Alam mo 'yung feeling na naiiyak kana sa inis at the same time naiiyak dahil sa lungkot? Ganun ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko, lahat sila iniisip na masama ako. Kahit sana si Dewlon nalang paniwalaan ako, ayos na ako, pero hindi eh. "Nakakatang*ina!" sigaw ko at sinipa ang batong nasa daan ko. Nasa mga kubo sila ng mga farmers at ako naman ay nasa labas lang at nagmumukmok at pinagbubuntungan ng inis ang mga bato o kaya naman d**o. "Kawawa naman 'yung bato. Sinaktan na nga, namura pa." natatawang sabi ng isang boses. Nilingon ko 'yung nagsalita. Isang morenong lalake na medyo magulo ang buhok at malalalim ang dimples. Nakasuot siya ng damit na nakikita kong suot ng mga farmers dito. Wala na'kong oras purihin ang mukha niya. Nakangiti siya sakin. Kumunot lang ang noo ko. Wal

