 'kong binaba.
Pumasok nako sa loob ng kwarto. Agad 'kong hinanap ang mukha nung kupal pero wala akong nakitang mukha niya.
"So, ako na ulit ang magtuturo sa inyo. Wala na si, Heero. And I hope for a split second may natutunan kayo." sabi ni Marjorie.
Ang iba ay tumawa at ang iba naman ay umungol dahil wala na si Heero. Isang araw lang nilang nakilala, crush kaagad nila. Ang sungit naman nun.
"For a split second naging close si Kirt at Heero." natatawang sabi ng katabi ko kahapon.
Tumawa sila. Saksi silang lahat sa pagsusungit sakin ni Heero kahapon.
Tumawa si Marjorie, "Pasensya kana, Kirt. Heero is just allergic to cute girls." natatawang sagot ni Marjorie.
Tumawa nalang ako. Ang sabihin mo, ganun na talaga 'yung Heero na'yun. Masyadong mayabang at suplado.
Nag-lesson na kami. Ito na pala ang huling lesson namin. Alam ko naman paano tumugtog. Masyado lang talagang mahirap 'yung tinuro ni Heero kahapon. Mga iba't-ibang techniques. Kumbaga, special lesson siya.
Alam ko ng tugtugin ang gusto 'kong kantahin para kay Dewlon. Plano ko siyang kantahin pagkatapos ng lessons ko ngayong bakasyon.
Maagang natapos ang lessons namin. Kaya nagtext ako kay Dewlon na ako nalang ang pupunta sa kaniya doon pero wala siyang reply. Alam 'kong nasa opisina siya ngayon. Pinapa-observe na kasi siya doon ni Ninong.
Sumakay kaagad ako ng taxi. Nandoon din si Papa sa kompanya nila Dewlon. Doon na siya pinasok ni Ninong. Habang si Mama naman ay nagnegosyo ng letche plan. Kaya doon lang siya sa bahay kasama si Ninang lagi.
Habang nasa byahe ako ay nakatanggap ako ng text message. Akala ko si Dewlon pero si Kyona pala.
Kyona :
Nakapag-usap na kami. We're okay now. Nagyayaya si Dreena na kumain tayong tatlo sa labas. Are you free?
Napangiti ako. Sa wakas! Okay narin sila. Excited akong tumipa ng irereply sa kaniya.
Ako :
Sure! Anong oras? Pupunta pa kasi ako kay Dewlon.
Kyona :
Mamayang 5pm. Kain lang naman daw. Siya na daw maghahatid sa atin pauwi. May kotsye na pala ang bruha.
Natawa ako. Sobrang miss ko 'to. Sa paraan ng pagkakasabi niya ay parang bumalik sa lahat ng dati.
Ako :
Hahaha! Okay! Saan tayo kakain? Dapat libre niya 'to.
Kyona :
Sa Robinsons, text text nalang ulit mamaya. Hahaha! Dapat lang, libre niya! Siya 'yung rich kid.
Doon na natapos ang conversation namin ni Kyona.
Nang makarating ako sa building ay bumaba nako ng taxi matapos 'kong magbayad. Mamaya, mag-ji-jeep nalang ako papuntang Robinsons. Wala na 'kong perang pang-taxi. Huhuhu!
Dinial ko ang numero ni Dewlon at tinawagan ito, pero di niya naman sinasagot. Nag-ri-ring lang siya. Siguro busy siya. Hayaan nalang. Hahanapin ko nalang si Papa tapos itatanong ko kung nasaan si Dewlon.
Papasok na sana ako sa building ng pigilan ako ng guard. "ID mo, Miss?" tanong niya.
Napangiwi ako, "Ay, kuya! Di ko dala, eh. Di pa naman kasi pasukan. Bakasyon pa lang kasi..." sagot ko at papasok na sana ulit ng pigilan niya ulit ako.
"Miss, sa itsyura mo pa lang alam 'kong estudyante ka pa lang. Walang estudyante dito." sabi niya.
"Weeeh!? Eh nasa loob nga 'yung boyfriend ko, eh! Kilala mo si Dewlon Scott C. Montesor? College student pa lang 'yun!" sagot ko at papasok na sana ulit ng pigilan niya ulit ako.
