"Ang sabi mo ipapakilala mo ako sa angkan mo bakit umalis agad tayo," tanong ni Ken habang sakay na sila ng kotse after nilang umattend sandali sa isang binyagan ng kunin ninang ang asawa. Ngunit mas matagal pa ang biniyahe nila kesa itinagal nila sa party, at parang ilag na ilag si Alodia na mag tagal sa party. "Parang takot na takot kang ipakilala ako ah!" "Dahil hindi kita kayang ipag malaki sa pamilya ko." sagot ni Alodia habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. "Are you trying to hurt my ego?" tanong ni Ken. "Well congratulation, you did well pero wala akong paki-alam. Kept doing that nag pabuntis ka sa akin so you don't have a choice." wika ni Ken na bumaling na lang din ng tingin sa labas ng bintana. "Asan na si Rolly? Wala na ba siyang balak pumasok?" tanong ni Alodia

