Heero's POV "I said let go!" sigaw ni Kirt habang inagaw ko sa kaniya ang baso ng alak na hawak niya. Inutusan akong bantayan muna si Kirt habang nandito siya sa isang lamesa. Nagsisiuwian na ang mga bisita dahil tapos na ang party at ito siya matapos makapagbihis ng isang dress ay naglalasing siya. "I just turned 18, what's your problem? It's legal for me to drink!" sigaw niyang muli. Binitiwan ko ang baso at tuloyan ng binigay sa kaniya. Agad niya itong ininom na para bang tubig. f**k! Nabuhayan ako ng makitang papalapit si Ysabel at si Kyona. "Kirt, tama na'yan. Kailangan mo ng magpahinga..." mahinahong sabi ni Kyona. Umiling si Kirt, "No, I still want to drink and drink and drink!" sabi niya at tumawa. Nagkatinginan kaming tatlo. "Lasing na nga, Heero..." sabi ni Ysabel. Hinawa