"Ikaw? Ikaw ang girlfriend ni Sir Dewlon? Lakas naman ng trip mo, ineng!" natatawang sabi niya.
Aish! Nakakainis 'tong si Manong Guard, ah! Matawagan nga ulit si Dewlon. Sana naman sagutin niya, nu.
Hindi ko naman first time pumunta dito. Baguhan siguro 'tong guard nato.
Biglang may lumabas na babae. Isa ito sa nakita 'kong nasa office ni Ninong nung bumisita kami ni Dewlon dito.
"Kirt, anong ginagawa mo dito? Pinupuntahan mo ba si Dewlon?" tanong niya. Nakita ko sa ID niya na si Regina ang pangalan niya.
Ngumuso ako, "Ito kasi, oh!" sabi ko sabay turo sa guard. "Ayaw ako papasukin." sumbong ko.
Natawa siya, "Guard, papasukin mo ang daughter in law ng President. Ikaw din. Baka isumbong ka nitong cute na cute na babae na'to." pananakot ni Ate Regina sa guard.
Bigla naman nagbago ang itsyura nung guard. Bigla siyang parang natatae. "S-SORRY NA PO MAAM! PASENSYA NA PO!" pagmamakaawa nung guard.
Tumawa ako, "Oh ano ka ngayon! Pero wag kang mag-alala. Mabait naman ako, eh. Di kita isusumbong." sabi ko sa guard. Nagpasalamat naman kaagad siya.
"Sige na, Kirt. Pasok kana." nakangiting sabi ni Ate Regina.
Ngumiti din ako sa kaniya, "Salamat, Ate. Si Dewlon po ano ginagawa?" tanong ko. Baka mamaya niyan makadisturbo ako.
"Ah, sumama sa meeting ng mga staffs. Patapos na'yun. Patulong ka lang sa babaeng nasa lobby ng 5th floor." sagot niya.
Tumango ako, "Sige, thank you." sagot ko. Nagpaalam na siya kaya nagpaalam nadin ako. Siguro aalis siya....ay hindi, Kirt. Papasok pa lang siya. Tsss...
Sinunod ko ang sinabi ni Ate Regina. Sumakay nako sa elevator. Maraming mga taong nakauniforme na abalang-abala. Nakalimutan ko na talaga kung anong business nila Dewlon. Matanong nga mamaya.
Pagkarating ko sa fifth floor ay nilapitan ko kaagad ang babae na nasa lobby. "Ah, excuse me...." bungad na sabi ko.
Expect 'kong ngingiti man lang siya o ano pero tumaas ang kilay niya at hinead to foot niya ako. Tssss, akala mo naman kung sino 'tong magandang babae. Maitim siya, medyo chubby at ang kapal ng vitress sa buhok niyang makulot. Halatang iniiwasang wag bumuhaghag.
Kahit ang sama ng tingin niya ay nanatili akong nakangiti, "Itatanong ko lang sana kung nasaan si Dewlon Monteso --"
"Miss, ika-sampu kana sa mga babaeng naghahanap sa kaniya. Ano? Sasabihin mo rin bang girlfriend ka niya at boyfriend mo siya? Oh c'mon! Dream on, girl!" dirediretsyong sagot niya sakin.
Napaawang ang bibig ko, "A-ano?" gulat na tanong ko.
Ika-sampu? Anong pinagsasabi niya? Ibig sabihin ay maraming dumadalaw kay Dewlon dito sa opisina? At sino-sino naman sila at ang dali naman nilang makapasok sa building at ako na totoong girlfriend pinigilan pa ng guard!
"Oh ano? Gulat ka, nu? Nabisto kita kaagad?" nakataas noong sabi niya.
Sinusubukan talaga ako ng babaeng negrang ito na para na siyang umiilaw sa suot niyang pink na damit.
Pumamewang ako, "Oo magugulat talaga ako. Sino ba ang dumadalaw sa boyfriend ko? Ako? Ika-sampu? Let me see him!" supladang sagot ko.
Tumaas ang kilay niya, "Wag mo ng ipagpilitan ang sarili mo kay Dewlon, bata. Tignan mo nalang ang sarili mo. From the looks of you, you're not even qualified as her girlfriend." sabi niya sabay tingin sa suot ko.
