Pinalis ni Ken ang bumagsak na luha habang nakatingin sa malaking digital billboard sa harapan isang kumpanya kung nasaan na feature ang isang commercial ng toothpaste na si Alodia ang model. Sa mga magazine, billboard at commercial na lang niya na titigan ng matagal si Alodia. Pag minsan nakikita niya ito sa personal pero naka halo siya sa mga tao na nakiki usyoso, meron kasing itong ginawa na commercial na kasama ang kaibigan nitong artista na si Red. Na sa pag kakaalam niya na anak ng kaibigan ng ama nito na isang sikat na song artist at actor. Nakakaramdam siya ng selos pero kinikimkim na lang niya dahil hindi na niya kayang pasayahin si Alodia gaya ng gusto niya. Kaya hahayaan na niyang ibang lalaki ang gumawa nun naipadala na din niya kay Avery ang divorce paper nila ni Alodia na pir

