Lahat sila marami ng plano pagkapalag na pagkalapag ng eroplano sa NAIA. Habang ako halos mabaliw na kung paano ko ma-ko-contact si Dewlon. Sinubukan kong tawagan si Gabriel pero hindi niya ito sinasagot. Nagdalawang isip pa ako kung tatawagan ko ba si Graisyl pero desperada na ako kaya sinubukan ko. At for the first time sinagot niya din, "Hello, Kirt!" masiglang sagot niya. "Napatawag ka?" tanong niya. Ngumiti ako, "Kasama mo ba si Dewlon?" tanong ko sa kaniya. Pakapalan na talaga ng mukha kahit sa karibal pa ako magtanong. Natigilan siya sa kabilang linya, "Ahmmm, hindi ba kayo nag-uusap? I am the one who's handling the company right now because he's in Los Angeles," sagot niya. Kumunot ang noo ko, "Anong ginagawa niya doon?" tanong ko. "I don't know, sabi niya importante daw. I