Napatingin ako sa suot ko. Ano naman ang masama sa suot ko? Hindi naman ako pumunta dito ng hubo't hubad!
"Alam mo? Sinusubukan mo talaga ako, ano? Pasalamat ka, hindi ako sumbungera kung hindi isusumbong kita sa Ninong ko." sabi ko sabay dukot ng phone ko sa bag. Anong akala niya. Sumbungera ata to.
Tinignan ko siya kung natakot man lang ba siya konte sa banta ko pero ngumisi pa siya at humalukipkip. Parang sinasabi ng mata niya na, do it. Nakakatangshet talaga 'tong negrang 'to.
Dinial ko ang number ni Ninang pagkatapos ay nilagay ang cellphone ko sa tenga ko. Nag-ring ito mg ilang beses pero walang sumasagot. Iba naman ang dinial kong number. Si Dewlon naman pero this time hindi na nag-riring.
Shet! Bakit ngayon pa sila di ma-contact? Major pahiya pa ako dito.
Tinignan ko ang negra, "Oh ano? Pahiya kana?" tanong niya at ngumisi ng mapangutya.
Napatingin naman ako sa kakalabas lang na mga mukhang intern sa elevator. Papasok sila sa isang hall. Kaya mabilis akong tumakbo papunta sa dinadaanan nila.
Narinig ko pa ang pagtawag ni negra sa akin. At ramdam 'kong hinabol niya ako. Paano ko nalaman? Medyo lumindol kasi kaya ayun.
Habang hirap na hirap siyang habulin ako. May nakaawang na pinto kaya naman pumasok ako kaagad doon.
Pagkapasok ko ay sinara ko kaagad. Nakatingin kaagad sakin ang maraming tao. Mga nasa kani-kanilang table na merong computer. Napatigil sila sa ginagawa nila ng pumasok ako.
Pilit akong ngumiti, "H-hi." bati ko sa kanila at kinawayan sila. Major pahiya konte.
Ngumiti naman ang babaeng may dalang kape at ang iba pa. Kaya naman gumaan ang loob ko.
"Ahmm, pwede magtanong? Saan ko mahahanap si Dewlon Montesor?" tanong ko.
Lumapit sakin ang isang lalakeng mukhang ahmmmm, bading. Omg! Another kaaway nanaman ba ito?
Nakataas ang kaniyang kilay, "Bakit mo siya hinahanap?" tanong niya.
Napalunok ako. Sasabihin ko bang girlfriend ako? o hindi? Bakit ba ako pinahihirapan dito? Minsan napapadpad naman ako dito ah? Pero hindi nga lang sa floor na'to. Sa 7th floor ako lagi, eh. Nandoon kasi office ni Ninong tapos may parang bahay pa sila sa 8th floor.
"Ahmm, girlfriend niya ako." sagot ko.
Mas lalong tumaas ang kilay niya at hinead to foot ako. Walang duda! War nanaman ito.
May tinuro siyang kwarto, "Nasa loob siya." sagot niya.
Kaya naman agad akong tumango at pumunta sa kwarto nayun. "Hep! Meron pa siyang kausap. GF daw ni Dewlon, pero hindi kita pahihirapang makapasok kasi alam 'ko. Mas maayos ka." sagot niya at ngumiti sakin.
"Kung ikaw nga girlfriend...gusto kong malaman mo na pabalik balik 'yang babaeng 'yan dito madalas at pinagmamalaki pang syota daw siya ni Dewlon? Kaimbyerna. Kaya go te! Awayin mo!" nakangiting sabi niya.
Kumunot ang noo ko. Nilalandi ba nung babaeng 'yun ang Dewdew ko? Ngumiti ako sa kaniya, chesmoso siya pero nakakatulong naman.
Lumapit na ako sa pintuan. Pinihit ko ang door knob at sumilip muna doon sa loob. Nakakita kaagad ako ng maputing legs.
Nanlaki ang mata ko. What the!? Legs ng babae? Marahas 'kong binuksan ng malaki ang pintuan.
"Junni Marie!" sigaw ko.
Bored siyang tumingin sakin. "Why are you here?" supladong tanong niya. Ni hindi man lang nagulat.
Dumapo kaagad ang tingin ko sa babaeng nakaupo sa harap ng table niya. Nakasuot ito ng pulang damit at sobrnag iksi nito at revealing pa ang dibdib. Shetness. Ang laki naman ng kaniya?
