Inis na malalaki ang hakbang ni Alodia habang patungo sa VP office na nasa kabilang dulo lang ng aisle ng office niya. New elect na vice president pala si Ken sa kumpanya niya. Habang ang VP president na naka upo sa puwesto ay na terminate ng 'di oras dahil kay Kennedy na nahanapan ng butas at wala silang kaalam-alam meron na pala itong anumalyang ginagawa na sumasabotahe. Kaya nag punta dun ang parents niya para i-discuss sa kanya ang ginawa ni Kennedy na 'di niya alam kung ikaiinis niya o kailangan niyang mag sorry at humingi din ng pasalamat. "Goodmorning Ms. Dia," bati ng secretary ni Ken sa labas ng office nito. Ito pa rin ang dating secretary ng vice president at hindi niya alam pero parang nairita siya na tumingin rito. Masyado naman yata ang pula ng make-up nito, ang desente naman

