Marahan na hinaplos ni Ken ang pisngi ng asawa habang titig na titig siya rito, hindi niya inaasahan na matitigan niya muli ng ganito kalapit si Alodia at mahahawak niya ito ng ganito. Akala niya hindi na ito mangyayari pa muli, panaginip lang ba ito sana wag na siyang magising. "You're trembling." usal ni Alodia na hinawakan ang kamay ni Ken na nasa pisngi niya. "Hindi ko alam ang sasabihin ko, I just want to look at you." wika ni Ken ng bumaba ang kamay nito at sinalat pa ng thumb finger nito ang labi niya. Inalis naman ni Aloida ang kamay ni Ken saka siya na ang tumawid ng pagitan nila at hinalikan si Ken sa labi na mabilis naman umatras. Nasa isang hotel sila na pag-aari ni Alodia, dun siya dinala ni Alodia. Ayaw sana niyang sumama rito pero wala na siyang nagawa dahil pilit-pilit n

