Halos itapon ko ang cellphone ko sa pader dahil hindi ko ma-contact si Dewlon. Hindi man lang nagriring! Kagabi ko pa siya kino-contact pero hindi ko siya macontact at makausap. Ngayon ay plano kong puntahan siya sa condo niya o kaya abangan sa classroom niya. O kaya naman ay puntahan pa siya sa CMS. Desperada nako! Hindi niya 'ko pinag-explain! Hindi kami nakapag-usap ng maayos. Hindi niya ako pinapansin at seryoso lang ang mukha niya. Bakit ba lagi nalang ganito? Masaya kami tapos mag-aaway nanaman? Bakit ba hindi niya ko hinahayaang mag-explain? Lalayas nalang kaagad siya o kaya naman hindi ako papansinin kahit nag-eexplain nako. Ayoko ng ganito kami kaya tatapusin ko na.Tatapusin ko na ang pag-uugali niyang ganun. Kung dapat takutin, takutin. Tsyka bakit ganun nalang siya kagalit

