Nakakalang ang ulo ni Alodia sa kamay niya habang nakatagilid ng higa at tinatapik sa hita ang anak na mahimbing ng natutulog sa tabi niya sa kama. Hawak-hawak nito ang maliit na teddy bear na bigay ng ama nito na unang regalo na galing kay Xeth, Xeth na ang pangalan na ginamit nito hindi na Ken. Ibig sabihin niyakap na nito ng tuluyan ang totoo nitong identity, identity na hindi naman nito nakasanayan. Marahan na kinintalan niya ng halik ang matabang tiyan ng anak, kung naroon siguro si Ken. Tiyak pang gigilan nito palagi ang anak nila dahil sobrang cute at ang taba ng baby nila. Full breastmilk lang ito ng una at ayaw pumayag ng ina niya na mag formula milk na agad sila. Hindi rin naman siya pinayagan na mag trabaho, ang gusto ng mga ito kapag naka 1 year old na ang anak saka na ulit si

