"F*ck!" gigil na sigaw ni Ken habang sakay ng helicopter patungo sa restricted area kailangan niyang mapigilan si Dia na makapasok sa loob kundi malalaman nito kung anong inililihim niya na kahit si Collin hindi alam. Ang alam lang ni Collin dun nakatago ang pekeng Xeth na pinalabas nila sa mga elder na nag papagaling. Pero meron ibang nakatago dun at siya lang ang allowed na makapasok dun. Pero kung gagamitin ni Dia ang itim na sing-sing na ibinigay niya rito noon malaya itong makakapasok dahil hindi lang basta itim na sing-sing ang binigay niya rito. Susi iyon sa lahat ng kayamanan at ari-arian ng mga Dimotrovich illegal man o malinis. I-pepresent lang yun ni Dia at i-iscan ng sino mang bantay mag kakaroon na ito ng access sa lahat. Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang tungkol s

