Nang makabalik kaming Cebu ay tinambakan kami ng maraming trabaho sa school. Mga hardcopy ng mga lessons na namissed namin tapos mga report na gagawin namin. Mabuti naman at magkasing course lang kaming lahat pero si Nikke ang kawawa. "Bahala na nga, kay Sheyen nalang ako magpapaturo..." sabi ni Nikke at umalis na sa room namin kung saan kami nila Ysabel, Mixx at ni Heero ay nagtutulongan sa report namin at review nalang daw dahil nalalapit nanaman ang finals. Parang kailan lang nung pumasa ako sa midterm nug nakaraan tapos ngayon ay finals na. Kinakabahan ako baka di ko mapasa gaya nung mga nakaraan na tinulongan pa ako ni Dewlon sa mga professors ko. Dapat mahing independent na ako para pagbalik ni Dewlon, proud siya sakin at proud din ako sa kaniya. Malapit na ang finals at ibig sabi

