"Goodmorning." bati ni Alodia sa isang picture na cellphone niya habang halik dun saka ngumiting sinaplos ang screen ng phone bago bumuga ng hangin. "Sino yan?" napalingon naman si Alodia na biglang napalingon na mabilis na itinago ang cellphone sa bag niya at nginitian ang kapatid na si Avery na nakitulog sa unit niya kagabi dahil lumayas ito sa bahay nito at ayaw naman umuwi sa kanila dahil mapapagalitan ito ng magulang nila. Sa kanilang magkakapatid ito talaga ang pinaka pasaway pero mabait naman at sweet sadyang napaka impulsive lang at pabigla-bigla ang desisyon at masyadong malihim. Isang bagay na hinahangaan niya sa kapatid, gusto din niyang maging implusive yung wala kang ibang iisipin na kahit sino basta mag dedesisyon ka na lang basta at bahala na kung tama ba o mali ang ginawa

