Bumagsak ang ulo ko sa lamesa kaya nagising ako. Mabuti nalang at may librong nakapatong sa lamesa ko kaya di ako nauntog. "Ms. Salvador, do you want to attend my class or you want to go out and go home and sleep?" mariin na tanong ni Professor Ginataan. Umiling ako, "No, Maam." sagot ko at humikab. Kumunot ang noo niya kaya napatakip ako ng bibig, "No, what, Ms. Salvador?" tanong niya. T-teka, ano nga ba 'yung unang tanong niya? Ahmmm, "Yes, Maam." sagot ko nalang at ngumiti sa kaniya pero mas nanliit ang mata niya. "Yes, what, Ms. Salvador?" tanong niya ulit at bakas sa boses niya na naiinis na siya. Narinig ko ang pagtawa nang mga kaklase ko sakin. s**t! "No because you don't want to attend my class. Yes because you wanted to go out to take a sleep." sarkastikong sabi niya. Ngumuso

