Ang pakikipag plastikan at pakikihalubilo sa mga mayayamang tao ang pinaka-away ni Alodia pero bahagi siya ng society na yun at wala siyang choice kundi makipag bungguan siko sa mga ito habang ang mga mapang husgang mga mata ay sa kanya nakatingin. Ilang percent din ang ibinagsak ng personal stock niya sa market dahil sa mga naglabasang article tungkol sa kanya na kung hindi na aagapan ng pamilya baka ma-bankrupt siya ng 'di oras. Pero kahit ganun siya naman yung tipo ng taong hindi matitinag lalo pa't alam naman niya na hindi siya ang babaeng iyon na gumagawa ng kasiraan sa kanya gamit ang mukha niya. Malinaw na si Andrea Amador iyon at isang babaeng hunyango kung tawagin ng pamilya niya dahil magaling itong mang gaya ng mukha kaya hindi nila malaman kung sino ito. Mukhang pinag handaan

