"Good morning, baby dewdew!" sigaw ko sa labas ng bintana ko. Bukas na ang bintana niya at alam 'kong narinig niya 'yun. Hindi ko titigilan si Dewlon hanggang sa makulitan siya sakin at magbati na kami. Kung ang mga tingin niya sakin ay parang bumalik kami sa dati? Pwes! Ibabalik ko yung araw na kinukulit ko siya ng bongga! Si Mama pinakialaman nanaman ang pagluluto ko. Si Papa naman tinutulongan ako kung anong dapat kung gawin para magkabati kami. "Kaming mga lalake, anak. Lambingin lang kami, swak na swak na. Hindi puro bunganga..." sabi ni Papa sabay pasimpleng sulyap kay Mama. Nakita naman yun ni Mama kaya ayun nag-away na sila ng nag-away. Umalis nalang ako ng bahay at humalik kayla Mama habang nagbabangayan parin sila. Naglakad lang ako palabas ng subdivision. Gusto ko sanang pun

