"Aw!" daing ni Alodia ng duldulin ni Ken ng bulak na may alcohol ang tuhod ni Alodia sa loob ng infirmary. Habang ang Papa niya at mga kaibigan nito ay pinaalis na sa area dahil protocol ng security, pinipilit din siyang paalisin ni Ken at kulang na lang pagtulakan siya nito papasok sa sasakyan nila pero halos masira na ang damit ni Ken sa pag kakapit niya rito kanina. Kaya sa inis ng papa niya sa nakikita ang mga ito na ang umalis nag bitaw pa ito ng salita na hindi na daw siya nito anak. Ikinahihiya na daw siya nito wag na daw siyang uuwi kahit kelan. Alam niyang galit lang ang ama kaya iyon sinabi pero hindi siya nito matitiis, "Kung di ako dumating on time baka butas-butas na ang katawan mo." gigil na wika ni Bryan na inis na inabot ang bote ng alcohol at pinasiritan na ang tuhod niya