Tumaas ang kilay nung babae. Maputi siya pero chaka. Oops! May itsyura naman siya pero duhhh! Nadala sa kaputian. Mga mukhang nasa edad 20 pataas na sang babaeng ito.
Kumunot ang noo ko ng hinead to foot niya ako. Pang ilang beses na ba akong hinead to foot sa araw nato? Anong masama sa attire ko? Cute kaya!
"Nandito ako para sayo. Ano pa ba? At sino siya?" tanong ko sabay turo sa babae.
Kumunot ang noo ni Dewlon, "A client, Eunice. So dont point your finger like that." puna niya.
Binaba ko ang kamay ko at bumuntong hininga. "Bakit niya sinabing girlfriend mo daw siya? Is she flirting with you?" tanong ko. Uy! Okay nako sa english! Wag kayong ano!
Ngumiwi si Dewlon. Tumawa naman 'yung babae. Kaya napatingin si Dewlon sa laniya. "What are you--" sinubukan niyang pigilan ang sasabihin niya sakin at kumalma.
Bumuntong hininga siya, "Sorry, Dr. Bacanes." mahinahong sabi ni Dewlon.
Tumatawa parin yung babae. "It's okay, Dewlon. I know kids like her really dont know about being a professional. Is she your girlfriend?" tanong nung babae
Matagal nakasagot si Dewlon. Sinamaan ko siya ng tingin. "Yes." sagot ni Dewlon na parang nag-aalangan pa.
Humalakhak yung witch, "Oh my..." aniya at napatakip pa ng bibig na parang di makapaniwala.
Iniinsulto niya ba ako? "Kaysa naman ikaw diba? Ang tanda mo na nakikipag-flirt ka parin. Hoy, miss! Matuto ka namang pumili sa ka-edaran mo!" singhal ko sa kaniya.
Nanalaki ang mata ni Dewlon at ganun din 'yung babae. Tumayo ng marahan si Dewlon para lumapit sakin.
Hinila niya ako palabas ng kwartong 'yun at sinara ang pintuan kung nasaan ang babaeng 'yun.
"Why are you acting like that? Bakit mo sinagot ang kliyente?" iritadong tanong niya.
Umirap ako, "Nilalandi ka niya. At kung hindi mo alam 'yun. Halata pa lang sa mukha niya na malandi siya at nilalandi ka niya." inis na sagot ko at humalukipkip.
Kumunot ang noo niya, "What? How would you know that? Your turning 18 now, Eunice so act like a mature girl! Not like this! That person inside of that room is a professional doctor! And if your always like this to all of my clients someday. You should find a man who can be childish as you." iritadong sabi niya at pumasok ulit sa kwarto nayun.
Kinagat ko ang labi ko. Nangingilid ang luha sa mga mata ko. Tang*ina naman, eh! Gusto ko lang naman itugtog sa kaniya yung kanta na gustong-gusto ko itugtog sa kaniya pero bakit ganito ang kinalabasan.
Napatingin ako sa mga taong saksi sa nangyari. Major pahiya nanaman pala ako.
Agad akong lumabas doon. Pagkalabas ko ay nakita ko kaagad yung negra. Shet naman oh! Malas ba talaga ako ngayon?
Nilamapsan ko lang siya at hindi ko na maintindihan 'kong ano pa ang pinagsasabi niya.
Nakakashet naman. Ang sakit sakit lang sa heart, eh. Parang may kung anong sumaksak sa puso ko.
Ganun ganun nalang ba 'yun? Hahayaan niya akong maghanap ng lalake na makakasabay sa akin? Hindi siya papalag doon?
Hanggang ngayon parin ba, ako lang ang nagmamahal ng buong buo?
Para naman akong napahiya sa sinabi ko mula sa guard papunta sa babaeng 'yun na nilalandi si Dewlon. Na ako ang girlfriend ni Dewlon Scott Montesor. Napagpaka-maldita mode pa naman ako.
Kampante ako kasi totoong girlfriend niya ako. Alam 'kong mahal niya ako. Nagmamahalan kami. Sweet pa siya kani-kanina lang. Tapos ganto?
Girlfriend niya nga ako, pero ramdam ko ba?