Nakatingin si Alodia sa tasa ng tea na nasa harapan niya, hindi niya alam kung bakit siya naroon sa isang café kaharap si Ken. Talagang ito nanaman ang nasunod at wala na lang siyang nagawa ng hilahin na siya nito palabas ng event at dalahin sa isang café na malapit sa condominium niya. "What do you want and why are you here?" tamad na tanong ni Alodia kay Ken na hindi nag-abalang tingnan ang asawa. "For you." sagot naman ni Ken na pagak na ikinatawa ni Alodia na nag-angat saglit ng tingin rito sabay baling ng tingin. "Sino ka nga ulit?" tanong pa niya rito. "Alodia," may pag babanta sa tinig nito. "Ah! Right, I remember you. Bryan Collin without an S." ngisi pa ni Alodia sabay higop ng tea niya sa tasa. "Kelan kita puwedeng maka-usap ng matino?" tanong ni Ken na halatang na pipikon

