Pagkalabas ko ng restaurant ay may tumawag sa'kin sa phone ko. Nang makita ko ang tumawag ay agad ko 'tong inaccept. "Hello?" sabi ko sa kabilang linya. "Kirt! Si Ate Herah! She's in the hospital, I...I..." sabi niya na mukhang nag-aalinlangan pa na ituloy ang sasabihin niya. Nanlaki ang mata ko, "Anong nangyari kay Ate Herah? Saang hospital siya dinala?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Sinabi niya sakin kung saang ospital si Ate Herah. Sasabihin ko sana na pupunta ako ng magsalita pa siya. "You know, I don't want to owe something from you. But, I don't know who to call, I don't want to call Sage or Gia because they're the reason why she's depressed and---" hindi ko na siya pinatapos magsalita. Di ko alam pero natawa ako kasi kinakabahan na n

