Panay naman ang tulo ng luha ni Ken habang naka tingin sa asawang natutulog sa kama nito. Ang laki ng ipinayat nito na ayaw nitong masyadong mag kakain, kakain man kaso isusuka din. Na hihirapan daw si Alodia sa pinag bubuntis nito at dumagdag pa ang nangyayari sa kanya na i-send pa pala rito ng ama niya ang mga video habang pinahihirapan siya. Kung hindi pa niya niloko ang ama, hindi pa siya nito papayagan na bumalik ng Pilipinas. Sinabi niya na babalik na siya sa Black mamba pero hayaan siyang makasama si Alodia. Pero ang totoo yayain niya si Alodia na tumakas at magtago na lang sila, ngunit hindi niya inasahan ang maabutan niya. 2 araw na palang nasa hospital si Alodia dahil nagkaroon na ito ng bleeding at malaki ang chance na malaglag ang baby nila. Napataas ang tingin ni Ken ng bum

