Mabilis na pinalis ni Ken ang mga luha na pinahid saka ngumiti, ilang beses na niyang paulit-ulit na pinapanood ang short clip na yun na send sa kanya ni Athena na may caption pa na anak ng demonyo buti na lang mukhang angel si Xavier Azrael, ang ganda ng pangalan ng anak niya. Xavier Azrael, hindi niya alam kung paano nakuha ni Athena ang contact niya, ano pa bang nakakagulat sa babaeng yun. Pero masaya siya dahil nagagawa nitong padalahan siya palagi ng update kay Alodia, kahit papaano na babawasan yung bigat ng pakiramdam niya sa pang-aabandona sa mga ito. Pakiramdam niya kasama pa rin niya si Alodia habang pinag bubuntis nito ang anak nila. Walang palya ang pag sesend sa kanya ni Athena ng mga video at picture. Ultimo ng ipanganak ng asawa niya si Xavier, kaya masaya siya dahil sa ka

