"We're here..." sabi ni Dewlon sabay labas ng sasakyan niya matapos ihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Dinungaw ko ang pamilyar na dagat at buhangin sa labas. Wow, dinala niya ulit ako dito? Sa Peaceful place niya. Dewlon's place of peacefulness, diba? Lumabas narin ako sa sasakyan. Hinubad ko ang stiletto ko at tumakbo ako sa buhangin at sinalubong ang alon mula sa dagat. "Wohoooo!" sigaw ko hanggang sa nabasa ang mga paa ko. Sabik lang sa dagat, ganun? Buti nalang at naka-dress ako at pwede kong maangat kung mababasa man. Nakangiti 'kong nilingon si Dewlon. Nakahalukipkip siya habang nakatingin sakin. Bakit ako lang 'yung mukhang excited? Parang di man lang siya nasisiyahan dito. Muntik ko ng makalimutan na meron palang ganito. Minsan nalang kasing pumupunta si Dewlon dito. H

