Napangibit si Ken na napahawak sa dibdib na kumikirot, sabay tingin sa isang IV fluid na nakasabit sa gilid ng kama niya saka napatingin sa kamay na naiinis na hinila ang karayom na nakatusok sa likod ng kamay. Bago dahan-dahan na bumangon sabay mura ng kumirot ang buong katawan niya. He's been torture for almost 2-week gusto ata ng ama niya lumpuhin na siya para wala na siyang magawa kundi tanggapin ang kapalaran niya na pilit pa rin niyang tinatanggihan. Ilang beses na siyang tumatakas pero ang ending na huhuli siya at pinabubugbog ng ama, nag hunger strike na din pero hindi niya kaya dahil hindi puwedeng basta siya susuko, kailangan niyang bumalik ng Pilipinas para kay Alodia, wala siyang tiwala sa ama niya dahil mas safe si Alodia kung nasa tabi lang siya nito. Wala na siyang pakialam

